Note:
The picture is not mine I got it from facebook so credits to the owner.
--------------------------YELL POV
Kada araw na dumadaan para lang akong na nanaginip, hindi ako makapaniwala na nangyayari sa akin ito.
Iniwasan, tinakbuhan at pinagtaguan na nga wala ka pa rin kawala. Sabi nga ng matatanda kung nakatadhana ito, mangyayari at mangyayari talaga.
Kanina pa namin kasama si Ichi. Feeling close ito sa mga kaibigan ko na akala mo matagal na namin syang kasama.
Hindi ako palakinig sa sinasabi ng ibang tao lalo na dito sa school pero
mahirap balewalain ang mga ito kung malakas naman ang pagkakasabi ng mga studyante habang dumadaan kami.
Katulad kanina sa SC, ang daming may komento ng lumapit sa amin si Ichi pero mas lumakas yun ng harangan nito si Cade
lalo naman nung nag epic fail ito, nakakatawa pero parang ako lang ang natatawa
yung iba pagkagulat, galit at pagkainggit ang naging reaksyon nila
tch! kung hindi lang talaga kami nag papanggap sininghalan ko na yung mga tao doon.
Ngayon naman habang kumakain kami lahat ng studyante doon nagpapalipat-lipat ang tingin sa amin nila Ichi at Margaux.
"Bakit kasama nilang kumain si Ichi baby ko?"
"Malandi pala ang Yell na yan! Imagine nilandi nya si Ichi ko!"
"Bakit ganun? halos lahat ng gwapo dito sa school malapit sa kanya, pati si Dustine ko hindi pinalagpas"
"Ay ang sweet naman ni Ichi! tingnan mo oh palagi syang nakatitig kay Yell at nakangiti!"
"Oo nga ang cute nilang tingnan! waaa inggit ako!"
Napataas ang kilay ko sa narinig ko at lumingon kay Ichi.
Tama nga sila nakatingin ito. Ano naman ang kailangan nito?
"Bakit?" simpleng tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang ito at umiling pagkatapos ay ipinagpatuloy ang pagkain nya.
psh! pa-justine beiber effect ee di naman tumatalab.
"Ichi?" lahat kami napalingon sa tumawag kay Ichi.
nakita namin si Britina na nakakunot ang noo at para syang takang-taka sa nakikita nya.
"Bakit hindi ka pumasok kanina Ace?" tanong nito na nakatingin kay Ichi. Huh? Ace talaga ang tawag nya kay Ichi. Tehehe pinanindigan?
"Pumasok ako" natatamad na sagot ni Ichi
"Patawa ka naman Ace. Sympre kung pumasok ka ee di sana nakita ka namin" ani Britina.
"I changed section" sagot ulit nito.
"Huh? bakit bro?" tanong nung isang lalaki na nakatayo lahat ng buhok, buti na lang hindi gaanong mahaba ang buhok nya kung hindi nakakatawang tingnan ang hairstyle nito.
Tiningnan ko rin yung iba pa nilang kasama. Maliban kay Britina at nung lalaki na nakatayo ang buhok ay may kasama pa silang dalawang lalaki.
Yung isa rainbow colored yung buhok at yung isa naman straight ang buhok hanggang balikat.
Ito yata yung "popular clique" na sinasabi ni Aden na kinabibilangan ni Ichi.
Tehehe mas bagay ang F4 sa kanila at si Britina ang sanchai, asan kaya si Shinghux?
BINABASA MO ANG
Extraordinary
Teen Fiction"Ang personality ko ay base sa pagkakakilala ko sa sarili ko. Ang attitude ko ay base sa kung ano ang tingin mo sa pagkatao ko and guess what? wala akong pakialam kung anong opinion mo tungkol sakin." Her name is Yell Androval. Walang pakialam sa si...