Million Dollar Baby EIGHTEEN

1K 27 0
                                        

Chapter Eighteen.

Million Dollar Baby

[ Frea Noline and James Harbie on the right side. Pasensya na ang epic ng pagkaka-edit. Hoho. ]

Jessica's POV

"Ui Babe, may problema ba?"

Napabalik ako sa reality nang sikuhin ako ni Tyler. Tinignan niya ako gamit ang kanyang Makisama-Ka-Nalang look. Para naman akong aso na tango lang ng tango.

"Hoy Tyler! Ano ba 'tong pakana mo?"

Bulong ko sakanya. Nakangiti siya sa lahat habang ako naman hiyang hiya na sa kalokohan niya. Naka-akbay pa din siya sakin kaya naman hindi ako kumportable sa paglalakad.

"I love you too! BABE."

=_________=

Wala akong makuhang matinong sagot sa hayop na 'toh. Bwisit. Ipinagsigawan pa talaga niya yung 'I love you' at in-emphasize yung BABE. Nakakahiya na 'toh ah! Hindi ba siya nakakaramdam?

Pinagtitingin pa din kami tapos kanya-kanya silang bulungan. Kesyo bakit daw ako kasama ni Tyler. Kung Girlfriend ba niya ako. Kung anu-ano naririnig ko. At ang pinaka-nakakainis. Ang landi ko daw. Ganun naman palagi eh. Ang mga Pilipino talaga oh. Masyadong mapanghusga at saksakan ng chismoso/chismosa.

Pagdating namin sa dulo kung saan wala masyadong mga estudyante nabigla ako sa pagtulak sakin ni Tyler. Hindi naman as in tulak. Mild lang. Pero nasaktan ako. Hindi dahil sa pagtulak niya. Kundi hindi dahil sa paglayo niya sa akin.

Naa-abno nanaman ako. Tsk. >________<

"Ano bang problema mo?"

"Wala naman."

"Eh ano yung kanina?"

"Ah. Si Honey kasi nasa likod natin kanina."

Ano naman kung nasa likod namin yung Putakteng yon? Big deal? Big deal? >________<

"Oh tapos?"

"Para hindi niya ako guluhin."

"AHH! GANUN! GAG--"

"Ikaw ano bang problema mo? Nabitin ka? Gusto mo akbayan pa kita?"

A-ano daw? O______O

"Eh gago ka pala eh! ANG KAPAL NG MUKHA MO!"

"Tsk."

"HOY SAAN KA PUPUNTA?!"

Million Dollar BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon