Paradox

75 3 0
                                    

Note:
The picture is not mine I got it from google or pinterest.

--------------------------

YELL POV

Pagkarating sa apartment ay nagbihis lang ako at pumunta na sa work ko.

Ang club na pinapasukan ko ay hindi yung club sa tabi tabi na may mga tumitable.

Ang club na pinapasukan ko ay isang exclusive disco club. Techno ang music dito at dahil bartender nga ako hindi na bago yung ilibre ako ng drinks ng mga customer namin.

Bawal tangihan yun dahil pinagkakakitaan din yun ng club kaya madalas ito ang dahilan ng pagsakit ng ulo ko kesa sa magdamagan kong pagbabasa sa bahay.

Pagkapasok ko ay nagpalit ulit ako ng uniform namin sa club.

Sleeveless na blouse and plaited skirt na black. Atleast hindi ako required mag heels dahil may platform sa bar kaya elevated na yun.

Mabilis na lumipas ang oras at masyado akong na busy sa dami ng customers pero napansin ko pa rin sya. Bakit kaya naligaw ito dito? tanong ko sa sarili.

Mukhang hindi nya naman ako nakita at dumiretcho sila ng kasama nya sa VIP rooms sa taas ng bar.

Pagkatapos ng isang oras ay lumabas na sila pero umiba ng direksyon si Ichi, papunta sya dito sa bar.

Patay kang bata ka Yell impossible ng hindi ka nya makilala.

Umorder sya ng drinks at natural bibigyan ko, trabaho ko yun kaya naman nageexpect na ako ng violent reaction galing sa kanya

pero nginisihan nya lang ako tsaka kunwari nakikipag toast sakin at ininum ang alak nya.

Hmm kakaiba din 'to ha. Hinyaan ko lang sya at ginawa ang trabaho ko. Mag o-out na ako ay nandoon pa rin sya at umiinom.

Nag iisip ako kung isasabay ko 'to umuwi o hahayaan ko na lang. Sinara ko yung locker ko at nagsuot lang ng jacket tsaka lumabas sa kusina.

"Yell baka pwede pakilabas mo na rin 'tong trash bag. Konti lang naman yung laman" sabi sa akin ni Romy.

Lumapit naman ako sa kanya at kinuha yun. Medyo mabigat pero keri naman hanggang labas lang naman ng club.

Pag daan ko sa may bar area ee nan doon pa rin si Ichi, tulala nga lang.

Tsk! tsk! mukhang sininghot nya yung alak at hindi linagok.

Hayss buhay talaga masyadong maraming komplikasyon.

Linapitan ko si Ichi at tinapik sa balikat. Lumingon naman sya at nginitian ako pero yung ngiti nya halata mong pilit, ayoko pa naman ng ngiting ganun.

Nakakainsulto kasi pag pinili ng kaharap mong pakitaan ka ng pekeng ngiti kesa ipakita ang totoong nararamdaman nila.

"Ano ba o Sino ba ang problema mo?" tanong ko sa kanya. Nginitian nya lang ako ulit ng peke tsaka umiling.

Yell kaylangan mong magpasensya. Ganyan talaga ang tao madalas akala nila lumalabas sila sa tv at nag aartista.

Bawal tablahin ang ganyan kahit isang kaltok lang sa ulo kasi lasing na, kailangan nyan tulong at isang malupit na kausap katulad mo sabi ko sa sarili ko.

Hayss kulang na talaga ako sa tulog at kinakausap ko na ang sarili ko.

Napatingin ako sa relo ko mag 3:30am na.

"Woi Ichi sumabay ka na sa akin umuwi tingnan mo oh! madaling araw na may pasok pa tayo bukas" yaya ko sa kanya.

Tiningnan nya naman yung relo nya tsaka tumayo at in-isang lagok lang yung natitirang alak sa baso nya. In fairness matibay din sa inuman ah hindi sya sumusuray - suray katulad ng ibang lasing dyan.

ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon