Million Dollar Baby TWELVE

1.3K 33 3
                                    

Chapter Twelve.

Million Dollar Baby

Third Person's POV

Ilang oras ng nagsasaya sina Jessica, Jake at Wendy. Dumalaw nanaman kasi si Jake kila Jessica at nagdala ng napakadaaaamiiing pagkain. Nagmomovie marathon sila. Enjoy na enjoy si Wendy na makitang masaya nanaman ang Ate Jessica niya sa piling ng Kuya Jake niya. Nung sinabi noon ni Jessica na naghiwalay na sila ni Jake, sa totoo lang eh nalungkot siya. Pero hindi niya iyon pinahalata sa kanyang kapatid. Alam niyang bata pa siya sa mga ganitong usapan. Pero kahit papaano ay naiintindihan naman niya na ito.

Alam niyang masaya ang Ate niya kapag kasama nito si Jake. Kaya naman ayaw niyang mawala ang mga bagay na nagpapasaya sa Ate niya. Iniisip niya noon kung bakit nakipahiwalay si Jake kay Jessica. Hindi niya maintindihan ang nangyari. Wala siyang ibang nagawa kundi magdasal na sana maging masaya pa din ang kanyang Ate Jessica.

"Uwaaahhhh~ Ilipat niyo na! Horror yan eh! T____T Jake naman!"

Pagmamaktol ni Jessica sa dalawa. Habang si jake at Wendy naman ay tawa ng tawa sa reaksyon ng dalaga. Alam kasi nilang duwag ito pagdating sa mga ganitong bagay.

"Wag Kuya! Maganda kaya yan. Diba? Ate Jess naman! KJ ka."

Sabi naman ni Wendy habang kain ng kain ng pizza. Sinisiko siko niya si Jake para naman sumangayon ito sakanya. Kumindat naman si Jake kay Wendy which means 'Ok'. Ganyan sila kaclose. Nagkakantindihan tingin palang. XD

"Eeeehhhh~ >3< Taba naman! Iba nalang. Kimmy Dora nalang oh. Nakakatawa kaya 'toh ang ganda pa. Promise! Magugustuhan mo yan."

"Paano mo nalamang nakakatawa at maganda? Napanuod mo na 'teh? Edi hwag na yan. Napanuod mo na eh."

Sagot ni Wendy sa Ate niya. Sabay yakap sa braso nito. Ganyan talaga siya, magaling mambara sa kapatid niya. Pero kahit papaano, ginagalang pa din niya ito. Hindi nga lang halata. XD

"Weeeennnndddyyyyy!" T_______T

"Ano Wends? Ibahin na natin? Natatakot na si Ate mo ohh."

Sabat naman ni Jake sa dalawa.

"Eeeehhh! Wag Kuya! >3< Ano ka ba CHANCE 'toh!"

Napatingin naman si Jessica at Jake kay Wendy. Nagtataka sila kung ano ang sinasabing chance ni Wendy.

"Chance?" Sabay na sabi ni Jake at Jessica. Nagulat si Wendy sa dalawa sabay tawa ng malakas.

"HAHAHAHAHA! Kuya Jake naman. Slow lang? XD Explain ko pa? HAHAHAHA!"

*PAAAK*

Binatukan ni Jessica si Wendy. Pero mahina lang. Baka lalong maalog utak ni Wendy eh, lalong magiging malala. XD

Million Dollar BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon