Note:
The picture is not mine I got it from google or pinterest.
~ Yell and Ichi
--------------------------YELL POV
Kinuha ko ang first aid kit na nasa ilalim ng upuan at kaagad nilagyan ng tourniquet yung balikat ko. Isinunod ko naman si Vicet. Ryleen was another matter, she was bleeding, internally.
"GO FASTER?!!" sigaw ko sa piloto.
Maya maya ay palapag na ang helicopter, kung tumagal pa kami ng kahit sampung minuto lang ay sigurado ng may nangyaring masama sa dalawa.
Pag bukas ng pinto ay meron ng naka antabay na medics sa helipad kaya mabilis akong bumaba ng mas mapadali ang pag kuha nila kina Vicet at Ryleen.
"Yell?!" napalingon naman ako doon sa tumawag sa pangalan ko. Nakita ko ang pag aalala sa mukha nya at pag aalangan na rin.
Nginitian ko lang sya at nag mock-salute. Lumapit naman sya kaagad sakin at niyakap ako ng mahigpit. Napangiwi na lang ako ng maipit nya ang braso at balikat ko
pero hinayaan ko lang sya, dahil sa ngayon, masarap sa pakiramdam ang ginagawa nya sa akin.
Masarap pala sa pakiramdam na may natutuwa at naghihintay pala sa pag uwi mo. Medyo matagal na rin noong huli kong naramdaman ang ganito.
Naramdaman ko ang pag agos ng dugo ko pababa sa braso ko hanggang tumulo mula sa mga daliri ko papunta sa semento.
"Oh God Yell!! your bleeding!!"Bulalas ni Dustine na kaagad namang kumawala sa pagkakayakap sakin.
"Its okay. Its just a flesh wound. Sila ang delikado hindi ako" pag re-reassure ko pa sa kanya. "Besides, isang bala lang yung nasa loob kasi dumaplis lang yung isa" dagdag ko pa.
"Ah ganun? at parang nanghihinayang ka pa na dumaplis lang ha?! Daplis lang!!" singhal nya sa pagmumukha ko.
"Easy . .para kang kuya mo, pupunta naman ako ng ospital ee nakikidrama lang naman ako sayo dito" sabi ko sa kanya at tinalikuran na sya para lumapit sa mga van ng medic na nandoon.
Nagulat pa ako ng sobra ng buhatin ako ni Dustine. Pumalag ako kasi kaya ko naman maglakad papunta doon pero kusa din akong huminto ng sinabi nya na:
"Ito lang ang kaya kong gawin para makabawi man lang sa laki ng tulong na naibigay mo sa pamilya ko, wag mo sana akong pigilan"
Tahimik lang kaming dalawa hanggang makarating yung ambulance sa mansyon nila. Tahimik rin lang si Dustine habang inaasikaso ako ng doktor. Tsaka lang sya nag salita nung nalagyan na ng cast ang kamay ko.
"Hindi mo ba hahanapin si kuya Ichi?" tanong nya sakin pero sa cast ng kamay ko sya naka tingin.
"Nawawala si Ichi?!" tanong ko sa kanya. Kinabahan ako ng matindi kaya napatayo ako kaagad at akmang lalabas ng pigilan ako ni Dustine.
"No. That's not what I meant" bahagya pa syang natatawa habang sinasabi yun. Naasar na tiningnan ko sya ng seryoso.
"A-ah ahm I mean hindi ka ba nag tataka na hindi sya ang sumalubong sa inyo?" tanong nya ulit sakin.
"Bakit naman ee wala naman kaming usapan na aabangan nya ang pag dating ko?" naguguluhang tanong ko rin sa kanya.
Natapik naman ni Dustine ang noo nya at napapatingala pa.
"Hindi naman kailangan na may usapan, natural lang yun kasi di ba, kaya ka nga napapasubo sa mga challenges na 'to dahil kay kuya Ichi? so natural lang na andito sya kahit wala kayong usapan" paliwanag naman ni Dustine.
BINABASA MO ANG
Extraordinary
Teen Fiction"Ang personality ko ay base sa pagkakakilala ko sa sarili ko. Ang attitude ko ay base sa kung ano ang tingin mo sa pagkatao ko and guess what? wala akong pakialam kung anong opinion mo tungkol sakin." Her name is Yell Androval. Walang pakialam sa si...