TWO ✪

3K 70 4
                                    

Chapter Two. 

Million Dollar Baby  

Third Person's POV

Kasalukuyang nakadukmo ngayon si Jessica sa lamesa. Nagiisip pa din siya kung anong gagawin niya dahil tuluyan na siyang nawalan ng trabaho. Hindi niya alam kung paano bubuhayin ang kapatid at ang sarili. Ayaw niyang mahirapan si Wendy kaya naman todo isip siya kung saan siya makakahanap ng trabaho. Isinantabi na muna niya ang pagiging broken hearted. Mas mahalaga ang makahanap siya ng ikabubuhay nila.

Jessica's POV

AAARRRGGGHHH! NAKAKAINIS! NAKAKAINIS! MABABALIW NAKO!  

Bakit ba puro kamalasan nalang dumadating sa buhay ko?! Ano ba naman to! Pinagkaitan ba ako ng swerte? Lord naman, kahit isang araw lang hindi ba pwedeng swertehin ako? Please naman oh? OTL  

Aaaacckk! Saan ako kukuha ng pera? Wala na kong trabaho. Bwiset naman kasi yung malandi naming Manager, malamang alam na niyang break na kami ni Jake kaya tinanggal na niya ko. Para masolo na niya ang Jake ko. Tsk. Kanyang kanya na! Saksak niya sa nguso niya!  

Kailangan ko na ng trabaho. Tsk. Ang dami pa namang pinapabili ni Wendy para sa project niya. 500 nalang pera ko. UWAAAAHHHH. Hanggang saan aabot 'toh? Hindi talaga 'toh magkakasya eh. Kailangan ko na ng trabaho!  

***  

Hinatid ko na sa school si Wendy. Ako naman maghahanap na uli ng trabaho. Kahit ano papasukan ko na! Katulong, dishwasher, caregiver. Kahit na ano. Wag lang GRO. Ibang usapan na yun. Hindi ko gagawin yun kahit na kailangang kailangan ko ng pera noh!  

4 hours na kong palakad lakad. Nalibot ko na ata buong bayan. Pero wala pa din! Kulang nalang magbahay bahay ako eh makahanap lang ng pwedeng pasukan.  

TRABAHO! Magpakita ka nga! Asan ka ba? Kailangan kita!

Hindi ko namalayan na tanghali na pala. Baka dumating na si Wendy. Nako! Wala pa kong nailulutong lunch. Patay tayo nyan! Ayaw ko pa namang nagugutuman yung batang yon. Nababaliw yun pag gutom eh. Kung anu-ano pinagsasabe. Kesyo maganda daw siya. Siya lang daw ang dyosa. Yung mga ganung kabaliwan ba. Edi siya na talaga! Siyang siya na ang maganda.

Sakto namang may nadaanan akong carinderia. Namili nalang ako ng ulam. Para pagdating ko kakaen nalang si taba. Kesa naman antayin pa niya ko magluto. Baka namatay na sa gutom yun, tapos ako hindi pa tapos magluto.  

Pagkatapos ko mamili, binilisan ko na lakad ko. Para makadating agad sa apartment namin. Tatlong kanto nalang naman eh. Nang malapit nako sa apartment, may napansin ako. Teka!  

Million Dollar BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon