"Ma'am Weng una na po kayo. Mag-overtime po ako ngayon." Agad kong sabi ng makitang nagliligpit na 'yong ka-officemate ko. Palagi kasi kaming sabay umuwi pero kailangan kong mag-overtime ngayon para makabawi sa mga araw na hindi ako nakapasok.
"Kagagaling mo lang sa hospital ah? Baka mabinat ka. Sigurado ka ba?" Paninigurado niya.
"Opo ma'am, ayos lang po ako. Bukas na lang po ako sasabay ulit ng uwi sa'yo." Nakangiting sabi ko. Parang nanay ko na siya ituring dahil kapag mayroong raket o sideline, sinasabihan niya agad ako pero usually dito lang din sa kumpanya na pinagta-trabahuhan namin.
"Sige, mauna na ako sayo. Mag-iingat ka pauwi ha? Tumawag ka sa akin kung may problema." Sinukbit na niya 'yong bag niya sa balikat niya at tinapik na lang ako sa kanang balikat ko bago naglakad paalis.
Tinapos ko na lahat ng deadline reports ko para bukas ipapasa ko na lang sa mga departments na dapat pagpasahan. Dalawang oras lang ang allowed na i-overtime namin dito sa office kaya hindi pupwede na magtagal.
"Hoy girl! Nandito ka pa pala!" Sigaw agad ni Zeira ng makita ako sa hallway habang lakad-takbo papunta sa akin.
"Obvious naman diba? Eh ikaw, bakit nandito ka pa?" Usually kasi hindi naman siya pala-overtime unless may deadline reports din siya na kailangan ipasa... Pero madalas sinusundo siya ng love of her life niya.
"May sundo, as usual." Sabi niya na para bang nag-iba ang kaniyang reaksyon na pinipilit huwag ipahalata sa akin.
"Iyon naman pala eh, bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa diyan?" Nang-iinsulto kong tanong sa kaniya habang naglalakad palabas ng kumpanya.
"Hindi sa ganoon, parang hindi mo naman alam." Depensang sagot niya sa akin. "Ikaw din naman ah? Dati palagi ka rin may sundo noong nag-aaral pa tayo... sino nga ulit 'yon? Li-"
"Maagang nag-out si Farrah?" Pag iiba ko ng usapan. Ayaw kong pag-usapan 'yong mga taong hindi naman konektado sa buhay ko.
"Iniiba mo na naman ang usapan." Sagot niya. "Oo, maagang nag-out 'yon. Dumaan kanina sa office ko para magsabi na mauuna na siya at sabihin ko na lang daw sa'yo kung sakaling hanapin mo siya."
"Wala naman ng bago, baka nandoon na naman 'yon kay Ma-" Naputol 'yong sasabihin ko ng sikuhin niya ako.
"Hoy! Kailan ka pa sinusundo niyan?" Nagtatakang bulong niya sa akin nang makalabas na kami.
"Huh?" Nagtatakang tanong ko. Tumingin pa ako sa paligid dahil wala naman akong inaasahang magsusundo sa akin. "Trippings ka? Matagal nang walang nagsusundo sa akin, Zei."
Nginuso niya 'yong lalaking nakasandal sa Alfa Romeo na SUV, wearing a navy blue button down shirt with a pair of black slacks. His sleeves was folded upward at his elbow. Naka-krus ang mga braso sa bandang dibdib habang nakayuko na parang ang lalim ng iniisip kaya hindi pa kami napapansin.
"P-paano niyang nala-" Naibulaslas ko ng mapagtanto kung sino 'yong tinutukoy niya.
"Mauuna na ako, baka nasa parking lot na rin 'yong naghihintay sa akin." Nangingiting sabi niya sa akin. "At kung pupwede, magkuwento ka naman sa amin para hindi kami nagugulat sa mga pasabog mo." Sarkastiko niyang sabi bago lumiko papuntang parking lot.
"Shit! Wait! Zeira!" Nagmamakaawa akong tumingin sa kaniya. "H-huwag mo muna akong iwan dito, saka hindi ko alam kung paano niya nalaman-"
Tinanggal niya ang mga kamay kong nakahawak sa braso niya at ngumiti ng nakakaloko, "I know you can handle that, Mara. Aalis na ako, magkuwento ka na lang bukas." Sabi niya sa akin bago ako talikuran upang maglakad papunta sa dapat niyang puntahan.
Wala na akong nagawa nang unti-unti siyang nawala sa paningin ko. What should I do? What is he doing here?And h-how the hell did he know that I'm working here? Bahala na, bwiset! Naglakad ako ng diretso na parang hindi ko siya nakita... na ayaw ko naman talaga siyang makita because everytime I see him, all memories came back to me. Memories that I try to forget, but until now I can't!
"Amara!" Tawag niya sakin. Dire-diretso pa rin ako sa paglalakad kahit sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi pa rin nagbabago ang epekto niya sa akin. Napatalon ako sa gulat nang maramdaman kong pinigilan niya ako sa braso. "Amara" Tawag niya ulit sa akin.
"H-how did you know that I'm here?" Nauutal kong tanong habang pinipilit na hindi tumingin sa direksyon niya.
"I have my ways." Seryoso niyang sagot.
"What do you want?" Pinilit kong huwag mautal at itago ang emosyon na unti-unting nabubuhay sa loob ko.
"As if you can give." Sabi niya na hindi man lang nagbago ang kaniyang ekspresyon. "You know what I want, Amara."
"And you know that it will never come back." Matigas kong sagot sa kaniya.
"Don't talk if it's not done yet." Sabi niya sa akin habang nararamdaman kong humihigpit ang hawak niya sa braso ko. "I am tired of spending so many years."
"I don't care how many more years have passed, as long as I don't want to go back to a liar like you."
"Let's see. But this time, I'll get you again."
x-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------x
BINABASA MO ANG
The Bright City Lights (Fortune Series #1)
RomanceFortune Series #1 Malcolm Liam, a legal management fresh graduate continuing his study on law school to pursue his dream as a lawyer falls inlove at first sight to a simple but vicious woman named Amara.