Chapter 4

19 1 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw at nag-start na ang klase namin. First day palang naman kaya puro introduce yourself lang sa lahat ng subject at ipapasa ang mga class cards.


"Finally! Uwian na. Nakakatamad kapag ganito." Sabi agad ni Zeira pagkatapos mag-ring ng bell. Maagang natapos ang klase namin dahil apat lang ang subjects na meron kami ngayon. Pang-gabi pa rin ang shift naming lima at sabay-sabay kaming umuuwi kahit magkakaibang way 'yong mga bahay namin.


"Tara kain muna tayo." Aya ni Morris. "Kanina pa ako nagugutom, hindi ako nakapag-lunch kanina eh."


"Sige, tara. Treat ko na." Sabi ni Zeira. Sa aming lima si Zei ang medyo may kaya... Medyo lang naman pero ewan ko kasi minsan short siya sa pera.


"Iyon naman pala! Tara tara! Diyan na lang tayo sa barbecue-han kumain." Sagot ni Farrah at nagkaniya-kaniya na kaming suot sa bag namin para lumabas ng school.


Sa may barbecue-han lang kami kumakain tutal kilala na rin naman kami dito sa dalas naming kumain. May mga pang-student meal kasi sila kaya mas pinipili talaga ng mga estudyante dito kumain lalo na kami.


"Amara, may sundo ka." Sambit ni Farrah. Hindi ko alam kung tanong ba 'yon o ano, hindi naman siya mukhang nagtatanong pero sinagot ko pa din.


"Wala ah, sino naman susundo sa akin?" Sagot ko sa kaniya.


"Hindi kita tinatanong, nagsasabi ako na may sundo ka pala." Pagtatama niya.


"Wala nga, huh? A-anong sabi mo?" Nagtatakang tumingin ako sa kaniya at nginuso niya sa akin ang kulay pulang sedan na kotse. Agad akong lumingon doon at nakita ko agad kung sino ang tinutukoy niya. "Tangina! Bakit... nandito yan? Atsaka p-paanong-?" Hindi ko pa natatapos 'yong kinakain ko, tumayo agad ako sa inuupuan ko para puntahan siya.


"Hey! Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko agad sa kaniya dahil nakababa naman ang window ng sasakyan niya. Sinilip ko pa kung may kasama siya pero wala.




"Sinusundo kita." Diretsong sagot niya sa akin. Ang laki pa ng pagkakangiti niya kaya napangiti din ako.


"Huh? Bakit?" Tanong ko ulit. Hindi maarok ng utak ko kung bakit ako susunduin ng kumag na 'to. "And how did you know na dito ang school ko?"


"Kay mama... mama mo. Galing ako sa bahay niyo kanina kaya nalaman ko." Sagot niya. Teka ano daw? Galing siya sa bahay?


"Wait lang." Tumakbo ako pabalik kila Farrah para kunin ang mga gamit ko at makapagpaalam din sa kanila na mauuna na akong umuwi. Narinig ko pa 'yong mga pinagsasasabi nila pero hindi ko na pinansin.


Pumasok agad ako sa sasakyan niya at sinuot ang seatbelt dahil pinagtitinginan na siya ng mga estudyante. Sa gwapo ba namang nito at naka-kotse pa... hindi ko naman na kailangan sabihin pa 'yong daan pauwi dahil ang sabi niya nanggaling na siya sa bahay namin.


"Have you eat?" Tanong niya sa akin habang nagmamaneho. Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil nakakadalawang kutsarang subo pa lang ako ng pagkain ko kanina nang dumating siya... Pero gutom na talaga ako.


"Hmm... h-hindi pa." Sagot ko sa kaniya, nakakahiya man pero gutom na talaga ako. Nagulat pa ako dahil bigla niyang niliko papunta sa malapit na drive-thru ng Starbucks 'yong sasakyan niya.


"What do you want?" Tanong niya sa akin.


"Kahit ano... k-kung ano na lang sa iyo, 'yon na lang din." Nahihiya kong sagot sa kaniya, hindi naman ako mapili sa pagkain. Kahit ano basta mabubusog ako.


Naghintay kami sa waiting area ng ilang minuto bago naibigay at nabayaran. Binigay niya muna sa akin lahat bago siya ulit nag-drive papunta sa lugar na wala masyadong dumadaan na sasakyan at tanaw na tanaw ang city lights.




Sabay kaming bumaba sa sasakyan... Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya pa ako ng pinto tulad ng ginawa niya noong hinatid niya ako sa bahay. Ipinatong namin ang mga pagkain sa ibabaw ng sasakyan niya at ipinagbukas niya ako ng latte na binili niya sa Starbucks.




"Thanks." Sabi ko pagkaabot niya ng latte. "Why here?" Tanong ko sa kaniya.




"Ayaw mo?" Balik tanong niya sa akin habang nakangiti. Palaging nakangiti 'to. "Mahilig ka sa city lights 'di ba?"




Nararamdaman 'kong nakatingin siya sa akin pero nang tingnan ko siya, nakatanaw na siya sa mga city lights. Totoo namang mahilig ako dito dahil kapag nakikita ko ang mga ito, namamangha ako sa ganda, ang sarap tingnan. Pakiramdam ko rin malayo ako sa lahat ng problema ko, gumagaan 'yong pakiramdam ko.. pero mas ginugusto ko na mag-isa lang akong tumatanaw dahil pakiramdam ko malaya ako. Pinili ko na lang manahimik habang umiinom ng latte, hanggang sa magsalita na naman siya.




"How's your first day?" Tanong niya sa akin habang nakasandal sa sasakyan at nakatanaw sa mga city lights.




"Okay lang, puro introduce yourself lang naman since first day pa lang." I replied. Nang tingnan ko siya, nakatanaw pa rin siya sa mga ilaw at nakangiti. "Ikaw? Kamusta.. ang law school?" Sa pagkakaalala ko nag-start na din klase niya sa law school.




"Good. Medyo busy... but that's okay, for my dream." Sagot niya. Nagulat ako ng magtama ang tingin namin.. nakatitig kasi ako sa kaniya at masasabi kong ang ganda ng side view nito. Thick eyebrows, long lashes, pointed nose and his lips.. his lips.. ang sarap halikan. Pota! Ano ba 'tong iniisip ko. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at tumanaw na lang ulit sa city lights.




Matagal namutawi ang katahimikan sa amin, pareho lang kami nakatanaw sa mga city lights. Aaminin kong sa tanang buhay ko, siya pa lang ang una 'kong nakasama kapag ganitong gusto kong mapag-isa at nakatanaw lang sa siyudad. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na mahilig ako sa ganitong view pero okay na rin dahil dinala niya ako dito. Napatalon ako sa gulat ng magsalita siya.




"Can I ask you something... personal?" Tanong niya sa akin.




"Oo naman, ano bang itatanong mo?" Tanong ko rin sa kaniya.




"Have you ever had a boyfriend?" Halos maibuga ko pa 'yong iniinom ko dahil sa diretsong tanong niya sa akin.




"B-bakit mo naman natanong?" Tanong ko ulit sa kaniya. Hindi ko masagot 'yong tanong niya.





"Hmm, I just want to know." Sagot niya.



"W-wala pa." Wala pa naman talaga akong nagiging boyfriend dahil ayaw ko. Gusto kong mag-focus sa school at iniisip ko palagi 'yong promise ko kina mama. May mga nakaka-fling ako pero in serious relationship? Wala pa talaga sa isip ko.




Nakita kong napangiti siya pero hinayaan ko na lang. Tumanaw lang kami pareho sa mga city lights habang inuubos ang pagkain na binili niya. Matagal bago ulit siya nagsalita.





"Let's go, it's already late. Baka mapagalitan ako ng papa mo." Nakangiting sabi niya sa akin at binuksan na ang pinto para makasakay ako.

x-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------x

The Bright City Lights (Fortune Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon