Counterpart

60 1 0
                                    

Note:
The picture is not mine I got it from facebook so credits to the owner

Blast from the past Yell and Vicet.
----------------------------

YELL POV

Pagkatapos kumain ay nagpaalam ako kay Ichi na uuwi na pero pinigilan nya ako.

Alam ko na yung tungkol sa pag subok at updated na rin ako sa mga pangyayari

kaya gusto ko sana umuwi muna para makapagpahinga bago magumpisa ang trials.

"Cmon Ichi. I'm tired and I want to relax." sabi ko.

"Paano kung may gawin sila Loyd Lee sayo para hindi ka makapagcompete sa mga pagsubok?" mahinang sabi nito.

"Sa bahay ako pupunta tapos babalik din ako bukas at magdadala ako ng gamit para dito muna ako magstay hanggang sa matapos itong pagsubok na ito" sabi ko.

Tahimik lang itong nakatingin sa akin.

"Please!" sabi ko pa tsaka lumapit sa kanya at bumulong.

"Ginagawa ko lang ito dahil dapat aakto akong girlfriend mo. Kung ayaw mong mapahiya payagaan mo ako."

Napilitan naman itong tumango.

Kanina pa kami dito sa sala nila at kanina pa kami tinitingnan ng pamilya nya at nung malanding babae kaya napipilitan akong umakto ng ganun.

Nagulat ako ng malambing na niyakap ako ni Ichi at iniharap sa mga audience namin.

"I'm just worried about you Ōjo. Paano kung mabinat ka?" tanong nito habang naka patong ang baba nito sa balikat ko

at dahil nga naka harap ako sa pamilya nya at nila Loyd Lee kailangan um-akting ng matinde.

"Okay na ako promise babalik din agad ako bukas" malambing din kunwari na sabi ko.

Hinimas-himas ko pa ang buhok nya.

"Okay Ōjo, be back soon and stay safe ha?" bilin nito tsaka hinalikan ako sa pisngi.

Damn!

Muntik na akong magreact doon buti na lang hinigpitan ni Ichi ang yakap nito sa akin.

Humanda ka sa akin mamaya Ichi Zaumi!

"Ipapahatid na lang kita sa driver Ōjo kasi may pag uusapan pa daw kami nila Lolo. Ok lang ba huh?" tanong ni Ichi.

Lokong lalaki 'to ah kinakarer at pinapahaba pa ang palabas nila.

Kaasar!

Ngumiti sya ng ubod ng tamis.

"It's okay. Kaya ko naman ee. Sige alis na ako huh?" hindi ko na inintay ang sagot nya at kumawala sa pagkakayakap nito. Lumapit ako sa mga magulang ni Ichi.

"Mama Franz, I have to go now but I'll be back tommorrow" paalam nya.

"Promise hija?" tanong ng Dad ni Ichi.

"Of course Dad. I'll be back" sagot nya.

"Wow I never thought na Dad and Mama na pala ang tawag mo sa mga magulang ni Ichi.

Parang siguradong-sigurado ka na ah?" patuyang sabi ni Ryleen.

Naiinis na nga ako, dinadagdagan pa ng bruhildang ito.

Lumingon ako at tiningnan sya na parang ngayon ko lang sya nakita tapos ay ngumiti ako.

"Hmm piece of cake" sabi ko tsaka tumalikod na.

Nagpipigil naman ng tawa si Ichi habang nakasunod sa akin palabas ng bahay nila.

"Grabe ka pala magtaray, nakakamatay" komento ni Ichi at pilit pinipigilan na mapangiti.

ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon