Chapter Seventeen.
Million Dollar Baby
[ Frea Noline on the right side. Next Chapter ko na ipapakita ang fezz niya. Hihi. ]
Diana Neli's POV
Dinala ako ni Joshua sa Mall. Sumama naman ako para na din makalimutan ko yung nakita ko kanina. Kumain. Nagshopping. Nanuod ng sine. At naglaro kami sa Arcade. Nagsaya lang kami buong maghapon. Walang humpay na tawanan at kwentuhan.
Ang gaan nga ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya. At sigurado akong mapagkakatiwalaang tao si Joshua. Hindi ko alam na magkaklase pala kami nito. Kung hindi pa kami nagkasama ngayon, hindi ko pa malalaman.
Parehas naming hindi namalayan ang oras sa sobrang saya namin. Ginabi na pala kami. Ihahatid na daw niya ako kapalit ng pagkaladkad niya sa akin sa Mall. XD
"Salamat nga pala ah."
Sabi ko ng hindi tumitingin sakanya. Diretso lang ang tingin ko sa dinaraanan namin. Ang ganda talaga tignan ng mga lights sa daan. *O* Nakakagaan sa pakiramdam.
"Wala yun. Masaya naman eh."
Kahit hindi ako nakatingin sakanya alam kong nakangiti siyang nagsalita. Napangiti naman ako dun. Gustong-gusto kong nakikita siyang nakangiti. Ewan ko ba. Pero napapangiti ako kapag nakangiti siya.
"Nasaan nga pala yung mga magulang mo?"
Bigla kong tanong sakanya. Naputol kasi yung kwentuhan namin kanina nung may tumawag sakanya eh.
"Yung totoo? Hindi ko alam. Pero yung mga umampon sakin. Nasa Canada sila."
Ugh. Ampon lang siya? Dapat hindi ko na pala tinanong. Napaka-chismosa ko naman kasi. >______<
"Ah. Sorry."
"Okay lang."
Malumanay niyang sabi at ayan nanaman ang nakakalusaw niyang ngiti.
"Uhm. Eh bakit ka nandito?"
Nacurious tuloy ako sa buhay niya. Pagbigyan niyo na ko. Minsan lang maging chismosa. Sulitin na. ^^V
"May hinahanap kasi ako."
"Sino? Yung tunay mong magulang?"
Napatingin naman siya sa akin at saka ngumiti. Halatang napilitan lang siyang ngumiti.
"Hindi. Yung tunay nilang anak."
Nagulat naman ako sa sinabi niya. May iba pa palang anak yung umampon sakanya. Eh bakit kaya siya inampon? At bakit hinahanap ni Joshua yung tunay na anak nung umampon sakanya? Magtatanong pa dapat ako kaso, nahiya na ako. Kaya naman nanahimik nalang ako at sumandal sa bintana ng kotse niya.

BINABASA MO ANG
Million Dollar Baby
Fiksi RemajaNever force someone to love you. Just let that person perfectly fall for you. Because its nice to let gravity do the motion than to forcely grab affection without attraction.