Aki's pov
Inihanda ko na yung lahat ng mga dadalhin ko sa yacht.
Habang nag sisilid ako ng mga damit sa maleta nakita ko bigla yung isang box. At doon lang nag flash back yung araw na yon.."For you nga pala. Happy birthday! Sorry hindi na ako makakarating mamaya." Tinanggap ko ito.
"Kung wala ka don, hindi nalang din ako pupunta." Tumayo ako saka itinabi yon sa cabinet. Pagbalik ko naupo ulit ako sa tabi nya.
Yeah now i remembered.
Dito ko pala ito itinabi. Naupo ako sa kama saka ito binuksan. So all this time itinabi niya ito?
Halos lahat puro pictures naming dalawa. Alam kong mali na pinaasa ko siya pero mali din ba na ako muna ang sumaya?
Yeah i'm selfish and I admit it.
Isinarado ko ulit yung box saka inilagay ito sa pinaka ilalim.
Ayoko nang maalala.Sana mapatawad niya kaming dalawa. Minahal ko naman siya ei,
Yun nga lang..
Hindi katulad ng pagmamahal na meron ako kay Shira.
Bumalik ako sa dati kong ginagawa.
Then after awhile natapos din sa wakas. Haystttt
Kailangan ko pa palang sunduin yung isa sa condo nya. Haha!
Nakalimutan ko yun ahhTime skip
Nakasakay na kaming dalawa sa kotse pero pansin kong tahimik lang sya.
Hindi ko naman matanong..
Para kaseng pagod na pagod ang mga mata niya habang nakatingin sa labas ng bintana.Pag ka park ng kotse "Nandito na tayo" ani ko
Tumango lang siya sakin. Saka bumaba nang sasakyan. Yun lang yon? Hindi ba siya magsasalita na 'sige Aki, let's go'
Napailing lang ako saka bumaba narin. Kinuha ko na yung mga gamit namin pareho.
Nang makalapit ako sa kanya "Napilitan ka lang ba na sumama sakin?" I asked her
"No, syempre gusto ko ring magbakasyon." She smiled
"Ei bakit ang tahimik mo?" Kumapit ito sa braso ko. Tinignan ko lang siya habang naglalakad kami.
"Kanina pa ako nag sasalita dito. Panay tango ka lang." Reklamo ko sa kanya.
"Haha!" She kissed me on my right cheeks "Sorry na, love you" Ngumite lang ako sabay iling.
To be honest wala akong idea na may pagka sweet ang babaeng 'to.
"Careful" alalay ko sa kanya habang sumasakay ng yacht
Ang totoo wala naman talaga akong tickets ei. Haha!
Sa pamiya 'to ni Yuan. Pinsan ko. Kaya libre lang kami. Walang bayad. Pag kase gagamitin ito nang iba may bayad. Saka marami naman sila nito, hindi malulugi yung buong Pierre kung hiramin ko muna saglit.
Ilang saglit pa nandito na kami sa loob ng kwarto.
"Hay nakakapagod mag impake nang dadalhin" Anito sabay higa sa kama
"Ano ba kasing laman ng bag mo? Ang bigat ha" Umirap lang ito sakin
"Irap pa nga" Tumawa lang ito sakin kaya napailing ako
Pagkatapos kong ayusin yung akin, sa kanya naman ang isinunod ko..
O___0
What's this?
YOU ARE READING
The Reincarnation [Under Revision]
RandomPano kung mabago ng isang tao ang takbo ng istorya sa isang libro? Handa ba niyang ibalik ito sa dati o hahayaan niyang tadhana ang magpasiya para sa kaniya? Samahan niyo ang aking bida to walk through life as a book character. Magiging masaya nala...