It's Sunday kaya nagpasya akong pumunta ng park. I need some fresh air after what happened between me and Shira. You know...Hindi ko sya parin kasi alam. Habang naglalakad ako sa isang path way napansin ko ang isang babae na nakaupo sa swing. Wait,
Hayssst, stop the hallucinating. Wala sya dito ngayon, baka nga nagpapahinga pa yon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa isang puno. Medyo malayo pala itong napuntahan ko. Naupo ako sa damuhan saka pumikit para lumanghap ng sariwang hangin sa paligid. Then after a while nagmulat akong muli saka pinagmasdan ang buong area.
Maganda nga dito.
Mula kase sa pwesto ko may ilog kang kaharap tapos puro puno na.Parang dulo na yata.
"Nice view. Am i right?" Napalingon ako sa kanya kaya kaagad akong napatayo dahil sa gulat
"Chillax bro, wala akong gagawin." Ngumise lang ako sa kanya. Baliw din ang isang to. Naupo ako at ganon din sya.
"Paano mo nalamang andito ako?" Tanong ko sa kanya
"Pinasundan ka?" Tch, hobby na nyang pasundan kami
"Kamusta?" Baling ko sa kanya
"Eto ayos naman, kayo ba?" Balik nito sakin. "What do you mean?" Ngumise ito saka umiling.
"Hindi ko akalaing may pagka slow ka." What the. Ako? Slow?
"Loko-loko ka." Konyatan ko kaya to
"Haha! I'm just kidding man!"
"Kidding mo mukha mo."
"Haha!" Putek! Ang sarap manapak. Kung hindi ko lang sya kaibigan.
Natahimik kami pareho. "Umamin ka nga sakin Dachi." Gulat akong napalingon sa kanya.
"Pakiulit nga yung sinabi mo." Utos ko sa kanya pero ngumise lang ito sakin saka nahiga sa damuhan.
"Ayoko nga, narinig mo naman ei."
"Haha! Baliw ka nga talaga." Baling ko dito
"Ikaw ang baliw." Napatingin ako sa kanya and.. "Baliw sa dalawang babae."
"Huh?"
"Psh, kunyari ka pa. Hindi mo matatago sakin ang pagtingin mo kay Shira." Katulad nya nahiga din ako sa damuhan "Kita ko kung paano ka mag alala sa kanya. And i'm sure hindi yon gawain ng isang kaibigan. Tama ba ako?"
"Well you're right!"
"Ang hindi ko lang maintindihan is yung pagtingin mo kay Shira when you're in relationship with Kim." Napahinga ako ng malalim.
"Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko Chase. Ang gulo!" Totoo naman. "Ei ikaw?" Baling ako sa kanya
"Anong ako?" Takang tanong nya
"Anong balak mo kay Kim?"
"Well ang dami na kasing nagbago. Saka kung pipilit ko ang sarili ko sa kanya, walang mangyayare. alam kong ikaw na at hindi ako." Paliwanag nya.
"Tama ka naman, ang daming nagbabago. Pero isa lang ang hindi nagbago sakin--"
"Ang pagmamahal mo sa kanya?" Kahit kailan talaga kilala mo ako
"Mali ba itong nararamdaman ko?" Tanong ko sa kanya. "To be honest, galit ako sayo ng kaunti."
"At bakit?"
"Dahil nawala sakin si Kim ng dahil sayo. Tapos ngayon balak mo namang saktan dahil narealize mong hindi sya yung mahal mo? That's unfair dude!"
"Sorry!" Yan lang nasabi ko
"Sorry is not forgiven. Masasaktan mo parin yung babaeng pinangakuan ko nga kasal noon." Bakas sa tono nya ang lungkot "Pero hindi naman kita masisisi, kaya all you can do is to choose." Tinapik nya yung balikat ko
"Ano ang dapat kong gawin?" Tanong ko sa kanya
"Ang sundin ang puso mo." Tumayo na sya "Oo nga pala Aki, i think matagal pa bago ulit tayo magkita. Kaya pakisabi nalang kay Shira and Kim... Ingat sila palagi and sorry."
Naguluhan ako sa sinabi nya. Kaya tumayo nadin ako.
"Saan ka naman pupunta?"
"Somewhere to find myself. Because you know...
It's hard for me to forget what happened with us, kaya siguro kailangan ko rin itong gawin." Paliwanag nya."But--"
"And one thing, don't you dare to stop me. Kilala kita." Sabi nya lang saka ako iniwan ditong mag isa ampTT
Nag pagpag ako ng sarili saka umalis din sa lugar.
***
Kim's POVNasa cafeteria ako kasama ang isa sa mga close classmates ko. Tahimik lang kami habang kumakain ng lunch.
Pasulyap sulyap parin ako sa phone ko. Hoping na makita ko ang pangalan ni Aki sa caller ID
"May iniintay ka?"
"Yeah." Sagot ko
"Sino?" She asked
"Boyfriend ko. Simula kase nung nag cool off kami, hindi ko na naririnig ang boses nya. Isang beses ko lang sya naramdaman nung malaman kong buhay si Chase. Sya mismo nagsabi sakin." Paliwanag ko sa kanya. Ang totoo? Masaya ako na buhay sya. Pero sa tuwing iniisip ko yung mga pangako nya noon, mas nananaig sakin ang pagmamahal ko kay Aki.
Mas mahal ko na si Aki.
Sya na naging dahilan kung bakit ako naging masaya ulit.
"Nag cool off kayo?" Tumango ako sa kanya
"Asus! Ganyan naman talaga ang mga lalake. Cool off? Duh! Hindi ganyan ang gusto nilang iparating." Nangunot noo ko sa kanya
"And what are you trying to say?"
"Break up." Tsk. Hindi nya yon gagawin tulad nga ng sabi ni Shira sakin
"Bakit naman nya gugustuhing makipag-break sakin?" Tanong ko dito
"Kase may iba na sya." Putek!
"Hindi nya yon gagawin sakin."
"Haha!" Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa inis. "Kim, remember this... Lalaki sya and wala ka don para pigilan ang lahat ng ginagawa nya."
Napatayo na ako this time. "Sumosobra ka na Scarlet. You. Don't. Even. Know. Him." Diin ko sa kanya.
Yung ibang mga estudyante sa amin na nakatingin "Nag papaka-praktical lang ako. At saka wala namang masama kung aalamin mo ei. Ikaw ang girlfriend kaya karapatan mong malaman ang dahilan nya. Hindi yung nag hihintay ka lang dyan na tawagan nya ulit."
Saka sya tumayo at iniwan ako.
No! Napaupo ako habang tinitignan ang cellphone ko. Hindi naman nya siguro ako niloloko.
Ikaw ang girlfriend kaya karapatan mong malaman ang dahilan nya. Hindi yung nag hihintay ka lang dyan na tawagan nya ulit."
Ayokong maniwala.
Pero parang may part rin sakin na maniwala sa sinasabi nya.
I know she's wrong! */Smile
And patutunayan ko yon
YOU ARE READING
The Reincarnation [Under Revision]
RandomPano kung mabago ng isang tao ang takbo ng istorya sa isang libro? Handa ba niyang ibalik ito sa dati o hahayaan niyang tadhana ang magpasiya para sa kaniya? Samahan niyo ang aking bida to walk through life as a book character. Magiging masaya nala...