.chapter 7

349 4 0
                                    


Friday na pero naisipan ko paring pumasok ng school at saka isa pa magaling narin ako.

Magaling na ako after kong magkasakit. Kung tatanungin kung binantayan ba ako ni Aki, the answer is yes, hindi siya umalis atnagprisintang alagaan ako for 2 days.

And now nabanggit niya saakinna hindi siya makakapasok kasi may importante daw itong gagawin.
Hindi ko alam kung ano pero hinayaan ko na lang din. Dahil una, wala akong karapatan.

Pangalawa, wala pa rin akong karapatan. I sighed. Naiiling akong nagpatuloy sa paglalakad habang iniwawaksi ang kakat'wang pinag-gagagawa ko sa buhay.

Bago pa ako sumapit sa mismong classroom, naabutan ko pa si Kim na nakatambay sa isang gilid na parang may hinihintay.

Sa pagtataka ay agad akong lumapit, "What are you doing here?"

She smiled sweetly ng makita ako at bahagyang umayos ng tayo. Now I know, mukhang ako ang hinihintay niya.

"Well, we need to talk,"

"Talk? About what?" She sighed. Then walanh ano-ano'y hinila ako palayo sa dapat kong pupuntahan — sa klase.

"Ilang days na kitang inaabangan. Ewan ko ba kung ba't ngayon ka lang pumasok." Naiiling na sambit nito.

"Nagkasakit ako—"

"You what!?" doon lang siya napatigil at bahagya akong chineck.

"Ayos ka na ba ngayon? Hindi ka na mainit? Ang ulo mo, hindi ba masakit? Dapat ba dalhin na kita sa clinic?" sunod-sunod na tanong nito saakin dahilan ng aking mahinang pagtawa saka siya niyakap ng mahigpit. Narinig ko pa ang mahina nitong ingit ng mapahigpit ang aking kapit. Kapagkuwan ay binitawan ko rin ngunit bakas sa mukha nito ang lukot.

Isa ito sa dahilan kung ba't pakiramdam ko hindi siya puwedeng masaktan...

May times kasi na para siyang bata na kailangan ng ateng mag-aaruga. Isa pa, hindi siya madalas magpakita saamin ni Aki. Kaya kapag nandiyan siya 'di ko maiwasang yakapin siya ng mahigpit.

"Ayos lang ako. Thank you."

"Ba't hindi ko alam?" Nakanguso pa ito saka muling naglakad na sinundan ko naman.

Tanong mo sa boyfriend mo. "Nakalimutan ko na rin kasing sabihin saka 'di naman tayo madalas nagkikita, 'di ba?" saad ko na kaniyang ikinatigil. Muntik ko pa nga siyang mabangga kung 'di lang ako nakabalanse agad.


"Kasi ayaw kitang makita," bulong nito.

"Huh?" kapagkuwan ay naiiling itong humarap saakin na may malawak na ngiti.

"Busy rin kasi ako."

"Ow, yeah, like that," tanging nasabi ko na lang saka naunang maglakad. Nagtataka sa bigla nitong pagbabago at tahimik na pumunta sa cafeteria.

Ewan, dito lang naman kasi kami nagkikita minsan.

After a minute, nakarating kami sa loob. "Saan mo gustong maupo?"

"Doon na lang." Turo niya sa may bandang tabi. Nauna na rin siyang maglakad kaya wala akong nagawa kun'di sundan siya papunta ro'n.

Nang pareho na kaming nakaupo, pansin ko ang pag-iiba talaga niya...
Alam niyo yung pakiramdam na binabasa niya ang nilalaman ng isip mo habang nakatitig siya sa 'yo? Gano'n.

"Ano bang gusto mong pag-usapan natin?"

"About, Aki."

"Anong tungkol sa kaniya?


The Reincarnation [Under Revision]Where stories live. Discover now