Note:
The picture is not mine I got it from google or pinterest.
Its Margaux!
-------------------------------Malungkot ang mag isa. Lalo na kung simula pa lang mag isa ka na.
Malungkot dahil hindi mo naranasan ang saya ng may pamilyang uuwian, yung may sasalubong pag uwi mo.
Kaya ko nasabi malungkot lalo na pag sa umpisa mag isa ka na
dahil sa mga ganyang simpleng bagay para sa iba pero di mo mararanasan o mararamdaman dahil nga mag isa ka lang mula umpisa.Magulo ba? pero sa akin may kahulugan yan at naiintindihan ko. Umuuwi ako sa bahay ko.
Oo, bahay ko dahil mag isa ako dito, wala akong magulang dito pero mas pinili ko na dito tumira ng mag isa at malayo sa pamilya.
Wala namang away o hinanakit o pagpapalayas na drama. Talaga lang siguro naiisip nila na okay nga lang mamuhay ako mag isa.
Yun nga lang, akala lang nila. Ni hindi nga ako tinanong kung bakit basta binigyan na lang ako agad ng pera at sinabihan ako na mag ingat at mag paramdam paminsan minsan wow! dude! ramdam ko ang pagmamahal. Pero andito na rin lang naman aba ee panindigan na.
Total dito din ang punta ko, napaaga lang tehehe.
Nakahiga ako sa higaan ko at unti unting dinadalaw ni bestfriend Antok ng may mag doorbell.
Galing ng timing ng langya sarap kutusan. Nagbilang pa ako hangang kinse para hindi lang ako ang asar kundi pati yung nag doorbell.
Sosyal ang apartment ko noh may doorbell. Ang tawag ko sa tinitirahan ko ay apartment, ang tawag ni Aina condo, kayo na bahala kung sino papaniwalaan nyo basta ang bahay ko nasa 14th floor tehehe.
Padabog na binuksan ko ang pinto at voila! nakasimangot din sila Margaux at Aina. Sabi ko na ee tabla tabla tayo pagnangiistorbo ng tulog.
"Bakit hindi ka pa nagbibihis? Hindi ka ba sinabihan ni Aden na may lakad tayo AT wag mo sabihing pagod ka dahil naka pagpahinga ka na kanina, ang aga mo umuwi diba?" litanya ni Margaux.
"Wala ako maisusuot tsaka di ko nga alam kung ano pupuntahan natin, baka mamya lamay yan."
"Sa kalokohan nyo hindi na ako magtataka" pagdadahilan ko pa.
Minsan kasi inaya nila ako na may pupuntahan daw at magbihis daw ako ng maayos.
Sunod naman ako yun pala mga langyang isinama ako sa lamay at ang matindi ni hindi nila kilala yung nilalamayan nakikain lang kami dun.
Mga walang magawa talaga. Naka pag absent tuloy ako sa work ko tapos walang kwentang trip lang pala nila yung pupuntahan namin.
"Aba at talagang papahabain pa ang usapan, sya gora sa kwarto mo. Kami maghahanap ng isusuot mo at party ang pupuntahan natin hindi lamay" sabat naman ni Aina
"Sure ka?"
"Oo naman noh!"
"Ayosin nyo lang di ko talaga trip mag lamay ngayon lalo na kung hindi naman natin kilala, mga trip nyo talaga" banta ko pa.
Binuksan naman ni Margaux yung closet ko."Ano ba naman tong mga damit mo, puro pamburol ang kulay" reklamo ni Margaux.
"Saan ba dito banda ang dresses mo?" dagdag pa ni Aina. Natawa naman ako.
"Sa isang taon natin bilang magkakaibigan sa tingin nyo may pagmamay ari talaga akong dress?" natatawa ko pang sabi.
"Heh! walang masama kung magkukunwari kami na hindi ka tomboy" sagot naman ni Aina.
"Hindi naman ako tibo ah! Boyish lang" naka ngisi ko pang sabi. Nilabas naman ni Margaux phone nya tsaka tinawagan ang driver nya at inutusan itong umakyat sa apartment ko.
Nang dumating yung driver ni Margaux ay may dala dala itong paper bags na ibinigay nya naman agad kay Margaux at kaagad na nag paalam.
Nakangiting bumaling si Margaux sa akin.
"Never underestimate me dear friend, I always have a plan B" nakangisi din ito sa akin.
Napaungol na lang ako sa pagkadismaya akala ko pa naman sapat na ang dahilan ko, yun pala may dala syang damit para sure.
Pinagtulungan naman nila ako ayusan. May party daw malapit kina Aden.
Kaya ito ako ngayon nakasuot ng blue na halter dress na hanggang kalahati ng hita ko with matching killer heels, killer heels dahil ito yata ang ikakamatay ko.
Nakataas din ang buhok ko at ang kapal ng mukha ko -este make up ko na sila din ang nag lagay. Ang dami nilang effort para daw maka
hanap na ako ng boyfriend.Haha patawa sila.
Hindi ako intresado.
Sa estado ng buhay ko ngayon, magdadagdag pa ako ng problema?
Syempre para sa akin hindi convenient yun. Getting to know each other pa nga lang sakit na sa ulo dahil nga ang ganda ganda ng ugali ko sabi pa ni Aina.
Hindi ako yung tipong lalakad ng mag isa tapos makikipagkwentohan sa katabi. O yung tao na sobrang friendly o kahit na walang sobra, friendly na lang, dahil kabaliktaran ako nun.
Ang sabi nila Aiden masungit daw ako tingnan at mukhang suplada kaya nila ako nilapitan ni Cade para tingnan kung babait at magswo-swoon ako pag nakita ko sila.
Sad to say lampas lampasan lang yung tingin ko sa kanila in fact ni hindi ko ma recall na nilapitan nila ako.
Nagtransfer ako dito last year kaya ko-konti lang talaga ang naging kaibigan ko aside sa mga kaklase ko.
Dinaan namin sila Cade at Aden sakay ng kotse ni Margaux, sya nag dri-drive, pinauwi nya na ang driver nya at ang sabi ee dun na sya matutulog kina Aina.
Nang magtransfer ako dito sa school hindi ko inaasahan magiging kaibigan ko sila. Si Margaux ang una kong nakilala habang kumukuha ako ng registration form ko.
Dinaldal nya ako ng dinaldal kahit na halata namang di ako nakikinig sa kanya.
It turns out kaklase ko pala sya at pinakilala nya ko kay Aina.
Si Aina naman medyo ilag sa akin noong una. Mukha nga daw kasi akong suplada pero dahil makulit si Margaux ee napilitan din sya makipag kaibigan sa akin.
Nung mag lunch break inaya nila ako sa canteen. Syempre baguhan ako, niyaya na nga ako aayaw pa ba ako? Sa opinion ko ay doon ko unang nakilala sila Aden at Cade.
Naki share sila sa table namin, at doon na nag umpisa ang lagim -este, friendship pala namin.
BINABASA MO ANG
Extraordinary
Teen Fiction"Ang personality ko ay base sa pagkakakilala ko sa sarili ko. Ang attitude ko ay base sa kung ano ang tingin mo sa pagkatao ko and guess what? wala akong pakialam kung anong opinion mo tungkol sakin." Her name is Yell Androval. Walang pakialam sa si...