"Sige na, pumikit ka at imulat mo ulit ang iyong mga mata." I nod saka ginawa ang sinabi nya.Then i saw the white backround. Nasan ako? Bakit kanina lang kasama ko yung babae. Nilibot ko ng tingin ang paligid until...
I knew it! Nasa hospital ako.
Nakita ko si Aki na tulog sa couch. Pinagmasdan ko sya at naramdaman ko nalang na umaagos ang mga luha ko.
Si Aki at si Kim...
Sila ang dapat na magmahalan. Sila ang pwedeng mag sama. Ako ang sisira sa kanila, pero how?Ni hindi ko kayang maging masama ang tingin nila sakin. Mahal ko si Aki. Pero sya hindi naman nya ako mahal. Nagpunas ako ng luha saka huminga ng malalim.
"Shira?" Dali dali itong tumayo at lumapit sakin habang hawak ang kamay ko. "Akala ko hindi kana gigising." Pfft... Anong akala nya sakin mamamatay?
"Ak...aki!" Wtf! Bakit hindi ako makapag salita ng tuwid?
"Hey! Anong gusto mo? May masakit ba sayo?" Bumitaw ito "T-tawag ako ng doc--" hinawakan ko yung mga kamay nya kaya napalingon ito sakin.
"T-tubig." Tumango ito saka ako kinuha ng tubig.
Tinulungan nya muna akong umupo sa kama. "Here!" Kinuha ko ito saka ininom. Feeling ko kasi tuyong-tuyo yung lalamunan ko.
Inabot ko sa kanya ang baso" Thank you!" Ngumite ito.
Naupo sya sa chair malapit sa bed.
"Dito ka muna tatawag ako ng doctor." Hawak parin nito ang kamay ko.
"Pwede mo ba akong yakapin?" For the last time. Gusto ko yung sabihin sa kanya but i can't.
"Oo naman." Pagkayakap nya sakin nagbagsakang muli ang mga luha ko.
Bumitaw na sya."Hey! Bakit ka umiiyak? I do something wrong?" Umiling ako. "N-no, masaya lng ako na nandito ka."
"Syempre." Pinunasan nya ang mga luha ko. "Wag kang umiyak. Dahil kahit anong mangyare, andito lang ako para samahan ka." Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito.
"Mom." Bulong ko kaya tumayo muna si Aki saka sila lumapit sakin.
"Gising kana." Hindi, tulog pa ako.
Kahit kelan talaga sya."Yung doctor mo papunta na dito" hawak nya yung pisnge ko. Si mom, sya yung tipong baby ang tingin sa mga katulad ko. Like duh! Malaki na kaya ako.
"Tita okay na po sya." Saad ni Aki.
"Thank you so much! Salamat binantayan mo ang anak ko." Ngumite ito. Bumukas ulit ang pinto at bumungad samin ang isang lalaki.
"Doc!" Tawag ni mom. Bakit ba hindi ko yon napansin? Haysst, napa suit nga pala sya ng pang doctor.
"I che check ko lang po ang pasyente." Kahit wag na. Kanina pa ako gising. Lumapit ito saka ako sinimulang icheck. "Mmm... I think you're okay now Ms. Zai. Rest nalang ang kulang para tuluyan ka ng gumaling." Sabi nito.
"So doc, kailangan pa po bang magtagal sya dito." No mom. Okay na nga ei. Bakit kailangan pang mag stay dito? "Sa tingin ko naman hindi." See?
"I'll back later Mrs. Zai. At kapag naging maganda ang huling test nya, inform ko nalang kayo. I'll go ahead." Lumabas na ito
"Wait tatawagan ko ang dad mo, i'm sure matutuwa yon. Aki, ikaw muna bahala sa anak ko ha." She said
"Yes tita." Nang makalabas na sya naupong muli si Aki.
"Ayos ka na daw."
"Yeah!" Ang Ackward ng mga tingin nya. "S-si Chase?"
"After ng nangyare hindi ko na ulit sya nakita pa." Sagot nito kaya napahinga ako ng malalim
"I miss him." Totoo naman.
"Kung alam nya lang sana, pero mukhang malabo nang mangyare yon. Nang dahil sa pag iwan natin sa kanya nabago natin sya. Edi sana andito sya, sana ayos parin kami ngayon. Sana buo parin ang Dachi!"
"Naaalala ko rin yon. Haha! Ang baduy pala." Dachi, san bang basurahan namin yon nakuha.
"Sus! Ikaw nga nag pauso non. Haha!"
"Hindi ahhh, saka hello? Bata pa naman tayo non." Tanggi ko. "Blah...blah...blah. ikaw na makakalimutin." Haha! Ako ba talga ang nagpauso non? Yuck! Ang panget.
Natahimik kami saglit kaya Ackward na naman.
"Natahimik ka yata" baling nya
"Ahmm...k-kamusta na pala kayo ni Kim?" Haysst, sana ako nalang.
"Ayon cool off." Walang gana nyang sagot."Whaat!??" Nangunot noo nya sabay tingin sakin
"Gulat na gulat ka yata." Taka nito
"K-kasi hindi pwedeng mangyare yon." Sagot ko
"At bakit naman?" Hayst, ang kulit ah
"Kasi dapat mahal nyo ang isa't isa. Ano ba aki! Wag mo nga akong tignan ng ganyan." Napangite ito sabay iling
"Alam mo okay sana yang sinasabi mo. Ang kaso iba ang isinisigaw ng puso ko ei." Ano bang sinasabi nito?
"Huh? Hindi kita maintindihan" Kasama ba sa kwento nila ang cool off thingy.
"I don't understand either. But you know what... Isa lang ang alam ko." Paliwanag nya
"Ano?"
"Na mahal kita." Speechless. "Alam ko nakakalito pero hindi ko na kaya pang pigilan." Napalunok ako ng hawakan nya ang mga kamay ko. "Ikaw lang Shira kahit noon pa man. Si kim... Hindi ko lang talaga sya kayang makita na umiiyak ulit. Yung tipong sinisisi ko ang sarili ko dahil nawala sa tabi nya si Chase." Gusto kong kiligin pero hindi pwede. Haysst, Shira wake up! Hindi ikaw dapat ang makatuluyan nya.
Kahit labag sa kalooban ko inalis ko ang mga kamay ko sa kanya saka yumuko. No! Tiisin mo. Wag kang bibigay.
"I'm sorry!" I bit my lower lips
"For what?" Tanong nya kaya umangat ako ng tingin
"Hindi tayo pwede. At kahit na mahal mo ako, sorry pero hindi ko yan kayang suklian." Yung mga luha ko na naman."K-kung sana lang pwede. Kung sana lang ako ang nararapat. Pero hindi ei. Hindi ako ang para sa isang Azhaki."
"Shira--" i cut him off
"Patawad! Pero alam kong hindi mo ako maiintindihan."
"Paano kita maiintindihan kung hindi mo ako hinahayaang intindihin ka?" Tumayo ito sa upuan saka lumuhod sa harap ko.
"Ano ba, tumayo ka nga dyan."
"No! Hindi ako tatayo hangga't hindi mo sakin sinasabi ang dahilan." Please naman. Wag!
"A-aki please*sob*umalis ka na. Iwan mo muna ako. Pakiusap nagmamakaawa ako sayo." Sana pumayag ka na. Dahil alam mo? Hindi ko na kaya tong pigilan.
Tumayo sya. Please wag! Gusto ko syang pigilan at yakapin pabalik
Naglakad ito papunta sa pintuan saka lumabas ng kwarto."A-aki mahal din kita." Sorry!
***
Aki's povGaya ng sinabi nya lumabas ako. Naupo ako ng waiting area at doon nagbuhos ng sakit. Bakit?
Ayaw nya ba sakin? Kaibigan lang ba tingin nya sakin?Nakakatawa! Sa mga simpleng salita na binitawan nya para akong sinaksak ng ilang libong kutsilyo.
I taking a deep breath before i stood up. Paalis na sana ako ng makita ko si tita Cynthia.
"Oh hijo, bakit ka nandito sa labas?"
"Uuwi muna po ako. Kayo po muna ang bahala sa kanya." Bilin ko
"Haha! Kahit wag mo ng sabihin." Napatawa narin ako. "Babalik karin ba agad?" Tanong nya
"Nope. Baka po kasi hindi muna ako makadalaw. Alam nyo naman po. Busy narin ako sa mga projects. Tatapusin ko na muna po yon." Tumango ito
"Sige, ako nang bahala. Ingat!" Ngumite ako saka naglakad palayo
YOU ARE READING
The Reincarnation [Under Revision]
De TodoPano kung mabago ng isang tao ang takbo ng istorya sa isang libro? Handa ba niyang ibalik ito sa dati o hahayaan niyang tadhana ang magpasiya para sa kaniya? Samahan niyo ang aking bida to walk through life as a book character. Magiging masaya nala...