👆» by the way, sa mga di nakaka alam nitong nasa taas..
Iyan po ang dahon ng uple/upli. Yun lang naman.--------------
****"Ate, ganda. Gising na po."
"Mmm" ungot ko. "Anong oras na ba?" Tanong ko dito na ikina kamot nito sa ulo. "Hindi ko po alam. Tara na po kasi, kakain na."
"Inaantok pa ako, e."
"Sige na po ate, please.." Nagpuppy eyes pa. Natawa nalang ako tumayo sa higaan. Niyaya ko na siyang bumaba at saktong pagbaba naming dalawa.
Nag hahain na si inang..
Nahiya naman ako bigla. Hehe.
Bale tatlo lang kami dito sa bahay. Ako, si Miko na apo ni inang, and then si manang Lordes.
Haystttt, gusto ko pa sanang manatili dito sa kanila pero wala naman akong maiaambag. Wala akong alam sa mga ibang trabaho. Hindi ako sanay sa ganitong buhay. Isa pa hindi pwede na habang buhay akong nandito.
Welcome man ako pero hindi sapat para manatili sa kanila."Kain na tayo. Ikaw ba Chealsey, Kumain kaba nang kabute? Gusto mo bang ipagluto kita nang iba?"
"Huwag na po" Naupo ako sa upuan "Sigurado ka ba hija?" Tumango lang ako saka sumandok narin
"Saan po pala ito nakukuha?" Taka ko. Mushroom. Hindi na masama.
"Umulan kanina kaya nagbakasakali akong meron na yan. Madalas tumutubo yan kung saan"
"Lola, di'ba po marami ding palakang kogkog ngayon?"
*Cough*
"Ay naku po jusmeyo heto tubig" Dali dali akong Uminom at huminga nang malalim
"Ate ganda ayos ka lang po?"
"A-ano po ang gagawin niyo sa palakang kogkog na yun?" Ngumite lang ito sakin.
"Dito sa amin inuulam 'yon. Nakukuha siya sa tubigan. Kadalasang mga bata ang nanghuhuli noon, hindi na kasi kaya nang tuhod nang mga matatandang kagaya ko haha"
"Pati yung mga nagta trabaho sa palayan lola" Tumango lang ito.
Bago kami nagpatuloy sa pagkain.Pagkatapos naming kumain. Nagprisinta akong maghugas nang pinggan. Hindi na ito bago sakin. Madalas ako ang naghuhugas nang sarili kong pinagkainan sa Condo. Pero tulad nga nang hindi ko nakasanayan. Walang gripo..
Tanging sa poso sila nagliligo, kumukuha nang magagamit sa banyo, at doon din naghuhugas kung minsan.
Paminsan minsan nabibitawan ko yung mga basong puno nang sabon. Haystt yes i know..
Aksayado ako. Maya maya pa may dumating na matanda."Paigib muna ako ineng ha"
"Sige po, Ahmm.. P-pwede pong magtanong?"
"Sige walang problema. Ano ba yun?"
"P-para saan po itong dahon at abo?" Sabay turo ko sa dala dala kong bagay na hindi ko alam kung saan ba talaga ginagamit. Napatawa nalang ito saka yumukod para kumuha nang dahon..
Isinawsaw niya ito sa abo, and then kinuha sakin yung kaldero.
Walang pag aalinlangan niya itong ikinuskos dito. Hanggang sa matapos siya sa ginagawa at bitawan ang hawak."Bakit hindi mo 'yon alam?" Taka nito
"Hindi po kasi ako tagarito"
"Ganoon ba? Ang dahon na yan ay 'upli kung tawagin. Pwede siyang gamitin sa pang alis nang uling dahil matalas siya kunpara sa ibang dahon. Pagkatapos itong abo ang magsisilbing karampatang gaspang." Napaango tango lang ako. Shit, ang galing. Haha
"Thank you po"
"Walang anuman" Saka ito tumalikod bitbit ang isang timbang tubig
'Uple.. para siyang steel wool. Hindi ko alam na marami akong matutunan sa lugar na ito.
YOU ARE READING
The Reincarnation [Under Revision]
RandomPano kung mabago ng isang tao ang takbo ng istorya sa isang libro? Handa ba niyang ibalik ito sa dati o hahayaan niyang tadhana ang magpasiya para sa kaniya? Samahan niyo ang aking bida to walk through life as a book character. Magiging masaya nala...