Chapter Four.
Million Dollar Baby
Diana Neli's POV
Kanina pa ako paikot-ikot sa campus. Nasaan naman kaya yung dalawa? Tsk. Kanina ko pa sila hinahanap. Friday pa naman ngayon. Gusto ko gumala pero hindi ko makita yung dalawa. Kailangan namin magsaya. Lalo na si Tyler.
Simula kasi nang ma-aksidente siya, palagi na siyang tulala. Para bang palagi nalang siyang may malalim na iniisip. Kapag tinatanong naman namin siya ni Harbie, lagi niya lang kami tatawanan saka siya magwawalk-out. Aish. Naalog ata utak nun nung naaksidente siya eh.
"NELI! Andyan ka lang pala. Tara nga!"
Ayan si James Harbie. Palagi akong sinisigawan niyan. Panay utos pa. Kapag kami nga lang ang magkasama nagmumukha akong PA niya eh. Pero ayos lang bestfriend ko yan eh! May nakatagong bait naman yan kahit papano.
"Andyan na! Samahan niyo naman ako sa mall. Mamasyal tayo. Asan ba si Tyler?"
Sinusundan ko lang siya papuntang Parking. Ang layo layo naman kasi magpark nito. Ayan tuloy layo ng nilalakad namin.
"Kakaalis lang eh. Tinawagan ni Tita. Ikaw nalang mamasyal. Busy ako."
Tanggi naman ni Harbie. Phew! Wala talagang kwenta tong lalakeng to. Kainis naman! Ayoko mamasyal ng ako lang.
"Naman eh! Mamasyal na tayo. Ayoko ng ako lang. Dali naaaa!"
"No."
Diretsong sabi niya then sumakay na kami sa kotse niya. In the end, hindi ko din siya napilit. Ihahatid nalang daw niya ko sa mall. Psh. Kahit kailan talaga oh, hindi ko madaan sa pagpapacute ko tong si Harbie. Tsk. Lahat na ginagawa ko eh, pero siya patay malisya pa din. Napaka talaga ng taong to.
As far as I know, may pupuntahang babae yan ngayon. Kaya masyadong seryoso. Chickboy talaga kahit kailan! Hindi marunong magseryoso sa babae. Tsk. Tsk. Kawawa talaga yung mga babaeng nagpapakatanga sakanya.
***
Andito nako sa Mall. Nagtitingin tingin ng mga dress. Sino kasama ko? Syempre. AKO LANG! Asa namang magbago isip ni Harbie noh. May kakausapin daw kasi siyang FRIEND kaya hindi niya ko pwedeng samahan. Asus! Baka GIRLFRIENDSSSS.
BINABASA MO ANG
Million Dollar Baby
Teen FictionNever force someone to love you. Just let that person perfectly fall for you. Because its nice to let gravity do the motion than to forcely grab affection without attraction.