Chapter Fourteen.
Million Dollar Baby
Kasalukuyang nasa Mall ang magkakaibigang Harbie, Tyler at Neli. Nag-aya kasing lumabas si Tyler. Matagal tagal nadin simula nang huli silang magbonding ng ganito. Kaya naman naisipan ni Tyler na ayain ang barkada.
"Pare, anong nakain mo at naisipan mong lumabas tayo?"
Sambit ni Harbie habang namimili ng sapatos na bibilin.
"Wala lang."
Diretsong sabi ni Tyler sabay punta kay Neli sa counter na hindi na magkaugaga sa mga bitbitin.
"Ang gago talaga kausap ng lalakeng 'toh. Psh."
Bulong naman ni Harbie sa sarili. Sumunod na din siya sa dalawa at nag-aya ng kumain.
Maghapon lang silang walang ibang ginawa kundi magshopping, magkwentuhan at kumain.
Si Neli pinakyaw na ata lahat ng cute na dress at blouses na makita. Si Harbie naman, puro sapatos ang pinamili. Samantalang si Tyler puro stuff toys para kay Peach ang binili.
Pauwi na dapat sila ng biglang hinatak sila ni Tyler. Nalimutan kasi niya na kaya pala siya nag-aya sa Mall para makapamili ng mga gamit na ibibigay niya kay Jess. Pumunta sila sa Department Store at lahat ng makita ni Tyler na pwedeng magamit ni Jess kinuha niya. Pagkatapos nilang mamili ng school supplies na good for 3 years. Nag-aya si Tyler sa Yezzo para bilan ng mga damit si Jess. Clothing line naman yun ng Mama niya kaya libre na siya doon.
Pagpasok pa lang nila. Naka-NGANGA na yung mga saleslady. Paano ba naman kasi nagsama ang dalawang gwapo at isang dyosa. Napakaswerte nilang magkakaibigan dahil pinagpala sila ng kagandahan at kagwapuhan. >;D
"Goodmorning Sir Tyler, Sir Harbie and Ma'am Diana."
Bati sakanila ni Grace. Siya ang nagmamanage dito. Nginitian naman ito ni Harbie at Neli pero si Tyler tuloy tuloy lang.
Hindi ko alam kung ano ba gusto ng babaeng yon. Psh. Ano bang favorite color niya? Ano bang style ng damit ang gusto niya? Sa twing nagkikita kasi kami kung hindi uniform sa Café, nakatshirt at jeans lang siya palagi. Arrgghh! Ang hirap mamili. Ni size nga hindi ko alam eh! >__________<
Halos mabaliw na kakaisip si Tyler kung ano ba ang bibilin niya para kay Jessica. Hindi naman kasi siya pamilyar sa mga hilig nito kaya ganun na lamang siya magisip ng bibilhin.
BINABASA MO ANG
Million Dollar Baby
Teen FictionNever force someone to love you. Just let that person perfectly fall for you. Because its nice to let gravity do the motion than to forcely grab affection without attraction.