N/A: sa totoo lang nagsisisi ako na ngayon ko lang naisipan na muling balikan ang buhay ni Sishura. Feeling ko kasi ang pangit niya kasi nga baguhan pa lang ako noon, pero sa nakikita ko naman nagkamali ako. . .
Yes, siguro nga may mga parts na jeje pa pero masasabi kong maganda siya kahit papaano.* * *
Someone
Nakaupo lang ako sa swivel chair nang pumasok ang tatlong lalaki.I smirked. Umaasa sa magandang balita na gusto kong marinig kanina pa.
"Kumusta ang pinag-uutos ko sa inyo? Is there any progress?" walang emosiyon ko silang tinignan.
"Wala pong naging problema, boss. Tumatakbo ang lahat ayon sa plano na sinabi niyo," natatawa akong tumango pagkatapos ay sumandal sa upuan ko at magpaikot-ikot.
Kapagkuwan ay tuimgil din at muling sumeryoso, "How 'bout her? Did I scare her so much?"
"Yes, boss. Malamang binabangungot na 'yon sa sobrang takot at pag-aalala," masayang sabi nito habang yung isa ay ngiting-ngiti na agad kong ikinailing. Masiyadong masaya ang dalawang 'to sa bagay na ako lang ang makikinabang pagdating ng panahon.
"Boss," tawag ng isa sa kanila na kanina pa tahimik at nakatingin lang saakin.
"What?" kita ko ang takot sa mata ng dalawa habang nakatingin sa kasamahaan nilang seryoso lang na sinasalubong ang tingin ko.
"Bakit kailangan pa silang pasundan at takutin kung puwede namang deretsyahang patayin na lang natin sila?" Napangiti ako sa isang 'to. Masyadong atat—ata na mamatay. Tumayo ako sa kinauupuan saka kinuha ang baril sa lamesa at pasimple itong hinimas.
"Patayin?" tumatango-tangong tanong ko sa kaniya.
"Yes, boss,"
"E kung ikaw kaya patayin ko!?" Nanggagalaiti kong itinutok sa kaniya ang baril na hawak ko. Walang kilos itong tumingin saakin habang yung dalawa ay halos manginig na sa takot.
"Gawin mo, nang hindi na ako nakukunsensiya at kinakain ng takot ko," matapang na saad niya bago ako tinalikuran. Nang makaalis siya ay bwisit kong pinaputok ang baril sa kisame saka ito itinapon kung saan. Ang ayoko sa lahat ay yung pinangungunahan ako. Hindi na ako uto-uto katulad noon. Hindi na ako muling aasa at makikinig sa kung sino. Isang tao na lang ang pinaniniwalaan ko at yun ay ang taong nagligtas saakin.
"B-Boss, pagpasensiyahan niyo na po siya—"
"Stop! Anong pangalan niya, ha!? Ang lakas ng loob niyang sagutin ako! Hindi ba niya alam na ako ang nagpapasweldo sa kaniya!?"
"P-Pasensiya na po—"
"Pasensiya!? Huwag kayong magtanong saakin ng kung ano dahil tauhan ko lang kayo! Naiintindihan niyo ba!?"
Takot na tumango lang sila na na ikinahinga ko nang malalim, "Anong pangalan ng lalaking 'yon?"
"T-Teryong, po"
Teryong, ha? I smirked. Ang baho nang pangalan. "Leave. Sundin niyo na lang ang utos ko hangga't kaya ko pang magtimpi,"
"O-opo boss, wala pong problema. Pasensya na po hindi na mauulit." Napailing ako saka tumingin dito. Nang ako na lang mag-isa ay saka ako muling umupo at sumandal sa swivel chair.
Bakit kailangan pa silang pasundan at takutin kung puwede namang deretsyahang patayin na lang natin sila?
"May tamang panahon para tuluyang gumanti," mahinang saad ko sa sarili bago pumikit at nagpahinga. I sighed.
Pagsisisihan niyong iniwan niyo ako noon. At sisiguraduhin ko na iiwan ko rin kayo sa gitna ng mga iyak at takot katulad ng ginawa niyo saakin. Hinding-hindi ko sila mapapatawad. Bahagaya akong napahawak sa mukha ko na may maskara, hangga't nandito ang peklat na ito. . .
Hindi ko 'yon makakalimutan.
YOU ARE READING
The Reincarnation [Under Revision]
DiversosPano kung mabago ng isang tao ang takbo ng istorya sa isang libro? Handa ba niyang ibalik ito sa dati o hahayaan niyang tadhana ang magpasiya para sa kaniya? Samahan niyo ang aking bida to walk through life as a book character. Magiging masaya nala...