Kim's POV
Nasa kwarto ako ngayon habang nakahiga sa kama. Bakit ba ang sakit parin? Hanggang ngayon damang dama ko parin ang mga salitang binitawan niya sakin.
Na para bang diring-diri siya na pakasalan ako. Na ayaw niyang makatuluyan ang isang katulad ko.
Mahal ko si Aki kahit ayaw niya sakin.
Kahit pa nga nandiyan na si Chase. Siya at siya ang pinili ko.
Napatigil ako sa pag iisip nang may tumawag mula sa cp ko.
Calling...
Sinagot ko na ang tawag "What?" Wala akong ganang sumagot sa kanya
"Nasend ko na po yung gusto niyong makuha" Napangite ako nang malaman ko yun. Saka tumayo nang kama at pumikit para pakalmahin ang sarili ko
"Kilala mo ba?"
"Sorry po. Pero hindi ko po siya nasundan agad. Palagi niya pong kasama yung ex niyo" Napahilot ako sa sintido
"Salamat" Saka pinatay ang tawag
Pagbukas ko nang picture.. I don't know but I feel jealous.
Nagseselos ako.
Am i selfish? Gusto ko lang namang mahalin niya rin ako, tulad nang pagmamahal niya sa babaeng yo'n.
Wala naman akong hiningi. Hindi naman ako nag complaint sa kung paano niya ipakita saking mahal niya ako. Or should I say is, minahal niya ang kagaya ko.Minahal niya dahil kailangan.
Shishura's POV
Habang busy ako sa panonood biglang may nag doorbell.
So wala akong nagawa kundi ang tumayo at pagbuksan ang nasa labas
Pagbukas ko si Kim ang nasa labas.
"Anong ginagawa mo dito?" Pumasok siya sa loob habang ako tulala parin
Kaagad akong sumunod sa kanya "M-may kailangan ka ba?"
"Well syempre binbisita ka" Bahagya niya akong kinurot sa tagiliran "Ikaw ha, bakit di'mo sinabing kumuha ka nang unit?" Naupo siya sa sa couch habang inililibot ang mga mata para tignan ang buong paligid
"Kuha kitang tubig." Lumayo ako sa harap niya para pumuntang mini kitchen. Kumuha ako nang tubig saka bumalik sa pwesto ko kanina
Pagkabalik ko napansin kong hawak niya yung kwintas na bigay sakin ni Aki "Here!"
"Salamat. Ahmm... Can I ask?" Tumango ako agad
"Oo naman" Uminom muna ito bago ibinaba ang baso sa table. Inabot niya rin sakin yung kwintas na hawak niya "S-saan mo 'to nakita?"
"Sa ilalim nang table. Nangingintab kaya kinuha ko na"
"Haysst, kanina ko pa kasi ito hinahanap. Nawala nung naligo ako. Hindi ko alam kung saan ko nailagay nalaglag pala" Paliwanag ko sa kanya.
"Kaya pala. Tanong lang.. Sinong nagbigay sayo niyan?" Gulat akong napatingin sa kanya. Paano niya nalamang may nagbigay sakin nito?
"Special someone" Sagot ko sabay bulsa nang kwintas na hawak ko
Tumango lang siya saka nilibot ulit nang tingin ang buong bahay "Ang ganda nang ayos nitong condo mo. Bakit kaba kasi lumipat dito? May itinatago ka ba?"
"W-wala. Bakit mo naman natanong?"
"Sinisigurado ko lang naman kung magsasabi ka sakin. 'Di mo naman ako niloloko di'ba?"
YOU ARE READING
The Reincarnation [Under Revision]
SonstigesPano kung mabago ng isang tao ang takbo ng istorya sa isang libro? Handa ba niyang ibalik ito sa dati o hahayaan niyang tadhana ang magpasiya para sa kaniya? Samahan niyo ang aking bida to walk through life as a book character. Magiging masaya nala...