Million Dollar Baby TWENTY

1.1K 20 1
                                        

Chapter Twenty.  

Million Dollar Baby  

[ Wendy on the right side. Ang cute diba? ]

Harbie's POV  

Tinext ako ni Tyler na agahan ko daw ang pasok ko ngayon para naman daw makita ko kung anong gagawin niya. Siraulo talaga yun. Ano namang tingin niya sa akin? Maiingit sa mga pakulo niya? Baka nalilimutan niya. Wala sa vocabulary ko ang magpatalo.  

Nakailang balik ako sa salamin bago ako pumasok. Potek! Kinakabahan ata ako ah. Di bale na, kung idadaan naman sa pagwapuhan. Di hamak na lamang na lamang ako kay Tyler. Mwahahahaha! Talo na siya.  

Pagbaba ko sa kotse nakita ko si Neli na saktong kabababa lang din sa kotse niya. Kinawayan ko siya pero pansin ko ang pagdadalawang isip niya kung kakaway din ba siya.  

"Hoy Witch!"  

Sigaw ko habang lumalakad palapit sakanya. Pero imbes na huminto at antayin ako. Aba't inirapan ba naman ako! Anong problema nun?  

"Namiss kita Diana Neli."  

Sigaw ko uli sakanya. Huminto siya sa paglalakad pero hindi niya ako nililingon. Ano naman kayang dinadrama ng Witch na 'toh?  

"Aba hoy!"  

Pagkalapit ko sakanya agad akong umakbay pero tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya.  

"Pwede ba Harbie, wala ako sa mood."  

"Hindi mo manlang ba namiss ang gwapo mong bestfriend huh?"  

"MISS MO MUKHA MO!"  

Tama ba namang sigawan ako?! Napaka-bungangera talaga nito. Aish!  

Binilisan niya ang paglalakad niya habang ako naman parang timang na hinahabol siya. Pero dahil ang bagal niya naabutan ko pa din siya. Hinawakan ko yung kamay ni Witch para hindi na makawala.  

"Hanep! Ano ba--OH! Si Tyler! Hoy Adams! Tara dito!"  

Naramdaman ko ang paghatak ni Neli sa kamay niya nang makita niyang palapit samin si Tyler. Abnormal na Witch yon! Bigla ba namang tumakbo.  

"Hoy! Magka-away ba kayo ni Witch?"  

Tanong ko kay Tyler pagkalapit niya.  

"Huh? K-kami? Hindi ah. Ngayon ko nga lang uli siya nakita eh."  

"Ano kayang problema nun? Parang iniiwasan tayo eh."  

"Alam mo nam--SHIT! Mauna nako Pare! Mamaya nalang."  

Million Dollar BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon