Otiose

58 1 0
                                    

Note:
The picture is not mine I got it from google or pinterest.

-Aden and Cade
------------------------

YELL POV

Pag dating namin ni Ichi sa bahay ko ay nakita namin si Vicet sa labas at nakaupong natutulog.

Tinapik ko ito para magising. Pupungas-pungas itong tumayo ng nakasimangot.

"Where were you? ang tagal-tagal nyo. Hinog na ako kakaantay pero wala pa rin kayo" nakasimangot pa ring palatak nito.

"Tumabi ka. Inaantok na ako" sabi ko sa kanya at mabilis naman itong tumabi.

Hindi talaga ako ang tipo ng tao na mapagpasensya lalo na paginaantok.

Pagkapasok namin ng bahay ko ay kaagad akong dumiretcho sa kwarto ko at nagbihis.

Paglabas ko ng banyo ay nakita ko sila Vicet at Ichi na nagbibihis na rin. Humilata agad ako ng higa sa gilid at nakatulog agad.

Kinabukasan

Gising ang diwa ko pero ayaw pang dumilat ng mga mata ko kaya hinayaan ko munang nakapikit ang mga mata ko.

Naalala ko yung kagabi, hindi na siguro kailangan pang sabihin kay Ichi na kaya ako sinusunod ng mga tao doon ay dahil kilala ako sa lugar namin. Madaming tambay at durugista sa lugar namin dati

Pero noong dito na ako tumira ay unti-unti nalinis ang mga 'to dahil sa akin.

Pagtripan ba naman ako ng mga tambay ee.

Napansin kong may nakayakap sa akin mula sa likod at may nag-uusap.

"Mabuti at hindi ka sinasapak ni Yell pagnagigising syang nakayakap ka sa kanya" narinig nyang sabi ni Vicet.

"Bakit? madami na bang tumabi at yumakap sa kanya habang natutulog?" may diin ang salitang tanong ni Ichi.

Humigpit din ang yakap nito sa akin at tense din ang mga muscles nito sa braso at balikat na nakadikit sa akin.

"Hahaha hindi nuh! sa pagkakaalam ko, ako at yung mga kaibigan nya sa school pa lang ang nakakatabi sa kanya

Pero hindi naman daw sya niyayakap nung mga yun pagnatutulog" sagot ni Vicet.

"Paano ka nakakasigurado?" si Ichi ulit.

"Tinanong ko sya at sinagot naman nya, naniwala ako dahil hindi yan sinungaling. Dati rin nag attend kami nang party at may tumabi sa kanya matulog.

Noong magising sya ay inihagis nya sa labas ng bintana yung lalaki, Simula nun, wala ng nagtangka pa" sigurado ako nakangiti na naman yun si Vicet.

"Ee ikaw?" tanong ulit ni Ichi.

"Ah okay lang naman sa kanya. Noong una lang ako nasasapak pero natutunan ko din umilag kinalaunan" sagot ulit ni Vicet.

"Kaya nga curious ako sayo. Ang mga boyfriend nya kasi dati pang display lang daw nya

Sa totoo lang mas gusto nya pa akong kasama kaysa boyfriend nya pero sayo, kakaiba ang inaakto nya" dagdag pa ni Vicet.

"Talaga?" narinig kong sabi ni Ichi. Dumilat na ako at mukha nya ang una kong nakita.

Ngiting-ngiti pa ang kolokoy.

"Tuwang-tuwa ka ah?" bigla naman itong napalingon sa akin at ayun na naman ang namumula nyang mukha.

"A-ah ah hehe gising ka na pala" pagkasabi nun ay tumayo na ito.

"Alam nya ba na alam ko yung tungkol sa pagpapangap nyo?" bulong ni Vicet sa akin.

ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon