Note:
The picture is not mine I got it from google or pinterest.This is how I imagine Yell. Pag wala syang pakialam sa mga bagay bagay at sa paligid nya. I'm not good in writing tagalog so pasensya na kung may words na mali hehe. Enjoy and please vote thanks! Happy Easter Sunday!
----------------------------Sa totoo lang madali para sa akin ang hindi pansinin ang mga bagay bagay sa paligid ko.
Mag isip lang ako ng malalim tungkol sa isang bagay ee nakakalimutan ko na kung ano ba ang nangyayari sa paligid ko.
Mas malala pa ito pag nagbabasa ako. When I read, napupunta ako sa mundo ng binabasa ko, ni hindi ko mapapansin kung may kumakausap man sa akin at kahit nasa gitna pa ako ng maraming tao na maiingay.
Kaya ko mag concentrate sa binabasa ko at hindi ko na sila maririnig. Ganun ako katinde maging unobservant.
Kaya nung pumasok ako sa school na nakataas ang hood ay parang normal day lang sa akin.
Late sa umaga, met my friends during homeroom. A-attend ng classes at tada! lunch break na din sa wakas. Isinara ko ulit yung zipper ng jacket at isinuot yung hoodie bago lumabas.
Mahirap talaga pag wala ka na ngang tulog mula pa kahapon ee wala ka rin kain.
Wala pa naman sa plano ko ang mamatay ng dilat ang mga mata sa gutom kaya excited talaga ako pumunta ng canteen.
Ang locker ko ay malayo sa mga kaibigan ko. Habang inilalagay ko ang mga gamit ko sa locker ko ay parang may sumisigaw ng salitang slut pero as usual, deadma ako.
Gutom na nga ang tao manguusyuso pa ba ako. Nagmamadali kong isinara ang locker ko pagkapadlock ko lang nito ay may humigit sa akin para mapaharap ako.
Napamaang naman ako. Sino ba 'tong babaeng 'to? Ano kaya kailangan nya sa akin?
"Hey slut bakit suot mo yang jacket na yan? wala kang karapatang isuot yan!" sita nya sa akin.
Napakunot noo naman ako. Sino ba sya para sitahin ang suot ko? Friday ngayon kaya hindi kami expected mag uniform.
"I'm asking you! Who gave you permission para isuot ang jacket na yan?" tanong nya ulit.
Kitang kita sa mukha nya ang pag ka inis. Napatingin naman ako sa likod nya at may mga kasama pa pala sya.
"Why aren't you answering me!" sigaw nya pa ulit. Napabuntong hininga na lang ako. Pinagsasabihan ko ang sarili ko na mag pasensya.
Pahablot nyang hinawakan ang braso ko ng madiin tsaka pinagsabihan.
"Can't you understand? OMG! Pathetic!" sabi nya pa sabay tingin ulit sa akin.
Nagsisimula na rin ako mairita. Lalo na at mahigpit ang hawak nya sa kamay ko.
"Sino ang nagbigay sayo ng karapatang isuot ang jacket na yan ha?" tanong nya.
Hayss marunong naman mag tagalog nag uumenglish pa.
Arte!
Tiningnan ko ulit kamay nya na nakahawak sa braso ko.
Masakit na yun dahil bumabaon ang mga kuko nya tsaka ko sya tiningnan ulit.
"Sayo ba 'to?" tanong ko rin sa kanya. Na shock ata 'to pero umiling.
"Eh hindi naman pala sayo anong inaarte mo dyan?" sabay talikod ko sa kanya.
Gutom na ako, mas gugustuhin ko pang kumain kesa patulan ito.
"Wait!" at humabol pa.
"Do you know me huh? I am Queen of this school at kabastusan yang ginagawa mong hindi pag sagot sa tanong ko" nangigigil nyang sigaw sa akin.
BINABASA MO ANG
Extraordinary
Teen Fiction"Ang personality ko ay base sa pagkakakilala ko sa sarili ko. Ang attitude ko ay base sa kung ano ang tingin mo sa pagkatao ko and guess what? wala akong pakialam kung anong opinion mo tungkol sakin." Her name is Yell Androval. Walang pakialam sa si...