Chapter 3

24 1 0
                                    

"Bilisan mo maglakad." Pagmamadali ko sa kaniya, madadaanan kasi muna namin 'yong lalaking iyon bago makarating sa Registrar.


"Tangina! Akala ko ba wala kang pakialam? Bakit parang takot na takot ka diyan?" Pang-aasar niya sa akin. Huminto pa siya malapit doon kaya mas lalo akong kinabahan, baka mamaya makita niya kami. Shit!


"H-hindi naman sa takot, ayaw ko lang siya makausap o ano. Hindi ko nga alam pinag-gagagawa ko kagabi sa kalasingan 'di ba?" Sagot ko sa kaniya. "Sige na, bilisan mo na at huwag ka huminto diyan."


"Oo na! Oo na, bilisan mo na din diyan at huwag mo na siyang titigan. Alam ko namang gwapo 'yan." Hindi ko naman tinititigan eh. Sadyang napapatingin lang ako dahil baka mamukhaan niya ako. Hinila ako ni Farrah sa braso at naglakad na paalis doon.


Nakarating kami sa pila ng hingal na hingal at tumatagaktak ang pawis. Inabot ko agad yung mga pagkain nila, burgers at soda in can lang naman binili namin ni Farrah para madaling kainin dahil nga sa nakapila pa kami.


"Bakit nagmukhang haggard kayo diyan?" Tanong sa amin ni Morris pagkaabot ko ng pagkain niya.


Sasagot na sana si Farrah pero inunahan ko, mag-iingay na naman kasi itong mga 'to kapag nalaman nilang nandito 'yong lalaking nasa bar kagabi. "Mainit kasi sa labas, saka mahaba din 'yong pila doon. 'Di ba Farrah?" Nagmamakaawang tumingin ako sa kaniya. Sana makuha siya sa tingin ko.


Natatawa naman siyang sumagot, "Ah, oo. Kayo kaya bumili!" Pabiro niyang sagot kina Morris. Nginitian ko siya bilang pasasalamat dahil hindi niya sinabi sa mga babaeng 'to.


Mabilis lumipas ang oras at hapon na nang matapos kami sa enrollment. One week kasi ang nilalaan ng school for enrollment dahil sa mga late enrollees, transferees o 'yong mga estudyanteng gustong mag-shift. Simula Monday pa ang enrollment pero dahil may mga kulang pa kami at kailangan magpa-clearance, ngayong Wednesday kami nagkasundo na magpa-enroll.


"Hanggang Friday pa enrollment, saan tayo?" Tanong ni Zeira. Sa aming lima, siya ang gustong gusto palaging gumagala.


"Kahit saan, yung malayo naman dito." Malia replied. "Para maiba naman at saka 'yong walang nakakakilala sa akin."


"Eto talaga parang laging may tinataguan pero sige! Parang gusto ko din 'yan... Morris, ikaw? Sasama ka ba?" Tanong ni Zeira kay Morris.


"Sasama syempre, kahit saan naman basta kasama ko kayo." Nakangiting sagot niya,


Napagkasunduan namin na pumunta sa Quezon dahil may kaibigan 'daw' itong si Farrah na taga-doon at nagyaya din ng makakasama. Inuman na naman yata! Mukhang yayamanin itong kaibigan ni Farrah dahil nagtricycle kami papasok ng subdivision at puro malalaki ang mga bahay na nandito.


"Farrah malayo pa ba?" Tanong ko sa kaniya. Ang dami na naming nadaanan na bahay pero hindi pa rin kami bumaba ng tricycle.


"Malapit na, nakikita mo 'yong bahay na 'yon?" Turo niya sa malaki at magarang bahay.


"Oh? Nakikita ko." I replied habang tinatanaw 'yon.


"Hindi pa 'yon." Sagot niya sabay tawa dahil sa reaksyon ko. Gago talaga eh!


"Tangina mo!" I glared her. "Nagtatanong ng maayos eh! Para kang gago!"


"Chill ka lang diyan. Parang gusto mo na umuwi eh, hindi pa nga tayo nakakarating." Sagot niya sa akin habang tumatawa. "Manong, diyan na lang po sa tabi." Sabi niya sa tricycle driver, finally! Pinahinto niya ito sa malaki at magara rin bahay, malaki 'yong gate pero doon kami sa may isang gate pumunta para mag-door bell.


The Bright City Lights (Fortune Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon