Chapter Twenty Two.
Million Dollar Baby
[ Jessica on the right side. ]
Jessica's POV
Ugh! Mababaliw na ako dito sa upuan ko. Wala man lang makausap. Si Harbie at Tyler nandun sa likuran. Si Frea naman absent. Tapos si Joshua at yung babaeng kasama niya na hanggang ngayon eh hindi ko pa din alam yung pangalan, nakakahiyang kausapin.
"Turn your book on page 269."
Sinunod ko nalang yung sinasabi ng teacher namin. Kesa naman mabaliw ako kakaisip kung sino pwedeng makausap.
Pero kainis talaga! Bakit kasi hindi manlang nagtetext sakin si Tyler? Pero sa iba nakakapagtext siya, at nakangiti pa. Idagdag mo pa yung sinabi niya kagabi na hanggang ngayon hindi pa din ako pinapatahimik. Ano ba kasi yung huli niyang sinabi? Hindi ko talaga maipaliwanag kung bakit ako naiinis.
Teka. Hindi naman siguro selos tawag dito. Unang una, wala naman akong gusto kay Tyler para magselos ako.
Tama! Tama! Baka sadyang nababaliw lang ako.
Tinignan ko yung relo ko dahil nagugutom nako. Gusto ko ng kumain. Phew. Buti nalang at 10 minutes nalang, break time na din.
"Sir excuse me."
Nagtinginan ang buong klase ng tumayo si Harbie habang akay akay si Tyler. Aish. Anong nangyare kay Tyler?
"Yes Harbie? Anong nangyari?"
"Bigla po kasing nahilo si Tyler. Dadalin ko lang po siya sa Clinic."
"Sure. You may go."
Sabi ng teacher namin at lumabas sila Harbie at Tyler. Shete. Nahilo si Tyler? Hindi kaya may sakit siya? UWAAAAAHH. Gusto ko ding pumunta ng Clinic. Gusto kong malaman kundisyon ni Tyler.
Para akong bulateng hindi mapakali sa inuupuan ko. Yung inis ko kay Tyler napalitan ng pag-aalala. Paano ba naman kasi. Sinong hindi mag-aalala eh putlang putla yung mukha niya kanina. At bakas sa mukha niyang nanghihina na siya.
Aish! Sana mag-break time na. Gusto ko ng pumuntang Clinic. Titignan ko lang naman kung ano ng kalagayan ni Tyler eh.
3 minutes nalang. Konting tiis nalang Jessica. Mapupuntahan mo na si Tyler sa Clnic at makakakain ka na din. Woah! Konti nalang talaga.
Titig na titig ako sa relo ko habang yung right hand ko naman sige ang palo ng mahina sa lamesa ko. Eh sa kinakabahan ako na ewan eh.
2 minutes.. 1 minute and..
*RIIIIIIIINNGGG RIIIIIIINNNGG*
BINABASA MO ANG
Million Dollar Baby
Teen FictionNever force someone to love you. Just let that person perfectly fall for you. Because its nice to let gravity do the motion than to forcely grab affection without attraction.