Chapter 7

20 1 0
                                    

Mabilis lumipas ang oras kaya kailangan na naming umalis ni Liam dahil may pasok pa ako sa school. Malayo pa ang pang-gagalingan namin dahil sa QC pala ako dinala nitong si Liam dahil doon siya nakatira.




"Mabuti tinulungan mo ako kanina sa pagkain... ang daming nailagay ng mommy mo." Sabi ko kay Liam na nakatingin sa kalsada dahil nagmamaneho. "Mabait naman pala siya, akala ko... terror eh."




"Mom is good when she likes the person." He said. "By the way, baka hindi kita masundo mamaya... we have group case study at my classmate's dorm."




"Okay lang, hindi mo naman ako kailangan... sunduin palagi." Nahihiya kong sagot sa kaniya. Hindi naman kasi kailangan, siya lang itong nag-i-insist na sunduin ako palagi.




"Because I want to make sure you get home safely." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ang paningin namin. Those eyes... why do it look so good. Simple kong hinawakan ang dibdib ko para kumalma at tumingin na lang sa labas para mawala kahit papaano 'yong kaba ko.. hindi ko alam kung kaba pa ba 'to.




Mabilis lang ang naging biyahe namin dahil wala naman masyadong traffic kaya nakarating kami agad sa school. Habang nagpa-park siya tapat ng school, inaalis ko na naman ang seatbelt ko kaya nagulat pa ko ng magsalita siya.




"Where's your phone?" Tanong niya sa akin.




"Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. "Anong gagawin mo?" Inaabot ko na sa kaniya 'yong cellphone ko.




Nakita kong nag-dial siya ng unregistered number at tinawagan 'yon. Nagulat ako ng tumunong ang cellphone niya. What the heck?!




"That's my number, save it... I'll text you later." Binalik na niya sa akin 'yong cellphone ko at sinabing i-save ko muna 'yong number niya bago ako bumaba ng sasakyan.




"Na-save ko na." Sinuot ko na 'yong bag ko sa balikat ko habang binubuksan na ang pinto at akmang bababa na ako ng maramdaman kong pinigilan niya ako sa braso ko.




Nagulat ako ng halikan niya ako sa noo, "Take care, wala ako mamaya." Hindi ako makagalaw sa gulat. Bumalik lang ang diwa ko ng magsalita pa siya, "Sige na, you'll be late na. Magreply ka sa text ko ha?"




Tumango lang ako at nagmamadaling bumaba ng sasakyan. "Hindi ako ready d'on ah?" Bulong ko sa sarili habang naglakad papasok ng school. Hindi ko na siya tiningnan at dire-diretso na lang akong pumasok sa school. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko to the point na hindi na ako makahinga at rinig na rinig ko pa 'yong tibok nito.




Pagkapasok ko sa entrance ng school, may nakabangga pa akong babae sa sobrang pagmamadali ko. Nang tingnan ko, si Malia... bakit parang wala siyang tulog?




"Uy, ikaw pala yan." Pagbati ko sa kaniya pero parang wala siya sa sarili niya. "Ayos ka lang ba?"




"A-amara, ikaw pala 'yan. Sorry, hindi kita napansin." Natataranta niyang sabi. Hindi rin siya makatingin ng diretso sa akin




"Okay lang... teka! Umiyak ka ba?" Hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi at pinilit pinaharap sa akin dahil iniiwas niya. Parang wala siyang tulog at namamaga pa 'yong mga mata niya.




Iniwas niya ulit ang mukha niya sa akin, "H-hindi ako umiyak, puyat lang. Tara na sa loob baka ma-late pa tayo." Nauna na siyang naglakad sa akin kaya sumunod na lang ako.




Mabilis lumipas ang mga araw at buwan nang hindi namin namalayan na final exam na sa sobrang busy. Madaming kailangang tapusin at ipasa na mga projects, thesis, presentations, defense at kung ano ano pa na hindi na namin alam kung anong uunahin... lalo na ang pinaghahandaang final exam dahil doon magkakaalaman kung pasado ka o hindi dahil next semester ay on-the-job training na lang ang aasikasuhin para maka-graduate, pero on medical field naman.




"Mara, wala kang sundo?" Tanong sa akin ni Farrah. Nasanay na silang may sumusundo sa akin palagi kaya nagtataka sila ngayon dahil wala si Liam.




"Wala, busy si Liam... may case study daw eh." Sagot ko. Bihira na lang din kami magkita dahil pareho kaming busy sa school. Ako na graduating tapos siya sa law school kaya naiintndihan ko, palagi naman siyang nagtetext sa akin.






"Kayo na ba?" Diretsong tanong niya sa akin. Hindi ako nakaimik dahil hindi pa naman kami officially. "Huwag mo na sagutin, alam ko na."






Nang sumunod na araw, nagpasa lang kami ng mga projects sa school kaya maaga ang uwian namin. Hindi ko naman akalain na susunduin ako ni Liam kaya nagpaalam ako agad kina Farrah na hindi ako makakasama sa lakad namin ngayon.





"Ikaw! Nagka-lovelife ka lang hindi ka na sumasama sa amin." Pagda-drama ni Zeira sa akin.




"Anong hindi?" Nakapameywang kong tanong sa kaniya. Ilang araw na nga kaming sunod-sunod gumagala eh. "Almost 2 weeks na ata tayong umaalis Zei."





"2 weeks is not enough, girl." Nagtatampong sabi niya sa akin. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to.




"Sige na, aalis na ako. Mag-iingat kayo sa pag-uwi ha?" Natatawang sabi ko sa kanila. Isa isa ko silang niyakap at hinalikan sa tuktok ng ulo nila.





Hindi na ako nagtagal pa dahil naghihintay na si Liam sa baba. Paglabas ko ng school, nakita ko agad siya na nakasandal sa sasakyan. Tinakbo ko agad ang pagitan namin para makalapit sa kaniya at sinalubong niya ako ng yakap bago humalik sa noo ko.




"How are you? Hindi ka busy ngayon?" Tanong ko sa kaniya habang nakayap pa, alam kong masyadong PDA pero wala na akong pakialam. Ngayon na lang ulit kami nagkita.




"Nope, I finished everything yesterday." Sagot niya. Humalik pa ulit siya sa noo ko bago ako binitawan at pinapasok sa sasakyan niya.





Habang nasa biyahe, nagkuwentuhan lang kami tungkol sa mga nangyari sa mga araw namin na hindi kami nagkita, kung anong mga ginawa namin o kung saan kami pumunta. Nahinto lang ang pag-uusap namin ng bumili siya ng pagkain sa drive-thru ng Starbucks na palagi naming ginagawa tuwing nagkikita kami.




Bumaba kami sa sasakyan ng marating na namin ang destinasyon na pupuntahan namin... 'yong lugar kung saan niya ako unang dinala para lang matanaw ang magagandang mga ilaw ng siyudad. Dito kami palagi pumupunta sa tuwing magkikita kami, magkukwentuhan o kahit kakain lang... sobrang special na sa akin ang lugar na ito.




Inabot niya sa akin ang drink at sandwich na binili niya kanina. Binuksan niya din ang sa kaniya at sabay kaming kumain. Minsan kahit ganito lang palagi ang sitwasyon namin o kahit walang nagsasalita sa amin basta magkasama kami, ayos lang... masaya na rin ako. Masaya dahil kahit papaano, hindi niya ako nakakalimutan. He always makes time for me even though he is too busy at school.




"Love, come here." Tawag niya sa akin. Sanay na ako sa ganoong tawag niya sa akin.




Lumapit ako sa kaniya dahil medyo may distansya sa pagitan namin. Naramdaman kong nilagay niya 'yong braso niya sa balikat ko. Sanay na ako sa kaniya, sanay na ako na lagi siyang nakaakbay, nakahawak sa kamay ko o kahit nakayakap pa... as in sobrang kumportable na sa dalas naming magkasama.




"Did I say I love you to you today?" Tanong niya sa akin. Sanay na rin akong palagi siyang nagsasabi sa akin ng ganiyan.




Umiling ako.




"I love you." Sabi niya sa akin. Napangiti ako dahil doon ko lang maitatago 'yong kilig na nararamdaman ko sa tuwing sinasabi niya sa akin ang tatlong salita na 'yan.




"Liam... I want to make this official." Bulong ko sa kaniya. Natawa ako ng makita ko ang reaksyon niya.

x-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------x

The Bright City Lights (Fortune Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon