Chapter Twenty Three.
Million Dollar Baby
Harbie's POV
Kakauwi lang ni Tyler galing dito sa bahay. Hanggang ngayon eh ang sama pa din ng loob niya sa nangyari nung nag-confess siya. Sino ba naman kasi hindi sasama ang loob kung ganun ang mangyayari sayo diba?
Pero ayos na din yun. At least malaki ang chance ko para ako ang piliin ni Jessica. Mwahaha!
Pero seryoso, naaawa talaga ako kay Tyler. Kahit na karibal ko yun, kaibigan ko pa din naman siya.
"Sir, andito na po si Ma'am Lalaine."
Narinig kong sabi nung Maid namin kaya nagmadali akong bumaba para makita si Lalaine. Tutulungan ako nito sa gagawin kong surprise kay Jessica eh. Pagdating kasi sa mga ganitong bagay, si Lalaine talaga maaasahan.
"Gosh Harbie! Ang dami kong pinamili para sayo ah."
Reklamo niya pagkakita sa akin sabay baba ng MGA pinamili nga niya. Kung anu-anong kaartehan ang nakikita kong dala dala niya.
"Para saan yan?"
Tanong ko sakanya at automatic namang napataas ang kilay niya sa tanong ko.
"Kakainin ko yan. Binaba ko lang saglit. My goodness! Tanga ka ba? Malamang gagamitin yan para sa kabaduyan mo."
"Bahala ka na kung anong gagawin mo ah. Haha. Basta gusto ko hindi niya malilimutan yung araw na yun."
Sabi ko sabay kindat sakanya. Inirapan niya lang ako at hinablot yung ilan sa mga katulong namin para tulungan siya sa mga kaartehan niya. Tss. Baduy na kung baduy. Basta ang gusto ko mapapangiti ko agad si Jessica. Gusto kong maging masaya siya.
"Which one do you prefer? Red rose or pink rose?"
Tanong ni Lalaine. Inangat niya yung roses at inilapit sa mukha ko.
"Walang blue?"
"Whatever Harbie! Ang sarap mong patayin. Kung hindi lang kita kadugo, matagal ka ng pinaglalamayan."
"Hahaha. Iniinis lang kita. Ikaw naman. I prefer the pink one."
"Ayun lang sasabihin eh. Magtatanong pa ng blue. Tss."
Tinawanan ko lang siya at binalik ko na uli yung atensyon ko sa binabasa kong Magazine. Ayoko silang panuorin sa ginagawa nila baka walang matapos eh. Sigurado kasi akong kokontrahin ko lang ng kokontrahin si Lalaine. Kaya bahala nalang siya.
"Akyat muna ako ah. Tulog lang."
Sabi ko sakanila. Pero wala manlang pumansin sakin. Tss. Masyado silang focus dun.

BINABASA MO ANG
Million Dollar Baby
Teen FictionNever force someone to love you. Just let that person perfectly fall for you. Because its nice to let gravity do the motion than to forcely grab affection without attraction.