Chapter Twenty One.
Million Dollar Baby
[ Diana Neli on the right side. ]
Diana Neli's POV
Kanina ko pa nililibot 'tong Library kakahanap kay Joshua. Sabi niya nandito lang daw siya. Eh saan naman kayang lupalop nagsuot 'yon?
Narinig ko yung Librarian naming galit na galit na sumisigaw. Pinuntahan ko agad kung saan nang-gagaling yung ingay.
Naalala ko kasi nung una kong nakilala si Joshua. Dahil sa masyado niyang pagmamahal sa bag niya. Napagalitan tuloy kami ng Librarian. I mean. Ako lang pala ang napagalitan. Masyado siyang mahal ng Librarian namin dito eh. Kaya naisip kong baka may na-trouble nanaman dahil sakanya.
Nakarinig ako ng mahinang tawanan kaya hinanap ko kung saan nang-galing 'yon. At nakita ko si Joshua na nakasalampak sa sahig habang nakikipag-tawanan sa katabi niyang babae.
S-siya yung..kasama ni Tyler at Harbie noon. S-siya yung yakap yakap ni Tyler nun at..siya din y-yung babaeng hinalikan ni Tyler nung gabing nakita ko siya.
Inalis ko agad ang tingin ko sa babae at lumakad papalapit sakanila.
"Joshua!"
Sigaw ko kay Joshua. Napalingon naman silang dalawa sakin. Kitang-kita kong nakatitig sa akin yung babae pero hindi ko siya pinansin at agad kong hinatak si Joshua palabas ng Library.
"Neli..may problema ba?"
Napahinto ako sa paglalakad ng magsalita si Joshua.
"S-siya..siya yung babaeng yon..siya yon!"
Nakayuko lang ako habang si Joshua nasa likod ko at nakahawak lang sa kamay ko.
"H-huh? Sino siya?"
"S-siya yung kayakap ni Tyler nun..siya yun Joshua!"
"Neli.."
Agad ko namang pinunasan yung luha ko para hindi na makita ni Joshua na umiiyak ako. Nakakahiya na sakanya.
"A-ah. Sorry. Tara na?"
Pinilit kong ngitian si Joshua. Kahit na gusto kong umiyak ng umiyak mas minabuti kong ipakita sa iba na malakas ako. Ayokong kaawaan pa ako.
"Okay ka lang ba? Gusto mo sa Room muna tayo?"
Tumango lang ako bilang sagot sakanya. Naramdaman ko namang hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko habang naglalakad kami.
Pagpasok namin ng classroom nagulat ako dahil nakatayo yung babaeng 'yon sa loob ng classroom namin. Anong ginagawa niya dito?
BINABASA MO ANG
Million Dollar Baby
Teen FictionNever force someone to love you. Just let that person perfectly fall for you. Because its nice to let gravity do the motion than to forcely grab affection without attraction.