Chapter 26: Warrant of Arrest

152 10 0
                                    

Atty. Mishel Marrey's POV

ISANG BUWAN naming hinintay ang issue for Warrant of Arrest para kay Zach Versoza at ngayon, tagumpay ang plano naming iyon. At first, the motion was denied so, I decided to seek remedy from the Department of Justice. It was a big help because the city prosecutor finds probable cause. He issued a resolution spelling out the reasons for such findings that we used to file an information in Court with the recommended bail. And thank God, dahil sa isang kapit ko sa loob ng korte, nagbigay agad ang judge nang Warrant of Arrest.

Naghihintay kami ngayon ni Laxxus dito sa loob ng presinto. Pabalik-balik siyang naglalakad at tila hindi mapakali.

"Kumalma ka, Laxxus." singhal ko rito.

Alam kong kinakabahan siya dahil muli niyang makakaharap si Zach Versoza maski ako ay kinakabahan rin at ngayon ko lang ito naramdaman. Hindi ko alam kung anong klaseng kaba itong nararamdaman ko, kung kaba ba na bigatin ang taong kinakasuhan namin o kaba na nanggigigil sa kalapastangan niyang kumitil ng buhay.

"Paano... paano ako kakalma, Attorney?" nagsusumamo at ramdam ang kaba sa kaniyang tinig. "Kung 'yong taong gumahasa sa akin ay makikita ko ulit ang pagmumukha niya." He added.

Tumango-tango lang ako dahil naiintindihan ko ang kaniyang nararamdaman pero hindi dapat siya magpakita ng takot para sa taong iyon.

"Please, huwag mong ipakita na mahina ka at huwag mong ipakita na natatakot ka sa kaniya, Laxxus," pakiusap ko. "Masasayang lahat ng pinaghirapan natin sa loob ng isang buwan na paghihintay."

Naupo ito sa aking tabi at humugot nang malalim na paghinga. "W-Walang hiya siya, Attorney. Inapakan nito ang pagkatao ko at ang dignidad ko," gigil nitong sambit sa akin. "Tangina! Iyong puri ko dinungisan niya kahit sobrang dungis na nang pagkatao ko..." basag ang boses na pagpapatuloy niya.

Hinagod ko ang kaniyang likuran. Nakikita ko sa kaniyang mata ang pagpipigil nito ng kaniyang luha. Labis kong napagtanto na kahit madumi at bayaran siyang tao, may takot pa rin ito kapag siya ay na-agrabyado.

"Hayaan mong batas ang lumitis sa kaniya. Makakamit rin natin ang hustisya para sa sarili mo, Laxxus. Narito lang ako na handa kang tulungan."

Tumingin ito sa akin, bakas sa kaniyang mata ang galit dahil wala itong emosyon. "Sana lang makamit ko ang hustisyang iyon at sana... nasa tabi pa rin kita pagkatapos ng lahat ng ito."

Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Ano ang ibig niyang sabihin? Hindi naman ako mawawala kung sakali sa tabi niya ngunit bakit parang may ibang kahulugan ang kaniyang sinabi?

Bumilis ang tibok ng aking puso. Posible kayang mahulog ako sa kaniya kahit na mas matanda ako ng tatlong taon sa kaniya? Posible kayang magustuhan niya ako kahit hindi pa namin masyadong kilala ang isa't-isa?

"L-Laxxus..." tanging sambit ko, " ano ba ang ibig mong sabihin?" kinakabahan kong tanong.

Pilit itong ngumiti. "Wala, Attorney. Hayaan mo na lang, tutal ganoon naman talaga ang bagsak ko. Magiging mag-isa ako hanggang sa kamatayan ko." naiiling na sagot niya.

Hindi ko siya maintindihan. Ano ba ang pinagsasabi niya? Ayaw niyang linawin kung ano iyon, tangina! Ang gulo rin niya! Ang daming katanungan sa aking isipan ngunit hindi na ako muling nakakibo nang marinig namin ang pagwawala ng isang tao sa bungad ng presinto.

Kumunot ang aking noo, napatayo nang pumasok ang pulis bitbit ang lalaking- Zach Versoza? Mabilis na napatayo sa aking tabi si Laxxus. Pumasok ang ibang pulis at mahigpit na hinawakan si Versoza na hanggang ngayon ay nagpupumiglas pa rin.

"Tangina! Pakawalan niyo nga ako!" sigaw niya. "Wala akong kasalanan kaya bakit ako nandito?!"

"Hindi po namin kayo maaaring pakawalan, sir dahil mabigat po ang paratang sa inyo ng taong ginahasa niyo," paliwanag ni SPO4 Romualdez.

Defiant Youth Series # 12: Unwanted Justice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon