Unexpected

77 1 0
                                    

Note:
The picture is not mine I got it from google or pinterest.
~ Yell
--------------------------

Na tahimik naman silang lahat at natutok sakin ang atensyon nila pero bago pa ako makapagsalita ulit ay bumagsak at nagkapira-piraso ang kisame ng mansyon at kasabay niyon ay mga kalalakihang naka combat attire na may mga tali pa na nakakabit naman sa isang chopper sa taas.

Bumukas din ang pinto at pumasok ang mga kalalakihang may mga armas na kaparehas nung mga na una at kaparehas nila yung suot.

Pinalibutan nila ako pero nakatutok ang baril nila sa mga tao doon sa loob ng kwarto maliban sa akin.

"Target 1 located"

"Secure the Lieutenant!"

"Target secured!"

"Target 2 is not on sight"

"Search for the Captain!"

Hindi magkamayaw sa ingay ang mga kalalakihan na pumasok. Halatang nagulat ang angkan ni Ichi sa bilis ng mga pangyayari at walang nakahuma ni isa sa mga guards nila.

Maya maya pa ay may bumalik na isang lalaki na halatang kasamahan ng mga kalalakihang naka combat uniform na nasa kwarto.

"Sir! target 2 is located and secured but needs to be brought to a medical facility asap" pagbabalita nya sa pinakaleader nila.

ICHI POV

Nanlalaki ang mg mata ng mga tao doon sa study room dahil sa mga kalalakihang sumugod. Kahit nabigla ako sa pangyayari ay nauna pa rin ang concern ko sa safety ni Yell kaya hindi ko na napigilan na lumapit kay Yell na kasalukuyang napapalibutan nung mga armadong lalaki.

Bakit kasi sa lahat ng malulugaran ay sya pa ang nakatayo doon ng mangyari ang pag lusob ng mga ito kanina?!

Nang gumalaw ako palapit kay Yell ay parang iisa lang ang isip ng mga lalaking armado na agad itinutok ang mga baril sakin.

Napataas kaagad ang kamay ko tanda ng pag suko. Nag aalala rin na sinulyapan ko si Yell. Napatanga nanaman ako ng makita kong wala man lang bahid ng pagkabigla ang itchura nya.

"Commander General ma'am, we have secured the targets. We're pulling out now" narinig ko pang sabi nung lalaking pinakamalapit kay Yell.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng nag about-face ang lalaking yun at sumaludo kay Yell.

"Lieutenant, ma'am our mission is to secure you and the captain then get away from here asap" naka saludo pa ring parang nagrereport na sabi nito kay Yell.

Nakita ko pa kung paano titigan ng matagal ni Yell ang lalaki sa harapan nya bago itinuon sa akin ang titig nya.

Blanko ang expression ng mukha nya at wala akong mabasa na emosyon sa mga mata nya. Basta nakatitig lang sya sa akin.

Pagkatapos ng sampung sigundo ay ibinalik nito ang tingin sa kanyang harapan kung saan naka saludo pa rin ang armadong lalaki.

"At ease" narinig kong sabi ni Yell at kaagad naman nag relax ang katawan ng lalaki at ibinaba ang kamay na naka saludo.

"Transport the Captain immediately, he needs immediate medical care " sabi ni Yell pagkatapos ay isa-isang tiningnan ang mga tao sa loob ng kwarto.

"Lieutenant, you need to come with us. It is the General Commanders' order" sagot naman nung kauusap nya.

Bumuntong hininga muna si Yell tsaka tumitig ulit sakin.

"Copy" sabi nya at basta na lang tumalikod at naglakad palabas ng pinto. Gulong-gulo ako sa mga nangyayari. Wala akong idea kung ano ba ang nangyayari at kung sino itong mga kalalakihan na sumugod sa bahay namin.

ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon