Note:
The picture is not mine I got it from google or pinterest.-Yell
------------------------Tumutunog na naman ang phone ko hayss! asan na ba yun. Ka-kakapa ko ay dinadaganan ko na lang ang mga unan ko.
Mukhang wala dito sa higaan ko. Kinapa ko sa bedside table at ayun sakto.
"Hello" nakapikit pang sabi ko. Nakabalot pa ako sa kumot ko habang nasa ibabaw ng mga unan hayss ang sarap sa pakiramdam.
"Hello Yell! wala tayong pasok dahil signal number 3 na at bumabaha na daw dyan sa area ng school natin" sabi ni Margaux sa kabilang linya.
"Ah ganun ba? okay" sagot ko.
"May pagkain ka ba dyan? inabot na ba ng baha yang building nyo? okay ka lang ba dyan? baka gusto mong dito ka muna sa bahay" sabi nya pa.
"Okay lang ako Margaux wag ka magalala nasa mataas na bahagi naman ang apartment ko kaya kahit bumaha okay lang kakabili ko rin lang ng groceries.
Pagkanaglimang araw na at bagyo pa rin tsaka ka mangamba dahil wala na akong food nun" natatawa ko pang biro sa kanya.
"Hindi ako natatawa sa biro mo" sagot nya naman.
"Hey I'm okay don't worry. Si Aden ang tawagan mo. Doon ka sa kanya mag worry, pagnakausap mo na sya balitaan mo ko ah? at sabihin mo na rin wag mag alala sa akin okay? baka sumugod yun dito" bilin ko sa kanya.
Um-okay naman sya at nagpaalam na ako. Ibinalik ko lang yung phone sa bedside table at pumikit pero napadilat din agad ako dahil gumagalaw ang unan ko.
Nanlalaki ang mata ko habang mabilis na umupo para tingnan kung ano yun. Baka mamaya ahas yun or worse daga. Tinangal ko ng dahan dahan yung unan, ready na ako sa kung ano man ang makikita ko . . .
at nakakita ako ng abs.
Teka tumutulo ata laway ko. Tapos naalala ko si Ichi nga pala andito. Tinangal ko pa yung isang unan tsaka ko lang nakita ang mukha nya. Nginitian nya ako tsaka nag goodmorning.
Patay malisya naman akong bumangon at pumunta ng cr. Pag labas ko ay wala na si Ichi sa kwarto kaya lumabas ako sa sala, nasa kusina sya.
"What are you going to cook for breakfast?" tanong nya sa akin. Napangiwi naman ako.
"Pasensya na pero hindi ako marunong magluto. Usually nag tatake out lang ako ng food o kumakain sa labas. Cup noodles lang ang pagkain dyan at junk foods" sabi ko sa kanya.
"Mag isa ka lang dito?" tanong nya ni hindi yata nag register sa utak nya na wala syang ibang kakainin hanggang mawala ang baha kundi cup noodles.
"Yup. May na pansin ka bang ibang tao dito? kasi kung meron man, sure ako ikaw lang ang nakakita" seryoso ko pang sabi sa kanya.
"You're joking right?" tanong nya sakin. Nginitian ko naman sya pero hindi ako sumagot. Kumuha ako ng cupnoodles at nilagyan ng mainit na tubig.
"So ano ang gagawin natin dito ngayong baha at bumabagyo?" tanong ni Ichi.
"Ahm, wala akong alam kung gusto mo manood ka ng tv. I usually read when I have free time" sagot ko sa kanya.
"So yung kwarto na yan ay parang study room?" tanong nya habang nakaturo pa sa katabing pinto ng kwarto ko.
Tumango lang ako. Pagkatapos namin kumain ay binilinan ko syang tawagan ang mommy nya bago mawalan ng kuryente dahil sa bagyo at pumasok na ako sa kabilang kwarto.
Napangiti ako ng makita ko yung apat na librong hindi ko pa nababasa. Hayss sa wakas nagkaroon din ako ng time para basahin itong lahat. Series kasi sila kaya ayoko basahin ng paputol-putol.
BINABASA MO ANG
Extraordinary
Teen Fiction"Ang personality ko ay base sa pagkakakilala ko sa sarili ko. Ang attitude ko ay base sa kung ano ang tingin mo sa pagkatao ko and guess what? wala akong pakialam kung anong opinion mo tungkol sakin." Her name is Yell Androval. Walang pakialam sa si...