"So official na kayo?!!" Malakas na sabi ni Zeira. Itong babaeng 'to hindi pupwedeng mahina ang boses, mabuti na lang nasa field kami dahil vacant namin.
"Oo Zei, pwede ba hinaan mo lang boses mo? Magkakalapit lang tayo oh." Sagot ko sa kaniya.
"Anong reaksyon niya?" Tanong niya na naman. Hindi talaga siya titigil hangga't hindi niya nalalaman ang buong detalye, pero natawa ako ng maalala ko 'yong reaksyon ni Liam kagabi.
"H-huh?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya sa akin.
"Tayo na... y-you know, the boyfriend-girlfriend thingy." Nahihiyang sagot ko sa kaniya.
"YES!" Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw. Mabuti na lang konti lang ang mga tao at medyo malayo pa sa amin pero tinakpan ko pa rin 'yong bibig niya.
"Shush! Huwag kang sumigaw." Suway ko sa kaniya dahil nahiya ako sa mga taong tumingin sa amin.
"I love you.. i love you." Paulit ulit niyang sambit sa akin habang yakap-yakap ako at panay halik sa noo ko. Natatawa na lang ako sa kaniya dahil nagtatalon pa siya. "Tayo na talaga? Wala ng bawian 'yan ha?" Nakangiting sabi niya sa akin.
"Basta 'yon na 'yon, Zei. Huwag ka ng magtanong." Natatawa kong sabi kay Zeira dahil nagpupumilit pa siya na ikwento ko lahat sa kaniya. "Teka, bakit parang hindi ko ata masyadong nakikita si Malia?" Nagtatakang tanong ko. Napapadalas na rin ang pag-aabsent niya, mabuti na lang natyetyempo sa walang prof.
"Morris nasaan si Malia?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko rin alam pero kagabi nagsabi siya na hindi ulit siya makakapasok ngayon." Sagot niya.
"Na naman? Baka nakakalimutan niyang graduating tayo ah? Napapadalas absent niya." Pagsasabi ko pa. Ayaw kong may maiiwan sa amin dahil isang semester na lang at ga-graduate na kami tapos ngayon pa siya hindi nagpapapasok.
Bumalik na kami sa room ng matapos 'yong oras na bakante kami pero pagpasok namin ng room, nagsabi 'yong class president namin na mag-aattendance na lang lahat dahil wala ng papasok na prof kaya maaga na naman ang uwian namin. Kumain muna kami sa barbecue-han bago umuwi, hindi na muna kami gumala dahil naghahanda kami para sa speech defense namin na bukas na ipe-present... one of our major subject.
Pagkauwi ko sa bahay, si papa na lang ang naabutan kong gising dahil palagi niya akong hinihintay na umuwi. Nagmano lang ako sa kaniya at uminom ng tubig bago umakyat sa kwarto. Pagpasok ko, naligo agad ako at nagbihis ng pang-tulog.. naglagay na rin ng konting moisturizer sa mukha dahil hindi naman talaga ako totally nagiiskin care pero bago ako magrecord ng speech na kakabisaduhin ko para sa defense, nagtext muna ako kay Liam.
To: My Love
Love, I'm home. Wala kaming prof kaya maaga uwian... kumain ka ha? Goodnight. Iloveyou :*Nang maisend ko na ang text ko para sa kaniya, nagrecord na ako ng speech ko at paulit ulit kong pinakinggan para ma-memorize ko hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako.
"Woooh! Pasado tayong lahat!" Nagtata-talon na sigaw ni Zeira. "One semester na lang tapos magma-march na tayo... sa wakas!"
Buong section namin pasado kaya nagkayayaan na magkaroon ng celebration party mamayang alas-diyes ng gabi. Libre ng president namin kaya lahat kami makakapunta... syempre libre eh. Tinext ko si Liam na naipasa ko ang defense namin pero hindi pa rin siya nagrereply simula kagabi. Naiitindihan ko naman, baka may inaaral lang siyang case kaya ganoon. Umuwi muna kami sa kaniya-kaniya naming bahay para maghanda at makapagpaalam na rin sa mga magulang namin. Pero iba ako magpaalam...
"Pa, may celebration party po kami ngayon. Hindi naman po ako mag-iinom ng marami." Paalam ko sa kaniya, nakabihis na. Casual outfit lang ang sinuot ko, brown sleeveless top and high waisted jeans with a pair of white shoes para naman hindi masyadong mag-alala si papa sa akin. Sila Farrah na lang ang hinihintay ko. "Kasama ko po sila Farrah."
"Makaka-hindi pa ba ako?" Nakakunot niyang tanong sa akin. "Eh, nakabihis ka na." Nagulat pa siya ng biglang pumasok ng bahay sila Farrah. "Nagpasundo ka pa talaga..." Natatawa niyang sabi. Naghabilin pa siya ng kung ano-ano pero hindi ko na pinakinggan dahil hindi ko naman masusunod lahat ng 'yon.
"Guys, whatever you want, just take it." Sigaw ni Pres, nasa loob na kami ng bar kaya hindi na masyadong magkarinigan. "Just tell my name at the bar counter, I'll take care of it." Nagsigawan na kami kaya lahat ng atensyon ng mga tao ay napunta sa amin dahil sa ingay ng buong section namin. Kaniya-kaniya silang punta sa bar counter para kumuha ng alak, si Farrah at Zeira naman ang pumunta doon para maghanap kami ng mauupuan namin.
"Sabi na eh! Ayan ang kukunin ninyo!" Exaggerated na sigaw ni Malia. Hindi pa siya nasanay sa dalawa, bacardi at cuervo naman palagi naming iniinom kapag ganitong nasa bar kami.
"Ayaw mo?" Masungit na sagot ni Farrah. "Arte mo! Malakas ka namang magyosi ah?! Hindi ka nga tinatamaan sa mga ganito eh."
"Tinamaan kaya siya once..." Sabat ni Zeira. "N'ong na-"
"Hep! Enough!" Natatawang singit ni Morris. "Umpisahan na natin 'to para makarami, libre pa naman ni Pres."
"Daming pera ni Pres ngayon no?" Sabi ko sa kanila. "Siguro, may nabingwit na afam 'yon kagabi." Nagtawanan kaming lahat. Inumpisahan na naming uminom hanggang sa hindi na kami napipirmi sa inuupuan namin. Sayaw doon, sayaw dito. Nakakailang sticks na rin ako ng sigarilyo dahil pakiramdam ko tinatamaan na ako sa iniinom namin, ni hindi na nga namin alam kung nakakailang bote na kami.
Nagulat ako ng may humila sa kamay ko, "Si Liam 'yon 'di ba" Tanong sa akin ni Malia na pumasok din pala sa smoking area at tinuturo si Liam sa loob ng bar na may kausap na babae. "Sinabi mong nandito ka?"
"Hindi, hindi nga nagrereply sa akin 'yan eh." Walang emosyon kong sagot. Hindi siya nagrereply sa mga texts ko tapos makikita ko siya dito?
"Sino 'yong kasama niya?" Tanong na naman niya habang nagsisindi ng sigarilyo. "Mukhang close sila ah?" Tangina mo Malia, napapansin ko naman kailangan pa bang sabihin? Natatanaw ko sila mula sa loob na nagbubulungan. They seems close to each other. Tinapos ko na 'yong pagsisigarilyo ko at hindi na hinintay si Malia kahit sumisigaw pa siya na hintayin ko. Dire-diretso akong pumasok sa loob ng bar papunta sa upuan namin para kumuha ng alak. Naabutan ko pa si Farrah doon na mukhang may hinihintay.
"Where have you been?" Tanong niya sa akin habang nagsasalin ng alak sa baso.
"Smoking area, why?" Kumuha rin ako ng alak at nagsalin sa baso.
"He's here.. sinabi mo ba na nandito ka?" Tanong niya sa akin bago nilagok 'yong alak.
"No, ano naman ngayon kung nandito siya?" Masungit kong sagot sa kaniya dahil sa totoo lang, unti-unti na akong naiinis.
"He's with Dinah, the woman he's talking right now."
x-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------x
BINABASA MO ANG
The Bright City Lights (Fortune Series #1)
RomanceFortune Series #1 Malcolm Liam, a legal management fresh graduate continuing his study on law school to pursue his dream as a lawyer falls inlove at first sight to a simple but vicious woman named Amara.