"Sure ka? Hindi mo man lang pinigilan?" Tanong sa akin ni Farrah habang nasa loob kami ng comfort room. "Babae 'yong pupuntahan niya girl! Tapos okay lang sa'yo?"
"Farrah.. may aaralin lang naman silang case, bakit ko pipigilan?" Malumanay kong sagot sa kaniya. Siya pa lang ang sinasabihan ko sa kanilang lahat dahil kapag lahat sila sinabihan ko, baka kung ano-ano na narinig ko. Mas maiging sa isa muna. "Saka tungkol naman sa school 'yon kaya ayos lang sa akin."
Lumabas muna siya sa cubicle bago nagsalita ulit. "Sure ka?" Tanong niya sa sa akin. Nagulat ako ng nilagay niya ang likod ng kamay niya sa noo ko. "Baka may lagnat ka lang ha? Nakakalimutan mo atang ex 'yong pupuntahan niya."
Tinanggal ko 'yong kamay niya sa noo ko bago nagsalita. "Ayaw kong mag-isip ng iba sa kaniya, Farrah. May tiwala ako sa kaniya, saka alam ko naman na hindi siya gagawa ng ikakasira ng relasyon namin."
"Okay! Ikaw ang bahala, desisyon mo naman 'yan. Basta kahit anong mangyari, nandito lang kami ha?" Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi at tinaas-taas pa 'yong mga kilay niya. Natatawa ako sa kaniya dahil hindi ko akalain na sa kaniya ko pa talaga maririnig 'yong mga salitang 'yon.
Lumipas ang mga araw at buwan na busy kami sa kakatapos ng ojt namin at hindi na namin namalayan na ilang araw na lang ang ilalagi namin dito sa ospital. Masaya rin naman magtrabaho dito dahil hindi kami itinuring na iba ng mga nakasama namin dahil parang hindi intern 'yong tingin nila sa amin kundi isang empleyado.
"Amara, pinabibigay ni sir Ehvan." Sabi ni Lucas na katabi ko lang ng table at inabot sa akin 'yong matcha green tea frappuccino ng starbucks na paborito kong inumin. "Para sa'yo raw, malapit ka na raw umalis eh." Sabi niya sa akin. Naging malapit na sa akin lahat ng mga tao dito lalo na 'tong si Lucas dahil bukod sa siya 'yong kalapit kong table, madalas niya rin akong tulungan sa mga bagay na hindi ko alam gawin.
"Ano ka ba?! Pupunta pa rin naman ako dito.. o kaya malay mo dito na ako mag-apply." Natatawang sabi ko sa kaniya. Ako na lang kasi ang natitirang intern sa department namin dahil ako ang may pinakamatagal na kailangan buohin na oras.
"Sabi mo 'yan ha? Eh kung dito ka na lang din kaya mag-apply?" Tanong niya sa akin. "Ayaw mo naman yata eh."
"Hindi naman sa gan'on. Alam mo naman 'di ba? Gusto ko rin ma-try sa ibang kumpanya." Sagot ko sa kaniya. Matagal na niya akong sinasabihan na rito na ako sa ospital mag-apply dahil kilala naman na ako at mabilis na lang makakapasok kung sakaling gustuhin kong magpa-absorb.
"Oo na! Basta kung kailangan mo ng tulong, sabihan mo lang ako ha?" Sabi niya sa akin. Tumango ako sa kaniya at ngumiti bago bumalik sa trabaho.
"Ingat Amara! Una na kami sayo." Sabi sa akin ni Zeira bago tumalikod at umalis na.
Tapos na ang shift namin at nagsabi sa akin si Liam na susunduin niya ako ngayon kaya naghintay na lang ako sa waiting area. Hindi naman ako matagal naghihintay sa kaniya dahil dumarating agad siya sa oras ng out namin... maliban lang ngayon dahil dalawang oras na akong naghihintay sa kaniya pero wala pa rin siya.
"Hindi matawagan.. hindi rin nagrereply. Nasaan na ba 'yon?" Hinihintay ko pa rin siya sa waiting area. Nag-aalala na ako sa kaniya dahil kapag hindi siya nakakarating sa usapan namin, nagtetext agad siya. "Wala rin naman siyang text."
Lumipas pa ang dalawang oras bago ko napagpasyahan na umuwi na lang. Nagtext muna ako sa kaniya na umuwi na ako dahil baka bigla siyang dumating at wala na ako doon sa waiting area.
BINABASA MO ANG
The Bright City Lights (Fortune Series #1)
RomanceFortune Series #1 Malcolm Liam, a legal management fresh graduate continuing his study on law school to pursue his dream as a lawyer falls inlove at first sight to a simple but vicious woman named Amara.