"Hmm-mm. Nakikita kong may kausap siyang babae at naiinis ako but... do I need to know her?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya habang sumisimsim ng alak.
Seryoso siyang nakatingin sa akin na parang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko. "Wala siyang nababanggit sa'yo?" Tanong niya ulit sa akin kaya umiling ako. "What the heck?! She is the fuckin' ex-girlfriend."
Muntik ko ng maibuga sa kaniya 'yong iniinom kong alak sa sobrang gulat. A-ano daw? Ex? Bakit magkasama sila? Na-blangko ata pag-iisip ko at paulit-ulit kong naririnig sa utak ko ang salitang 'ex'.
"P-paano mo naman nasabi 'yan? Saka p-paano mo nalaman?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.
"Naalala mo noong unang beses kang hinatid ni Liam?" Tumango ako. "Nabanggit ni Kalev 'yong Dinah na 'yan na ganoon din siya dati noong sila pa. Kilala mo naman ako, tinitingnan ko muna 'yong mukha bago maniwala dahil mamaya nasa harap ko na pala 'yong ahas, eh 'di natuklaw na ako."
Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko... galit, selos, pagdududa, lahat na. Niloloko niya ba ako? Bakit hindi siya nagrereply sa akin? Bakit magkasama sila kung ex niya na 'yon? Ano 'yon? May feelings pa siya doon? Ano ako? Sasabog na 'yong isip ko sa mga tanong na wala naman akong makuhang sagot. Hindi ko namalayan na sa bote ng alak na ako umiinom sa lalim ng iniisip ko at natigil lang 'yon ng may kumuha sa iniinom ko.
"Problema mo?" Tanong sa akin ni Morris habang nagsasalin ng alak sa baso niya. "We're here to celebrate, hindi para magpaka-wasted diyan."
Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko, nagseselos ako tangina! Sinalinan ni Morris ng alak 'yong baso ko bago ako tinanong ulit. "Problema?"
Nakayuko lang ako habang nakatingin sa baso na may laman na alak. Hindi ko na siya sinasagot at uminom na lang ng uminom ng alak hanggang sa tamaan na ako nito. Panay sayaw ko na sa dance floor at kung sinu-sino na rin kinakausap ko kahit hindi ko naman ka-close. Habang sumasayaw ako sa harap ng lalaking hindi ko naman kilala, nagulat ako ng biglang may humatak sa baywang ko at nilayo doon. Alam kong siya 'yon dahil naamoy ko ang pabango niya.
"Let's go home, Love." Bulong niya sa akin. Nanghina ako ng marinig ko ang boses niya at maamoy ang hininga niya na may halong alak.
"No, I am not g-"
"Hey dude! What is your problem?" Sabat n'ong lalaking kasayawan ko kanina. "Can't you see? I'm with her!"
"Yeah, I saw but... You. Are. Touching. My. Property!" I saw his glaring eyes. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon. Napalingon ako ng may tumawag sa kaniya.
"Colm, let's go." A woman said. Sa pagkakaalala ko, siya 'yong kausap kanina ni Liam... siya 'yong Dinah? She has a beautiful face, tall, sexy and her voice... it's so melodious. Tapos ako ito lang? Naka-jeans, naka-sapatos, tapos 'yong boses ko... mukhang palaging nanghahamon ng away.
Tumingin ako kay Liam at bumulong, "I. Am. Not. Your. Property." Mariin kong sabi sa kaniya. Tinatanggal ko ang pagkakahawak niya sa baywang ko pero lalo niyang hinihigpitan.
"Malcolm!" Tawag sa kaniya no'ng Dinah. "Let's go."
"Go back there, Dinah. I'm just going to bring home this hard headed woman." He said to Dinah. She take a look at me from top to toe before getting leave. Napatingin din tuloy ako sa sarili ko, dapat ba nag-sexy dress at heels din ako?
"Let me go!" Bulong ko sa kaniya habang pilit na tinatanggal ang mga braso niyang nakapulupot sa baywang ko. Napasigaw ako ng bigla niya akong buhatin at pinalo ang puwetan ko. Malapit ang mukha ko sa likuran niya at ang mukha niya ay malapit sa puwetan ko. "Ibaba mo ako!"
Dire-diretso lang siyang naglakad palabas ng bar, walang pakialam sa mga nakatingin sa amin. Nakita ko pa si Farrah at Morris na nakatingin sa amin, nagmamakaawa akong tumingin sa kanila pero nginisan lang nila ako. Hinahampas ko si Liam sa likod para ibaba niya pero hindi niya ginawa. Binaba niya lang ako ng nasa labas na kami at katapat na ang sasakyan niya.
"Get in the car." Utos niya sa akin.
"No! Ayaw ko." Akmang maglalakad na ako pabalik sa loob ng bar ng magsalita ulit siya.
"Don't you dare, Amara!" Mariing sabi niya sa akin. "Get in the car, now!"
"Sinabing ayaw ko! Don't you understand?" Matigas kong sabi. Tinalikuran ko siya, naglalakad na pabalik sa loob ng bar nang bigla kong marinig ang malakas na paghampas niya sa kotse.
"Just get in the car, Amara!" Malakas at mariin niyang sabi. "Now!"
"Fuck. You!" Mariin kong sabi bago naglakad pabalik sa kaniya at padabog na pumasok ng sasakyan.
Pumasok muna siya sa loob ng sasakyan bago nagsalita. "Okay, if that's what you want." Saka pinaandar ng mabilis ang kotse.
Pumasok kami sa isang street na malapit lang sa bar, nang tingnan ko puro condominium ang nasa paligid. Nabanggit niya sa akin na may condo siya near here in Manila pero hindi siya dito madalas umuwi. Sumakay kami ng elevator papuntang 9th floor dahil doon ang floor ng unit niya.
Dumiretso siya sa kusina para kumuha ng bottled water. "Drink this." Inabot niya sa akin 'yon. Nagulat siya ng pahablot ko 'yong kinuha sa kamay niya.
"Do we have a problem, Love?" Tanong niya sa akin. Binuksan ko ang tubig at uminom, hindi siya pinansin. "I think, we have. Hindi ka naman makikipagsayawan doon kung wala. Tell me, what is it?" Tanong niya sa akin habang nakatayo sa harap ko at nakapameywang. Nilagpasan ko lang siya at naglakad papuntang sala para maupo dahil nahihilo na ako.
"Tell me, what is our problem, Love?" Tanong niya sa akin habang nakasunod papuntang sala. Hindi ko pa rin siya pinapansin. "Kung ganiyan ka ng ganiyan, paano natin maayos 'to? Ano ba? Hindi ako nakareply? I'm really sorry, Love... I'm on the debate that time, kaya hindi kita nareplyan. Iyon ba? I'm really really sorry." Malumanay niyang sabi sa akin.
"Apology accepted but, who is Dinah?" Walang emosyon kong tanong sa kaniya.
"A friend of mine." Diretsong sagot niya.
"A friend? Just a friend?" Tanong ko ulit sa kaniya. Tumango siya. "You're lying."
"I'm not! She's just my friend." He said.
"Okay, then. Uuwi na ako, kaya ko pa namang mag-commu-"
"No, you're staying here." Putol niya sa sasabihin ko. "Why are you acting like that? Are you mad?" Tanong niya sa akin.
"No, I'm not!" Halos pasigaw na sagot ko. "Why would I get mad?" Tanong ko sa kaniya. "Dahil ba nakita kitang may kasamang ibang babae sa bar pero hindi mo magawang magreply sa akin? I understand, nasa debate ka that time as you've said. But, I know there's something you're not telling me." At nasasaktan ako doon, ganoon ba kahirap sabihin sa akin na 'ex' mo 'yong babaeng 'yon?
"Love, she's just only my friend. You don't need to get jealous, okay?" Sabi niya sa akin at lumapit para mayakap ako. "I love you... always remember that." I couldn't answer because deep inside, I was hurt because he didn't tell me. Is it really hard to say the truth to me?
x-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------x
BINABASA MO ANG
The Bright City Lights (Fortune Series #1)
RomanceFortune Series #1 Malcolm Liam, a legal management fresh graduate continuing his study on law school to pursue his dream as a lawyer falls inlove at first sight to a simple but vicious woman named Amara.