Chapter 13

11 0 0
                                    

"Saang department kayo?" Tanong ni Zeira. "OPD ako, kayo?"






Nandito kami ngayon sa food court ng ospital sa may 8th floor. Sabay-sabay kaming nag-lunch kahit magkakaiba kami ng department dahil hindi pwede na nasa iisang department lang kami. Sa Nursing Services Department ako na-assigned, bagsakan ng mga health records ng mga pasyente para i-encode at i-send directly to the Department of Health.





"MRD" Sagot ni Farrah.





"ER" Sagot ni Morris.





"Nursing Dept. ako." Sagot ko naman. Lahat kami napatingin kay Malia dahil ang tagal niyang sumagot. "Lia, ikaw?"





"Ha?" Nagtatakang tanong niya.




"Saang dept. ka?" Tanong ko.




"Ahh.. sa OB.. Gyne" Sagot niya habang malalim ang iniisp.




Kung ano-ano pa pinag-uusapan namin simula kanina hanggang dito sa elevator kaya nang mapansin kong tahimik at malalim na naman ang iniisip ni Malia, nilapitan ko siya.




"Lia, may problema ba?" Tanong ko sa kaniya. "Parang ang lalim ng iniisip mo kanina pa, wala ka sa sarili."





"Ha? Wala naman.. may naalala lang ako." Sagot niya sa akin.








"Magsabi ka kung may problema ha? Baka may maitulong kami sa'yo." Tinanguan niya ako bago lumabas ng elevator dahil floor na ng department niya.








"Amara, marami na pala kaming mga patients form doon sa table ko. Kunin mo na kaya para hindi ka matambakan ng gawain." Sabi sa akin ni Morris kaya sumama ako papunta sa office niya para kuhanin lahat ng forms.








Hanggang hapon lang naman ang pasok namin kaya nagkayayaan kaming tumambay muna sa malapit na park. Bumili kami ng pagkain at umupo sa damuhan habang tinatanaw iyong fountain na nasa harapan namin.





"Itong semester na lang tatapusin natin tapos graduation na, anong plano niyo pagkatapos?" Tanong ko sa kanila habang kumakain.








"Magta-trabaho agad ako.. ayaw ko na umasa sa parents ko." Sagot ni Zeira habang kumakain ng chichirya.








"Ganoon din ang gagawin ako." Sabi ko. "Kayong tatlo?"








"Baka hindi muna ako." Sagot ni Malia. "Ahm.. pahinga muna siguro?" Patanong 'yon, siguro hindi pa rin siya sigurado. Ganoon naman talaga kapag patapos ka na ng pag-aaral, hindi mo na alam kung anong next step na gagawin mo.. hindi tulad kapag nag-aaral ka alam mo kung anong year ka na next mag-eenroll.





"Ako.. hindi ko pa alam eh." Sagot ni Morris. "Ay! Sandali lang ha?" Nagulat pa siya ng may tumawag sa kaniya. Naglalakad palayo sa amin habang may kausap na sa telepono.





Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga plano namin pagkatapos ng graduation habang hinihintay naming lumubog ang araw. Si Malia at Zeira may sarili ng mundo, lalaki ata pinag-uusapan samantalang lumapit naman ng upo sa akin si Farrah.





"Kamusta kayo ni Liam?" Tanong niya. "Sinabi ba niya sa'yo? Ayon sana tatanungin ko sa'yo noong nasa bahay tayo nila Zei, nawala lang sa isip ko."





Umiling ako. "Hindi.. kaibigan lang daw niya." Sagot ko sa kaniya.




"Naku, naku! Lahat naman sa kaibigan nag-umpisa but the different is... ex na niya 'yon." Sabi niya sa akin. "Okay ka lang?! Kung ako 'yan-"





"Hindi ako ikaw, Farrah." Putol ko sa sasabihin niya. "Saka mukhang wala na lang naman sa kaniya 'yong babae na 'yon, pinaparamdam niya rin sa akin na wala akong dapat ipagselos doon kaya okay na 'yon." Sabi ko sa kaniya. May sasabihin pa sana siya ng biglang dumating si Morris na nagmamadali.




"Una na ako sa inyo.. uhm.. may emergency sa bahay." Parang naluluha pa siyang nagpaalam sa amin at kinuha na ang bag. Nagkatinginan kaming apat dahil ang bilis niyang nawala sa paningin namin.




Napagpasyahan na lang din naming umuwi dahil baka gabihin pa kami lalo. Pagkarating ko sa bahay, naabutan ko si papa na nasa sala, hinihintay na naman ako.




"Pa, bakit gising ka pa? Sabi ko huwag mo na akong hintayin eh." Sabi ko sa kaniya habang kumukuha ng tubig.




"Kumain ka na ba?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya bilang sagot dahil umiinom pa ako ng tubig.




"Pwede ba tayong mag-usap, anak?" Tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung patanong ba 'yon o ano.. kinakabahan ako kapag ganitong gusto niyang makipag-usap sa akin.




"O-opo naman Pa, ano po bang pag-uusapan natin?" Tanong ko at uminom ulit.




"Kayo na ni Liam, 'di ba?" Halos nabuga ko lahat ng tubig na iniinom ko, may mga lumabas pa sa ilong ko habang umuubo. Hindi ko nga pala nasabi sa kanila, ang alam pa rin nila ay nanliligaw sa akin si Liam.




"Ahm.. a-ano pong.. s-sabi mo?" Mautal-utal kong tanong.. panay ubo pa rin ako at parang hindi na ako makahinga sa gulat at kaba.




"Boyfriend mo si Liam, 'di ba?" Diretsong tanong niya.




"Ahmm.. Pa.. Papa.. a-ano k-kasi ahm.."
Hindi ko masabi dahil kinakabahan ako.. magagalit ba siya kapag sinabi ko o okay lang sa kaniya.. hindi ko alam. Hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil natataranta ako kung ano magandang sabihin.. 'yong hindi siya magagalit.




"Ayos lang naman anak, hindi ka na bata para pagsabihan pa." Paglilitanya niya sa akin. "Alam mo naman na ang tama sa mali. Huwag kang gagawa ng isang bagay na pagsisisihan mo sa huli."




"Opo Papa, huwag ka pong mag-alala. Tutuparin ko po promise ko sa inyo ni mama, malapit na po 'yon saka pag-aaralin ko pa po mga kapatid ko." Nangangakong sabi ko sa kaniya. Malapit na akong gumraduate at isa 'yon sa pangako ko sa kanila, ayaw kong masira 'yong tiwala nila.




"Anak, sasabihin ko lang sa'yo.. hindi masama ang magmahal pero sana huwag mong ibubuhos lahat. Magtitira ka pa rin dapat sa sarili mo.. mahal kita at ayaw kong nakikitang nasasaktan ka." Sabi niya sa akin.




Tumango na lang ako sa kaniya at nagpaalam na aakyat na ako sa kwarto ko para makapagpahinga, hindi naman niya ako pinigilan. Habang naglilinis ako ng katawan, iniisip ko lahat ng mga sinabi ni papa. Paano pa ako magtitira sa sarili ko kung naibigay ko na kay Liam ang buong sarili ko? May tiwala ako sa kaniya na hindi niya gagawin 'yong mga bagay na ikakasira ng relasyon namin. Sana nga lang!

x-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------x

The Bright City Lights (Fortune Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon