Azhaki's POV
"May problema ba?"
"Sila mommy kasi, ang sabi doon muna ako titira kay lola," lumuluha itong humarap saakin kapagkuwan ay umiling-iling. "Ayoko ro'n. Ayokong mapahiwalay sa 'yo. K-Kausapin mo naman sila dad na huwag akong dalhin do'n. Hindi ako puwedeng mahiwalay sa 'yo," umiiyak na sambit nito na ikinahinga ko nang malalim. Ito na naman siya, sa totoo lang hindi ko siya maintindihan minsan. Para kasing may hindi tama kapag may gusto siya na isang bagay.
"Hindi ko puwedeng suwayin ang mga magulang mo—"
"Ano!?" bahagya pa akong napapikit sa biglaan niyang pagsigaw. "Bakit, hindi!? Dapat may gawin ka! Dapat pigilan mo ako!"
"Then anong gusto mong gawin ko? Kalabanin ang mga, Young? Gusto mo ba na mapatay ako ni dad?" mahinahon man ngunit mababakas saaking boses ang inis na kaagad nitong ikinatigil.
"Kim, magulang mo sila at boyfriend mo lang ako. Ano na naman bang mayro'n at nagkakagan'yan ka?" paunti-unti ay napahawak ito sa sintido kasabay ng pagpikit.
"H-Hindi ko sinasadya,"
"Kim?" natatarantang tawag ko rito nang bigla itong matumba na dahilan kung ba't natabig ang vase na nakalagay sa mini table.
"Ayos ka lang?" tanong ko nang makalapit ako sa kaniya. Inalalayan ko rin ito na makaupo.
She open her eyes then looked at me afterwards, "I-I'm sorry. H-Hindi niya sinasadya. Patawarin mo ako, Aki. H-Hindi ko alam,"
I cupped her face when she shooked her head like she can't accept something. At hindi ko alam kung ano 'yon. Palagi na lang ganito pag magtatalo kami. Lagi siyang umiiyak at humihingi ng sorry. Marami ang nagbago sa kaniya simula nung gumaling siya.
"Ano ba kasing nangyayari? Mmm, tell me." Kapagkuwan ay umiling lang ito saakin bago ako niyakap na kaagad ko namang sinuklian.
"W-Wala. Natatakot lang ako,"
"About what?"
"Nothing," siya na rin ang nagbitaw pagkatapos. Pinakatitigan ako sa mata at ngumiti — ngiti na may halong kaseryosohan, alam niyo yung pakiramdam na 'yon? Hindi ko siya mabasa.
"Mahal mo naman ako, 'di ba?"
"H-Huh?" gulat akong napalunok habang nakatingin sa kaniya.
"Kung mahal mo ako?"
"O-Oo,"
Ngumiti lang ito saka sumandal sa sofa. Wala akong nagawa kun'di tumabi rito at pagmasdan siya. I sighed. Hanggang sa mapadako ako sa basag na vase na kumalat sa sahig at sa paa niyang may bahid na pulang likido.
The fvck! Nasugatan siya! "May sugat ka!" gulat itong napaayos ng upo saka tumingin sa bagay na tinitignan ko.
YOU ARE READING
The Reincarnation [Under Revision]
RandomPano kung mabago ng isang tao ang takbo ng istorya sa isang libro? Handa ba niyang ibalik ito sa dati o hahayaan niyang tadhana ang magpasiya para sa kaniya? Samahan niyo ang aking bida to walk through life as a book character. Magiging masaya nala...