.Chapter 1

1.5K 31 0
                                    

Shishura's pov

I'm Shishura Zai, shira for short. . .
19 years old and 2nd year college.
✓mayaman.
✓ maganda.
50/50 mabait.

Maaga pa lang ay naglalakad na ako sa hallway ng school kung saan ako nag aaral, pero ilang saglit lang sumabay sa akin si Aki — my childhood friend and secret crush.

"May kailangan ka, ’no?" mediyo cold kong tanong. Tumawa lang ito habang tumatango.

"Meron nga," tsk! Sabi na, eh. Hindi naman kasi 'to lalapit kung wala.


"About what?" actually late na kami for sure pero ayos lang ’yon. Isa pa, wala naman silang magagawa.


"May balak kasi akong supresahin si Kim and alam kong ikaw lang yung makakatulong saakin." I sighed.


Kimberly Young – my best friend, "Sa tingin mo tutulungan kita?" sagot ko kaya naman gulat itong napatigil sa paglalakad.


"Ayaw mo ba talaga?" kita ko sa mga mata niya ang panghihinayang pero kapagkuwan ay nagsimula na rin itong mag lakad at sumabay saakin.

"Fine, hindi na kita pipilitin —"

"Bakit ba kasi hindi ka makakilos ng wala ako? Para ka namang ewan niyan,"

"Bakit hindi e ikaw lang naman ang kilala ko na tutulungan ako," Iritado itong nagpatuloy sa paglalakad na kaagad kong ikinatigil. Kalaunan ay napatawa habang pinagmamasdan siya sa unahan ko. Siguro kung alam niya lang kung gaano ko siya kagusto baka iwan na niya rin ako. Baka maulit na naman ang nakaraan at may mawala na naman sa akin.

Naiiling akong humabol rito at sinabayan siya na muli sa paglalakad, "Sabihin mo lang kung kailan," mahinang saad ko na ikinangiti niya saka lumingon saakin.


"Payag ka na talaga?"


"Mmm, hindi rin naman kita matitiis," nagulat ako ng yakapin nya ako bigla.


"Thank you, Shira!" Bumitaw ito saka ako hinalikan sa noo. Pagkatapos ay hinawakan niya lang ako sa pulsuhan at hinila para magpatuloy sa paglalakad. I sighed again.

Ano bang aasahan ko sa kaniya? Ang mahalin din ako pabalik? Impossible. Sa lagay nila ni Kim, malabo pa ’ata sa kalabaw.

Nakarating kami sa classroom na nagsisimula na ang klase, kaya pagkapasok namin ay kaagad kaming naupo. Nagtataka kayo kung bakit hindi kami pinagalitan? Well, si Aki lang naman ang nag-iisang anak ng mga Kan. Ang ang kanyang mga magulang ang may ari nitong school na pinapasukan namin.
Kaming dalawa lang ang magkaklase dahil yung girlfriend niya ay sa kabilang building pa.


Medicine kasi ang kinuha noon dahil doctor ang mga magulang niya. Magaling siya, matalino, maganda. Kaya siguro baliw na baliw si Aki sa best friend ko. Kaya siguro hanggang ngayon sila pa rin.


Hindi na lang ako umimik pa at mas piniling makinig sa unahan.

Hanggang sa dumating ang uwian pero andito pa rin kami sa school. Gusto ko na sanang umuwi kaso hindi ko naman puwedeng iwanan na lang si Aki.

The Reincarnation [Under Revision]Where stories live. Discover now