Chapter 1

53 2 0
                                    

"Isang taon na lang gagraduate na tayo! Sa wakas!" Sigaw ni Zeira dahil sa sobrang ingay, hindi kami magkarinigan. Nandito kami sa favorite spot namin at pang-tanggal stress na rin dahil sa sobrang busy sa school.


"Isang taon pa Zei! Kung makasigaw ka naman diyan, akala mo graduate ka na talaga eh. Di pa sure 'yon, huwag kang mag-feeling diyan!" Basag agad ni Farrah sa kaniya. Sa aming lima, si Farrah ang straight to the point kung magsalita.


"Eto naman! Napakapangit mo talaga ka-bonding, hindi ba pwedeng magsaya ka na lang din?!" Nakasimangot na sagot ni Zeira sa kaniya. Itong dalawa talaga, walang araw na hindi nagtatalo.


"Nasaan na ba yung dalawa? Palagi na lang late 'yong mga 'yon." Tanong ko sa kanila para hindi na lumala 'yong pagtatalo nila. Mamaya hindi na naman sila mag-usap ng isang buwan dahil sa pagkakaalam ko, ang huling pinag-awayan nila ay 'yong naging boyfriend ni Zeira na halos ayaw na siya ipahiram sa amin sa sobrang obsessed sa kaniya.


"Malamang si Malia lang ang matagal sa kanilang dalawa ni Morris no." Sagot ni Zeira habang tumitingin sa menu ng mga alak.


"Palagi naman... anong o-orderin?" Tanong ko sa kanila. "Baka padating na rin 'yong dalawang 'yon."


"Two buckets mo nalang Mara, ayaw ko mag-hard drinks ngayon." Request naman ni Farrah. "Huwag ka ng pumili diyan, magbi-beer lang tayo ngayon." Kuha niya sa menu na hawak ni Zeira.


"Sige, ayaw ko din eh. Pulutan?" Tanong ko ulit sa kanilang dalawa, patayo na sa couch na inuupuan. Yes! Naka-VIP kami dahil ito ang kinuha ni Zeira para makahanap 'daw' agad ng mga gwapo. Siya lang naman mahilig sa gan'on.


"Sisig at nachos mo na lang, gusto 'yon ni Malia." Sagot naman sa akin ni Zeira habang umiikot na ang mga mata sa kakatingin sa mga lalaki o siguro naghahanap na nang makaka-fling. Jusko!


Agad akong pumunta sa bar counter para umorder. Beer lang naman kami palagi kapag stress-reliever o kung gusto lang namin mag-chill, pero minsan hindi talaga chill ang nangyayari. Yawa!


"Excuse me, may package po ba kayo for beer bucket?" Tanong ko sa bartender.



"Meron po ma'am." Sagot ng bartender.



"Two buckets, please. Bali dalawang sisig, right?" Tanong ko sa kaniya kaya tumango siya. Sakto ayon ang gusto nila. "Okay, additional nachos na rin. Thanks!"


Pagkatapos kong sabihin sa bartender, dumiretso agad ako sa smoking area na siyang nakagawian ko na. Palaging maraming tao dito kaya naghahanap ako ng lugar na wala masyadong tao. Doon ako sa may gilid malapit sa may railings pumepwesto para kita ko yung view ng city, dahil mas nare-relax ako doon. Nang makita ko ang paborito kong pwesto, nagsindi agad ako ng sigarilyo ko, at nakakaisang hithit pa lang ako ng maramdaman kong may tumabi sa akin.


"Hey miss, can I borrow your lighter?" Tanong ng lalaking bigla nalang sumulpot sa tabi ko.


Tumango ako sa kaniya bago inabot 'yong lighter ng hindi tumitingin, hindi ko naman kasi ugaling tumingin sa mukha o tingnan kung sino 'yong mga nanghihiram sa akin ng lighter. Naka-focus lang ako sa pagyoyosi ko habang nakatingin sa mga naggagandahang city lights.


"Here, thanks!" Tinanguan ko lang siya ulit. "Ikaw lang mag-isa?" Tanong niya.


Akala ko aalis din agad siya dahil madalas iyon ang gawain ng mga nanghihiram sa akin ng lighter... mukhang gusto pa yata makipag-usap sa akin. Hindi ako sociable na tao pero kapag nagtatanong naman sila, sinasagot ko rin. Casual talk lang.


The Bright City Lights (Fortune Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon