.chapter 2

1.1K 28 0
                                    

I was in the back of the car looking out the window. I was surprised when my driver spoke. Wow, is this a real? Bago yata 'yon. Balak ko kasing mag mall ngayon, but maybe I already change my mind.

"Ano pong niisip niyo ma'am?" tanong nito kaya napabaling yung tingin ko sa kaniya.

"Don't mind me, just drive," sagot ko

"Sorry po, mukha kasing malalim ang iniisip nyo," dagdag pa niya na ikinabuntong hininga ko. Well, fine. Hindi naman siguro masama kung magtatanong ako.

"Can i ask?" Nagulat man ay tumango lang ito saakin. Hindi kasi ako yung tipo ng amo na madaldal lalo na kung hindi naman tayo gano'n ka-close.

"A-Ano po yon?" gusto kong matawa sa itsura niya ngunit pinigilan ko na lang. Naiiling akong umayos nang upo bago siya tinignan through mirror. Ganon ba ako kasungit? 

"Sa tingin mo ba puwedeng magbalik ang tao na matagal ng patay?" seryoso kong tanong rito na dahilan para muntik na siyang matawa. Kagat-kagat ang labing pinipigilan ang ngiti. Kapagkuwan ay tumikhim ito pagkatapos ay nagfocus sa daan. Wala sa sarili akong napairap sa hangin.

"Kung ako po ang tatanungin niyo ma'am, sa tingin ko imposible na yung mangyari. Maliban nalang kung. . ."  Tumigil siya sa pagsasalita kaya napakunot ang noo ko nang wala sa oras.

"Kung ano?"

"Kung yung tao na sinasabi niyo ay nagmumulto." I sighed. Sana pala hindi na ako nagtanong, obvious naman kasi yung sagot sa tanong ko.

Saka, multo? Tanga lang ang siguro ang maniniwala sa gano'n.

Nakarating kami sa mall kaya kaagad akong bumaba. Sa VIP entrance ako dumaan dahil ayokong makipag agawan sa mga tao sa labas. Actually, ibinigay lang 'to saakin ni dad that time na makasama ko siyang mag-shopping. Ang sabi niya puwede ko raw itong gamitin anytime. Hindi sa nagmamayabang pero isa lang naman ang family ko sa kilalang businessman sa bansa.

Nang makapasok ako sa loob. Bumungad lang saakin ang mga paninda at ilang sales lady na nagbabantay sa puwesto. Nang makarating ako sa stall na gusto kong puntahan. . . Hindi naman ako nabigo sa pagtrato nila saakin ng tama.


"Good day, Ma'am Shira. Meron po ba kayo na gustong bilhin?" Tumango lang  ako sa kaniya.


"Ikuha mo ako ng sample ng bagong labas na cellphone. Kahit magkano, basta maayos ang itsura." Yumuko muna ito saka umalis sa harap ko. Presentable akong naupo sa isang couch habang hinihintay yung pinapakuha ko. Mediyo natagalan din siya kaya naisipan ko munang tumayo saka tinignan ang ilang brand ng cellphone na nakadisplay.

Ilang minuto lang ang itinagal no'n bago dumating ang sales lady na nag a-assist saakin.

"I'm sorry for keeping you waiting, ma'am." I smiled then nodd after.

"No, it's fine," gamit ang isang brossure ay ipinakita niyang lahat saakin ang klase ng mga bagong labas na cellphone. Yung malaki at may diamond sa gilid.

"I like this one, kukunin ko." Inabot ko yung credit card ko sa kaniya.
Bagamat naubos man ang allowance ko sa loob ng isang buwan ay wala akong pinagsisisihan. Pagkatapos nito ay kaaagad din akong umalis at lumabas ng mall.

Habang nag-iintay sa driver namin parang feeling ko may nakatingin saakin. Hindi na ako lumingon dahil sumakay na rin naman ako agad nang makita ko ang kotse na paparating. Ilang araw na akong nakakaramdaman nito. Simula nung nakita ko si Chase sa paraking lot ng school — na napaka impossibleng mangyari.

"May napansin ba kayong kakaiba kanina?" Tumingin ito saakin nang 'di ko na talaga mapigilan na magtanong. Tsk. Ayaw ko nang ganitong pakiramdam.

"Wala naman po." Tumango nalang ako saka nanahimik sa byahe.
Then after a few minutes nakita ko na yung mansyon. Kaagad akong bumaba saka dumeretsong kitchen. Naabutan ko sila dad kaya naupo ako sa harap nila.

"Kumusta?" tanong ni dad ng makita ako.

"Okay naman." Ngumiti ako saka kumuha ng plate at nagsimulang kumain na rin.

"Did you buy the cellphone you want?" aniya.

"Yeah, Actually new model ang napili ko," sagot ko rito saka uminom ng tubig.

"That's good," gatong ni mom na ikinangiti ko. Palagi naman silang naka-support sa pagiging magastos ko pero hindi pa rin ako nasasanay.

"But one thing dad."

"And what is it?" tanong niya pa.

"Naubos yung allowance ko." Tumawa ito saka tumango-tango. Nagkibit-balikat pa si mom na parang sinasabi na 'so what?'. I shooked my head in disbelief.

"Don't worry, tomorrow i will send you again."

"Thanks dad!" Tumayo na ko ng matapos sa pagkain, pero as usual nagtanong si mom kung tapos na ako kahit obvious naman.

"Yeah, thanks mom. I have to go!" Ngumiti ako rito bago tumalikod pero natigil din bigla.

"Birthday ni Aki sa isang linggo, right?Hindi mo ba balak umatend? I'm sure nandon din si Kim," pahabol na saad niya. Tumango lang ako then ngumiti.

"Pupunta ako if may invitation na ibinigay saakin. Sige po, bye mom. I love you."

"Okay! I love you too," tanging nasabi niya bago ako muling tumalikod.

Umalis na ako sa harap nila. Diet kasi ako ngayon. Kailangan ko pang alagaan ang katawan ko para maging sexy but healthy. Kaagad akong pumunta ng banyo makapag linis at makapag-ayos na rin. Halos lahat yata ng pampaganda nasa banyo ko na ei, pero the rest. . .
Lahat 'yon hindi pa nagagamit. Ewan ko ba kay mommy, halos araw-araw may dalang sabon para saakin. Feeling niya siguro pangit ang anak niya. Duh, mana lang naman ako sa kaniyang may natural beauty.

Tumingin ako sa salamin para tignan ang sarili ko saka nag pose ng kung ano-ano. Madalas ko itong gawin lalo't mag-isa lang naman ako. Nag matapos sa ginagawa ay wala sa sarili akong napabuntong hininga. Yeah, this feeling again. Pakiramdam ko kasi sa tuwing titingin ako sa salamin parang may iba, may mali, na parang hindi ako ang nakikita ko. 

Muli ay sibukan kong ngumiti at mag pose pero agad ding napawi at aking ikinailing.

What's wrong with me? Pati sarili kong mukha pinagdududahan ko na, pero alam niyo yung pinaka-kinaiinisan ko sa lahat?

Pakiramdam ko hindi ako deserve sa ganitong bahay. Na parang hindi ako masanay-sanay kahit ito ang kinalakihan ko. Yung parang minsan feeling ko may nagawa na akong kakaiba bago ko pa gawin.
Minsan gusto kong magbasa ng libro maghapon kahit pa hindi ko talaga hilig ang pagbabasa. Alam niyo yung feeling na 'deja vu'. Ah basta, ganon 'yon. Mahirap maipaliwanag.



-------
N/A: sorry sa mga wrong grammars.
Thank you and have a nice day

Hope you enjoy

The Reincarnation [Under Revision]Where stories live. Discover now