Chapter 24: Muling pagkikita

157 12 0
                                    

Laxxus POV

ISANG linggo akong nagkulong sa apat na sulok ng aking silid sa aking tinitirahan. Tulala, kinakausap ang sarili na tila isang baliw dahil hindi mawala ang pangyayari sa akin isang linggo na ang nakakalipas.

Mula noong lumabas ako sa ospital, tulala at minsan ay sinasaktan ko ang aking sarili dahil na rin sa hindi mawala sa aking isip ang pangyayaring iyon sa akin.

Lagi ko itong napapanaginipan at kahit tuwing umaga ay matutulala na lamang ako sa kawalan. Wala akong nagawa para ipagtanggol ang sarili ko. Wala akong nagawa para lumaban sa ibinigay niyang sakit sa akin.

Naghalo-halo na ang nasa aking isip. Sa loob ng isang linggo, kinukulit ako nang aking Manager na pumasok ngunit binababaan ko na lamang siya ng tawag dahil kahit kailan ayaw ko nang bumalik pa roon sa Club.

Inapakan nito ang dignidad ko maging ang karapatan ko. Binantaan niya ako at sapat na iyon sana upang magsampa ng kaso ngunit wala naman tutulong sa akin kung ganoon ang gagawin ko.

Sa mundong puno ng karahasan, kahit isang hustisya ay hindi mo makakamit dahil sa bulok na sistema sa lipunan. Kung sino ang mas makapangyarihan, iyon lang ang makakakuha ng hustisya kahit bulok naman ang ugaling pinapakita nila.

Kahit nanghihina pa rin ang aking katawan, sinubukan kong lumabas para naman masinagan ako ng kahit kaunting liwanag man lang. Nabigla si Manang Nez nang lumabas ako ngunit hindi na lang ako nag-atubiling ngitian siya.

Dumiretso ako sa labas, naglalakad at lumilipad ang aking isipan. Hindi ko alam kung saan ako tutungo, dumiretso lang ako hanggang sa may nabangga ako ngunit hindi ko iyon pinansin.

Narinig ko ang kaniyang pagsigaw, napatigil ako. Lumingon ako sa paligid at laking gulat ko nang pader na ang aking kaharap. Kung hindi lang siguro ako tinawag ng taong iyon ay mababangga na ako.

Saktong pagtalikod ko ay bumungad na naman sa akin ang magandang mukha ng isang binibini. Siya ang abogado sa ospital na tumulong sa akin.

"A-Ayos ka lang, Laxxus?" hinihingal na tanong niya.

Kumunot ang aking noo. Nagtataka kung paano niya nalaman ang aking pangalan. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" nagtatakang tanong ko.

Nang mabawi na nito ang kaniyang normal na paghinga ay umayos siya nang pagkakatayo.

"Nakita ko sa gamit mo noong nasa ospital ka. Isang linggo na rin kitang hinahanap dahil kailangan mo-" napatigil siya sa kaniyang sasabihin nang dumako ang kaniyang mga mata sa akin palapulsuhan. "Anong nangyari diyan?" may pag-aalala sa kaniyang boses.

Mabilis ko iyong itinago sa aking likuran, "wala... nasugat lang," pagsisinungaling ko.

Kumunot ang kaniyang noo at pilit na inaabot ang aking pulsuhan. "Did you just scratch yourself? What have you done?!" singhal niya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "I have done nothing, Miss." malamig kong sumbat sa kaniya. Akma na akong aalis nang hilain ako nito.

"I can help you," wika niya. "Tutulungan kitang maibsan ang depresyon na pinagdadaanan mo dahil naiitindihan kita," dagdag niya.

I smirk. "No one can understand me, Attorney. Sarili ko lang ang makakaintindi sa akin," sagot ko. "And that demon inside of me? It pains me so much... but I can handle it with my own. I can't trust anyone."

"You can trust me, Laxxus. I don't know exactly what happened to you one week ago but I have this speculation that you are raped and harassed by someone!" giit niya.

Hindi ko alam pero parang magaan ang pakiramdam ko sa kaniya. Unti-unti akong natutunaw sa kaniyang pananalita. Will she help me? Will she defend me?

Defiant Youth Series # 12: Unwanted Justice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon