Chapter 14

6 0 0
                                    

"Bakit hindi pumasok si Morris ngayon?" Tanong ni Farrah. "Malia, bakit wala siya? Nagsabi ba sa'yo?"




"Hindi.. hindi nga rin nagtext sa akin na hindi pala siya papasok ngayon." Sagot ni Malia.




"Bakit kaya? Hindi naman umaabsent 'yon ng walang dahilan." Nagtatakang sabi ni Zeira. "Saka nagtetext 'yon kung hindi siya makakapasok."




Apat lang kami dito sa food court na kumakain ng lunch. Wala si Morris at hindi namin alam kung ano nangyari doon? Nakita kong tumayo si Farrah para siguro kumuha ng tubig sa despenser kaya pinagpatuloy lang namin 'yong pagkain namin habang nag-uusap tungkol sa mga ginagawa namin sa office. Napansin kong ilang minuto na pero hindi pa rin bumabalik si Farrah sa upuan kaya nagtanong na ako sa dalawa.




"Ang tagal ni Farrah.. kumuha ba 'yon ng tubig?" Tanong ko kay Malia at Zeira.




"Oo sabi niya." Sagot ni Zeira. "Ang tagal nga niya.. saglit puntahan ko." Tumayo na rin siya para puntahan si Farrah. Nang kaming dalawa na lang ni Malia, may itinanong siya sa akin.




"Ayos lang naman sa amin, eh ikaw? Okay ba siya sa'yo?" Tanong ko sa kaniya. "Huwag mo ng sagutin, parang alam ko na ang sagot eh. Basta hindi mapa-" Naputol 'yong pag-uusap namin ng dumating si Zeira kasama si Farrah na galit na galit. "Oh ano nangyari diyan?" Tanong ko kay Zeira.




"Tangina 'non! Akala mo kung sino tangina niya!" Nagmumurang sabi ni Farrah. "Pareho lang kaming intern! Akala mo kung sino makaasta!"




"Sino ba kaaway niyan?" Tanong ni Malia kay Zeira.




"'Yong doctor na intern doon." Sagot ni Zeira. "Ano ba kasi nangyari?" Tanong niya kay Farrah. Hindi niya rin alam? Ibig sabihin dumating na siya doon na nakikipag-away na 'tong si Farrah.




"Mauuna na ako.. magha-half day ako." Padabog siyang tumayo at umalis. Nagulat pa kami nang makitang ang dumi ng palda niya. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao dito sa food court.




"Ano kayang nangyari doon?" Nagtatakang tanong ni Malia.




Natapos ang job training shift namin ng kaming tatlo lang, sinabi ko na hindi ako makakasabay ng uwi sa kanila ngayon dahil susunduin ako ni Liam kaya nauna na silang umalis sa akin.




"Love, are you okay?" Tanong ko sa kaniya. Parang ang lalim ng iniisip niya.




"H-huh? Yeah, yeah.. I'm okay, how's your day?" Tanong niya sa akin. Kinuwento ko lahat ng nangyari sa amin ngayon dahil pakiramdam ko ang dami-dami namin naging problema ngayong araw.





Pumunta muna kami sa bahay nila para doon na ako mag-dinner dahil nagluto daw ang mommy niya at hinahanap ako. Pagkapasok namin, nakita kong lumabas ang mommy niya galing kusina na may suot pang apron, hinubad niya muna iyon bago ako nilapitan.




"Amara, how are you?" She asked me with her soft voice and hugged me tightly. "It's been a months since you came here."




"I'm sorry, tita. Busy lang po sa school." Sagot ko sa kaniya habang yakap rin siya.




Tinanggal niya ang pagkakayakap sa akin bago nagtanong. "You're graduating, right?"




"Yes po, tita." Sabi ko




"Love, I just go to my room to change my shirt." Paalam sa akin ni Liam. Tumango ako sa kaniya bilang sagot bago nakipag-usap ulit.





"I really don't know why Liam wants to be a lawyer." She said. "I and his dad is in a business field.. so dapat business din ang kinuha niyang course, 'diba hija?"




"Hmm, okay lang po siguro na 'yong gusto niya po 'yong kinuha niya." Pagpapalubag-loob ko sa kaniya dahil parang hindi niya gusto na iyon ang kinuhang kurso ni Liam. "It's his dream naman po kaya hayaan lang po natin siya sa kung ano ang gusto niya."




"Pero dapat nag-business siya dahil siya ang magmamana ng business namin." Sabi pa niya. Pakiramdam ko nilalabas niya sa akin 'yong sama ng loob niya.. ang tagal naman ni Liam bumaba. Hindi ko na alam kung ano pa isasagot ko.




"A-ayos lang po siguro 'yon, tita. Iyon po 'yong pangarap niya at doon po siya masaya." Sagot ko sa kaniya. Hindi ko na alam kung ano pa sasabihin ko para lang makaiwas sa topic na 'yon. "Kaysa naman po nandoon siya sa isang bagay na hindi niya naman gusto at hindi siya masaya, tapos pipilitin niyang matapos 'yong kurso na 'yon ng wala man lang pagmamahal o passion na nararamdaman, masasayang lang din po 'yong pinag-aralan niya kasi hindi naman po talaga niya gusto 'yon."




Nakita kong parang nagulat at natulala siya sa sagot ko kaya bigla akong nailang.. baka may nasabi akong hindi dapat.




"Hmm.. may na-nasabi po ba ako na hindi dapat?" Nahihiyang tanong ko sa kaniya.




Ngumiti siya sa akin at nagsalita, "Hindi na ako magtataka kung bakit nagustuhan ka ng anak ko." Naguguluhan akong napatingin sa kaniya. "Anyway, let's eat? Pababa na rin 'yon si Liam."




Doon na ako nag-dinner sa bahay nila Liam bago umuwi. Anong oras na rin kasi natapos 'yong pagkukwentuhan namin ng mommy niya kaya late na niya ako maihahatid. Habang nasa biyahe kami, nakita kong may tumatawag sa cellphone niya kaya nagsalita ako.




"Love, may tumatawag sa'yo.. baka importante." Sabi ko sa kaniya na tutok na tutok sa pagmamaneho.




"Answer it." He replied.




Tiningnan ko muna 'yong caller id at napatitig ako ng matagal doon bago sinagot 'yong tawag. "Hello?" Bakit kaya tumatawag 'to kay Liam?





"Hello babe. Where are you?" Nagulat ako sa itinawag niya sa pangalan ni Liam. Babe? Hindi na ako makapagsalita kaya ibinigay ko na lang kay Liam 'yong phone. "Hinahanap ka." Hindi ko alam kung ano 'yong mararamdaman ko pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Ayaw kong pag-isipan siya ng kung ano-ano dahil sabi niya, friend lang sila.





"Yeah, yeah. I'll go there, see you. Bye." Narinig kong sabi niya. Nararamdaman kong sumusulyap siya sa akin pero nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan niya.




Kanina pa natapos 'yong pag-uusap nila pero hindi pa rin siya nagsasalita para sabihin man lang kung ano 'yong pinag-usapan nila pero.. kailangan ba malaman ko lahat ng gagawin niya? O baka nago-overthink lang ako kaya ganito? Ano ba?! Tangina! Sumasakit 'yong ulo ko sa kakaisip.. malapit na kami sa bahay pero hindi pa rin siya nagsasalita. Nakakainis!




Nag-park muna siya sa tapat ng bahay bago binasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. "You're so quiet, do we have a problem?" He asked.




"Hmm. Wala naman, inaantok lang ako." Sagot ko sa kaniya. Bullshit! Iniisip ko kung bakit babe tawag sa'yo noong babae na 'yon.




"Uhmm.. Love? I need to go to Dinah's dorm." He said with a soft voice. Sabi na eh! "We have urgent case study."




"Hmm o-okay, mag-iingat ka sa byahe. Text me when.. you get there." Sabi ko na lang sa kaniya. Makaka-hindi ba ako kung tungkol sa school 'yon? Napaka-immature ko naman kapag ginawa ko 'yon.





"Yes, I will." Sabi niya sa akin bago ako hinalikan sa noo. "I love you always.. you and no one else, okay?" Bulong niya sa akin bago ako hinalikan sa mga labi. "Just trust me."

x-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------x

The Bright City Lights (Fortune Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon