chapter 11

206 5 0
                                    


Andito ako sa secret room dahil parang ayokong pumasok ng klase ngayon, actually itong tinatambayan ko ngayon nasa school lang din.

Kaya lang naman to naging secret dahil tanging ako at si Shira lang ang may alam nito.
Pumupunta lang kami dito para makapag isip at saka hanggang ngayon kase...

Affected parin ako sa nangyare kahapon. Kasalan ko ba?
Kasalan ko bang naubusan ako ng pasensya. Mahal ko sya. Pero ang gulo! Pagod na ako. Masama bang magpahinga kahit kaunte?














***
Nasa kwarto ako ngayon pero lutang paring yung isip ko. Iniisip ko kase kung ano pang mangyayare samin kung nakakalimot sya.

Kaagad kong kinuha ang ang cellphone ko saka sya kinontak. Napangite ako ng sagutin nya ang tawag.

"Yes hello love? May kailangan ka ba?" Nanlumo ako sa itinanong nya sakin. Tsk. Minsan na nga lang ako tumawag tapos ganon lang yon?

Hindi ako umimik pero narinig ko syang nagsalita. "hoy! This is not the right time for your jokes ha. Sumagot ka naman dyan." Joke pala. Haha!

"Ba't di ka tumatawag sakin?" Salamat naman at nakapagsalita pa ako

"Hayst, love naman intindihin mo rin ang sitwasyon ko dito. Transferee ako kaya maraming kailangang habulin sa school." Paliwanag sya.

"Sorry! Mukhang nakakaabala pala ako sayo dyan."

"Aki naman, busy nga ako. Bakit ka ba nagkakaganyan?" May inis sa boses nito kaya hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na sabihin sa kanya ang totoo.

"Busy?" I taking a deep breath "Ano bang tingin mo sakin dito ha? Na Hindi busy katulad mo? Marami din akong ginagawa pero ni minsan hindi kita kinalimutang i text o tawagan man lang. Sabihin mo nga sakin...
Namimiss mo ba ako?" Sa wakas nasabi ko rin. Ang bigat na kase

"Pwede ba! Kung nahihirapan ka na, mas lalo ako Aki. Kaya kung tatawag ka para magtanong ng ganyan...
Please lang, wala akong time para sa drama mo."

Napangise ako pero paranv sasabog na ako sa galit.

"Sorry ha. Sorry kung nadramahan ka sakin. Pero wag mo akong sisisihin sa gagawin ko." Buo na ang desisyon ko

"What do you mean?" Takang tanong nya, sorry Kim pero naguguluhan na ako sa nararamdaman ko

"I have no choice! Let's cool off."

"W-what? Pero bakit? Hey sorry na please. Ayoko non "

"Sorry! Hayaan muna natin ang isa't isa. Di ka ba napapagod?
Kase ako nalilito na." Yung mga luha ko unti unti nang bumabagsak

"A-aki please don't." Nahihirapan nyang pakiusap sakin.

Pumikit ako saka ibinaba ang tawag. Sorry! Bakit ba ganito?
Akala ko... Akala ko kaya kong baliwalain ang lahat. Ang lahat- lahat.
Pero hindi ei. Dahil habang tumatagal mas lalo ko lang syang minamahal.

The Reincarnation [Under Revision]Where stories live. Discover now