Chapter Five.
Million Dollar Baby
Harbie's POV
Wew! Buti naman wala na yung madaldal. Kahit kailan talaga tong si Neli, hindi nauubusan ng kwento. Napakakulit pa. Buti nalang at hindi na siya nagpumilit na samahan ko siya sa Mall. May importante pa akong aasikasuhin eh.
Bago ang kwento, ako nga pala si James Harbie Romero. Chickboy daw ako. Pero hindi yun totoo. Tsk. =______= Medyo lang naman eh. Bukod sa mga barkada ko sa basketball. Si Tyler at Neli lang ang mga tinuturing kong kaibigan. Ang weird nga kung paano kami nagkakilalang tatlo eh. Pinagagawan lang naman namin yung nag-iisang custard cake. Dahil isa nalang yun at malaki naman, nagdecide kami na share nalang kaming tatlo. Nagkataon kasi na parepareho naming favorite yun. Simula nun, kami kami na palaging nagkakasama. Naging kaklase ko din yung dalawang yun. Kaya mas lalo kami naging close sa isa't isa.
*RING RING RING*
*RING RING RING*
"Hello?"
"Nasan ka na ba!? Kanina pa ako nandito sa park. Bilisan mo naman!"
"Oo malapit na."
I hanged up the phone. Psh! Napakademanding talaga ng babaeng yun. Siya tong may kailangan sakin eh, siya pa nagsusungit. Tsk. =_______=
Pagdating ko sa park hinanap ko agad si Lalaine. Nasan ba yung babaeng yun? Pahirapan pa mahanap eh. Tatawagan ko na dapat siya ng makarinig ako ng sigaw. Pamilyar yung boses niya eh. Teka! Parang kilala ko na. Hmp! Si..
Oh-uh..
"LALAINE!"
Jessica's POV
"LALAINE!"
Napahinto kami sa pagsasabunutan nang may sumigaw na lalake sa hindi kalayuan. Nagmamadali siyang lumapit samin ni Manager Sy. Si Jake naman hinila ako at hawak hawak niya lang ang braso ko. UWAAAAAAAHH! Heaven! Shemay. Kinikilig ako.
"UWAAAAAAAHHHHHH! JAKE!"
Nasira yung moment ko nang bigla nalang siyang sinuntok nung lalakeng kasama ni Manager Sy. Ang landi talaga! Iba nanaman ang kasama. Tsk. Ayan siguro yung nakabuntis sakanya.
FLASHBACK.
"Totoo bang b-buntis ka?!"
A-ano daw? Buntis? Sino yung kausap ni Jake?
Nakatayo lang ako sa likod ng puno habang nakikinig sa usapan nila. Hindi ko makita kung sino yung babae. Baka kasi mahuli ako kapag tumingin ako.
"Oo. Ayoko na Jake! Tutal naman madami kang babae maghiwalay na tayo!"
"TANGINA NAMAN YAN! Ako ang boyfriend mo pero nagawa mo pang magpabuntis sa iba!"
Hindi nako nakatiis at nilapitan ko sila. Nagulat ako ng makita kong si Manager Sy pala ang kausap ni Jake. Sinampal niya si Jake ko! UWAAAAHH! Hindi ko siya mapapatawad. Ang landi landi niya! Pinagpalit ako ni Jake sakanya tapos lolokohin niya lang pala si Jake! ARRGHH! Kaya naman sinampal ko din siya at sinabunutan.
"JESS! LAINE! ANO BA KAYO?! TAMA NA!"
Sigaw ni Jake sa aming dalawa. Inaawat na niya kami pero walang gustong magpatalo samin. Tuloy pa din kami sa pagsasabunutan.
END OF FLASHBACK.
Inalalayan kong tumayo si Jake. Pinunasan ko yung dugo niya sa labi. Bwiset naman yung lalakeng un. Pareho sila ng girlfriend niya! Sinaktan nila ang Jake ko.
"Ayos lang--ARAAY! Sige na umuwi ka nalang."
Lumakad na palayo si Manager Sy at yung boyfriend niya. Nakakainis sila! Tsk. Ang lakas nang pagkakasuntok nung lalake eh. Nagkapasa tuloy yung mukha ni Jake ko.
"Ayoko! Dito lang ako. Sasamahan kita." I protested.
"Jessica.."
Gaaaaad Jake! Bakit ganyan ka? Ang husky ng boses niya. Nag-iinit na yung mukha ko. UWAAAAHHH. Ako na kinikilig.
"Ah..ba-bakit?"
Ano ba! Kumalma ka nga Jessica! Relax lang, okay? Wag kang pahalatang kinikilig ka. Kunwari nakamove on ka na.
Tumingin ako sakanya at itatayo ko na dapat siya ng mapatigil ako sa sinabi niya.
"I still love you.."
BINABASA MO ANG
Million Dollar Baby
Teen FictionNever force someone to love you. Just let that person perfectly fall for you. Because its nice to let gravity do the motion than to forcely grab affection without attraction.