Patience

136 3 0
                                    

Note:
The picture is not mine I got it from google or pinterest.
The girl is Joan, Yells' cousin.
-------------------------------

Sa lahat ng meron ako, pasensya ang pinaka nagkukulang sa akin. Mas malaki pa nga ang hinliliit ko kesa sa pasensya ko.

Madalas ako maasar at mapikon pero minsan lang ako magalit. Makikita naman sa mukha ko kung galit na ako.

Sa totoo lang dalawang tao pa lang ang nakakita kung paano ako magalit at ayaw na daw nila maulit yun. Masyado daw akong bayolente pag nagagalit.

Pero pag ganito ang nararamdaman ko alam ko mauuwi 'to sa galit at hindi maganda ang kalalabasan nito.

Pinsan ko si Joan pero malayong pinsan na kung baga pero para sakin, malayo o hindi di pa rin mag babago ang katotohanan na pinsan ko sya.

Patay talaga sa akin yung tanga na nakuhang mangtrip sa kanya.

"Nasaan na kaya yun?" tanong ko pa sa sarili ko.

"Magtago-tago ka na dahil kawawa ka pag nakita kita" bulong ko pa sa kawalan.

Lakad takbo ako sa hallways kahahanap dun sa nantrip kay Joan.

Basang basa sya na nag tatago dun sa haligi nung pader, sa twing naiisip ko yun lalong umiinit ang ulo ko.

Nang malapit na ako sa may likod ng building ng mga juniors ay may narinig ako.

Parang may nag susuntokan. Agad akong pumunta dun at TING TING TING ayon ang loko, nakita ko rin!

aba at talagang nag aangas may binubogbog ang loko at base sa uniform ay Junior ito.

Napunta ulit ang tingin ko kay Randy, ang loko na hindi nakuha sa pananakot ko dun sa likod ng principals' office.

Oo sya yung napabalita na binugbog ko raw pero ang totoo tinakot ko lang yun dahil binubully nya si Joan.

Tumakbo ako papalapit kay Randy sabay round house kick sa tyan nya oh di tilapon ang loko.

Napanganga naman ang kasama nya.

"Anong ginagawa nyo dito? tsaka bakit nyo to binubogbog?" tanong ko pa dun sa kasama nya.

Painosente pa kunwari ako na parang wala akong sinipa na tao.

"Na- si Randy- sino ka?" yan ang napakatalinong sagot ng kasamahan ni Randy na pinagaksayahan ko ng effort at laway para tanongin.

Hayss tao nga naman, nakaka bobo.

"Linawin mo nga ang sinasabi mo!" pasigaw ko pa na sita sa kanya pero sabi ko nga kanina di talaga ako mapag pasensyang tao kaya bago pa sya mag salita ay nilampasan ko na sya.

Kay Randy bakulaw na lang ako magtatanong.

Aba matibay ang loko mukhang nakabawi na at tumatayo na binigyan ko nga ng isa pang sipa sa tyan, mahirap na baka maka bwelo 'to mapalaban ako ng totoo.

Ang laking tao pa naman nito.

Napahandusay ulit ito tsaka ko kwenelyohan at inilapit ito mismo sa mukha ko para marinig nya ako ng maayos.

"Kilala mo ba ako?" tanong ko pa at talaga naman nakuha pa akong ngisihan.

"Ikaw?malamang, Ikaw lang ang nakatakas sakin" sabi nya sabay ngisi ulit.

Diniinan ko ang balikat nya. Yung pressure point nya dun para maparalisa ang kanang kamay nya pati yung kabila para pantay hehe.

"Hindi ako tumakas boplaks ka! Na shock ka yata masyado at di mo napansin na nakaalis na ako wag kang feelingero.

ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon