Note:
The picture is not mine I got it from google or pinterest.
------------------------Monday
YELL POVTamad na tamad ang mga hakbang ko papasok sa school. Namimiss ko yung weekend. Pwede bang rewind parang hindi ako prepared tehehe.
Umuulan kaya naka hoodie ako pero hindi na hoodie ng kuya ni Dustine,
Nalabhan ko na yan at naka pag goodbye na ako dun kaya tangap ko nang ee sasauli ko na yun hayss.
Senti pa more pag monday.
Dumaan muna ako sa locker ko bago pumunta sa room namin at nandoon na rin ang tropa kasama pa si Cade.
"Goodmorning!" sabay sabay pa nilang bati sa akin. Tango lang naman ang isinagot ko sa kanila. Sinalubong naman ako ni Aden at niyakap.
Hmm komportable. Napapikit naman ako hayss gusto ko pang matulog. Bumitiw din kaagad si Aden at niyuko ako.
"Sweety, alam ko hindi ka morning person, lalong hindi ka monday morning person pero ngiti ka naman dyan"sabi nya sa akin.
Ngumiti naman ako yun nga lang ngiting aso.
"Hmpf sige na nga pwede na rin yan atleast nag eefort ka" sabi nya ulit tsaka umupo na.
Lumapit naman ako kay Cade tsaka pinagtaasan ng isang kilay.
"Nagpalipat ako ng section para lang sa subject na ito total magkapareho naman ang time and oo pumunta ako ng library" sagot nya sa akin.
Alam talaga nilang bad mood ako pag umaga at monday.
Hindi na rin ako mag tataka na nagawa nya yung magpalit ng section dahil kahit hindi kalat sa school na ma pera 'tong mga ito ay alam naman ng lahat ng teachers.
Sa laki ng donation galing sa pamilya ng mga ito magtataka ka talaga kaya magtatanong ka. Hindi din naman nila ipinagkakaila pag may nag tatanong.
Sa buong durasyon ng klase ay tulog ako hangang lunch break. Paano ko nagawa yun?
Simple lang.
Umupo ako sa likod nila Aden at Cade.
Sa tangkad ng mga yun hindi talaga ako makikita. Ginising nila ako nung paalis na sila papuntang canteen.
Nice, gutom na ang halimaw sa tyan ko.
Naguusap-usap pa sila pero wala ako sa mood,
Gutom ako at ang focus ko ay mabilis na makarating sa canteen at maka kain na.
Pag bukas ng pinto ng canteen ay agad akong kumuha ng pagkain at pumunta sa cashier para mag bayad pero may nag cut sa akin.
"Hello slut" sabi ng babae sa akin napatingin naman ako sa mukha nya.
Tinanguan ko lang sya tsaka nag try mag by pass sa kanya at swerte nakarating din sa cashier. Pagkatapos magbayad ay pumwesto na ako para kumain.
Alam mo yung sobrang hangover mo pero di mo masabi dahil mabubuko ka na nagpapart-time job ka?
Tapos gutom ka pagkatapos ng mahabang tulog mo dahil sa sakit ng ulo mo? alam mo yung feeling?
Yup para kang ipinasok sa washing machine.
Yun ang na fe-feel ko that time kaya kailangang kumain. Naguumpisa pa lang ako ay may lumapit ulit sa akin at base sa boses nito,
Yung babae na naman kanina.
Nagsi-upuan na rin ang mga kaibigan ko pero mukhang walang balak umalis ang isang ito at kung ano-anu ang pinag sasasabi.
"You really think you're worth something slut? well think again you're worth of nothing" sabi nya.
BINABASA MO ANG
Extraordinary
Teen Fiction"Ang personality ko ay base sa pagkakakilala ko sa sarili ko. Ang attitude ko ay base sa kung ano ang tingin mo sa pagkatao ko and guess what? wala akong pakialam kung anong opinion mo tungkol sakin." Her name is Yell Androval. Walang pakialam sa si...