Chapter 11

21 0 0
                                    

"Shit ka!" Sabi sa akin ni Zeira pagpasok ko sa room. "Saan ka natulog kagabi? Alam mo ba kung ano-ano inimbento ko sa papa mo para lang pagtakpan ka?"






"Thank you, Zei." Walang ganang sagot ko. Masakit pa rin ang ibabang parte ko dahil sa nangyari sa amin ni Liam. "Kasama ko si Liam."





"Magkasama kayo? P-paano?" Nagtatakang tanong niya. "Hindi ko siya nakita kagabi."




"Paano mo makikita kung lasing na lasing ka na at nakikipagsawayan doon?" Walang emosyon kong tanong pabalik sa kaniya. Kung anu-ano pa mga tinanong niya sa akin pero hindi ko na siya sinagot dahil bigla rin dumating ang dean namin para mag-announce.




"Good afternoon everyone." Bati niya sa amin. "Since all of you passed the speech defense, you can rest na." Nagsigawan ang buong section namin. "I'm not done yet... just wait for the second semester enrollment, so you can find a hospital for your on-the-job training. Understand?" Lahat kami sumagot ng 'yes'. Pabor 'yon sa amin dahil wala naman na masyadong ginagawa sa school. "Okay, you can go home na."





Tinext ko si Liam na maaga ang uwian namin.




To: My Love
Love maaga uwian namin today, end na rin ng first sem namin. I love you.




From: My Love
Good. Let's go home na, I'm waiting for you down here. I love you.



Nagulat ako sa reply niya dahil hindi ko naman inaasahan na susunduin niya ako, kaya napasilip ako sa bintana at nandoon nga siya naghihintay habang nakasandal sa sasakyan.





"Tara! Baba na tayo." Aya ko sa kanila. "Nandiyan si Liam sa baba."




"Hoy! Nag-oo ka na magmo-movie marathon tayo sa bahay." Malakas na sabi sa akin ni Zeira.




"Oo, alam ko. Tara na." Sabi ko sa kaniya at sinukbit na ang bag sa balikat para makababa na, sumunod naman sila sa akin.




"Akala ko may case kang aaralin? Tapos na?" Tanong ko agad kay Liam paglapit ko sa kaniya.



"Yeah, I just want to see you." Sagot niya sa akin habang yakap ako. "Hi girls!" Bati niya kila Zeira.




"Hmm, Love." Tawag ko sa kaniya bago siya pumasok ng sasakyan kaya napahinto muna. "P-pupunta kasi kami sa bahay ni Zei. So, hindi muna ako magpapahatid sayo pauwi." Nahihiya kong sabi sa kaniya. Hindi ko naman kasi in-expect na susunduin niya ako.




"Gano'n ba? It's okay. Hatid ko na kayo, saan ba 'yong bahay niya?" Tanong niya sa akin.



"Ayon naman pala! Tara!" Sabat ni Farrah. "BF Homes lang 'yang si Zeira. Tara na!" Nauna pang pumasok sa loob ng sasakyan at sunud-sunod na sila. Nahihiya akong tumingin kay Liam.





"It's okay, Love." Nakangiting sabi niya sa akin. "Are you okay? I know, it still hurts... down there." Bulong niya sa akin. Kung may salamin lang sa harapan ko, kitang-kita ko na siguro kung paano ako magkulay kamatis sa harap niya. Ano ba Liam?!




"Y-yes. I'm o-okay." Ayon na lang nasabi ko at pumasok na sa passenger seat. Nakakahiya!




Pumasok na rin siya sa loob at binuhay ang makina bago nagtanong ulit sa akin. "You sure? I want to accompany you but... girls bonding n'yo eh. Do you wa-"




"Love okay lang ako. May aaralin ka pang case 'di ba?" Putol ko sa sasabihin niya. Naiilang ako sa mga sinasabi niya.




"Okay, then." Sagot niya bago pinaandar ang sasakyan.





Tahimik lang kaming dalawa habang nasa biyahe, samantalang 'yong apat sa likod parang mga bubuyog kung magbulungan pero dinig na dinig naman.




"Ano bang gusto mo, Zei?" Tanong ko sa kaniya. Naririnig ko na may gusto siyang gawin pero nahihiya daw siya.




"Liam, pwede ba maki-Bluetooth diyan?" Tanong ni Farrah. "Tahimik masyado eh." Tumango naman si Liam kaya narinig ko pa si Farrah na pinapa-connect na niya si Zeira sa bluetooth ng sasakyan. Wala na kaming nagawa nang magpatugtog sila ng malakas.





"Now, you're never gonna quit it.. Now, you're never gonna quit it.. Now, you're never gonna quit it..." sabay-sabay nilang kanta sa tugtog. "If you don't stop smoking it..." Sabay din ni Liam sa kanta at tinuro pa ako habang ang mga kamay ay nasa manibela.





Buong biyahe maingay kami dahil sa malakas na tugtog kaya hindi namin namalayan na narating agad namin ang bahay nila Zeira. Nauna na sila Zeira bumaba dahil kinausap ko pa si Liam.





"Love, hindi mo na ako kailangan sunduin. May aaralin ka pang case 'di ba... saka kasabay ko naman sila Farrah umuwi." Sabi ko sa kaniya.




"Okay, text me ha? And take care!" Sabi niya sa akin bago ako hinalikan sa mga labi.





"You too... mag-iingat ka sa biyahe." Sabi ko sa kaniya bago bumaba ng sasakyan. Nagbeep pa siya sa akin, hudyat na aalis na kaya kumaway ako at tinanaw ang sasakyan niya hanggang sa mawala sa paningin ko.





"Saang hospital kayo mag-o-ojt?" Narinig kong tanong ni Zeira kila Farrah nang pumasok ako sa kusina habang naghahanda ng pagkain. "Basta kung saan kayo, doon din ako."





"Saan ba tayong hospital?" Tanong ko na rin sa kanila. "Pero try ko magtanong kay Liam, baka may alam siya."





"Mukhang mahal na mahal mo na talaga si Liam ah?" Nang-aasar na tanong sa akin ni Farrah. "Sana nga ganoon din siya sa'yo."





"Syempre naman... ganoon din siya sa akin." Sagot ko sa kaniya. "Saka malaki tiwala ko sa kaniya." Hindi na siya nagsalita at pinagpatuloy na lang ang ginagawa.






Hindi naman kami ganoon nagtagal kila Zeira dahil gusto rin muna namin magpahinga sa dami ng mga ginawa sa school. Lalo na kapag nag-umpisa na naman kami mag-ojt, magiging busy na naman para buoin ang 500 hours.








"Oh, Pa! Bakit gising ka pa po?" Tanong ko sa kaniya habang kumukuha ng tubig. Naabutan ko siyang nakaupo sa sala, tila malalim ang iniisip.








"Hinihintay kita, kumain ka na ba?" Tumango ako bilang sagot dahil puno pa ng tubig ang bibig ko. "M-may gusto sana akong sabihin sa'yo, anak."





"Ano po 'yon? Ayy! Wait lang, Pa." Sinagot ko muna 'yong tumatawag sa cellphone ko. "Zei! Yes, nakauwi na ako... oo, tatanong ko. Sige, ingat ka diyan. Goodnight!" Nagtatanong ang mga mata ko na nakatingin kay papa pero hindi pa rin niya sinasabi 'yong sasabihin niya. "Ano nga po 'yong sasabihin mo, Pa?"








"A-ah! W-wala. Nakalimutan ko na.." Sagot niya sa akin. "Sige na, umakyat ka na sa kwarto mo para makapagpahinga ka na."





"Sigurado ka, Pa?" Paninigurado ko pa sa kaniya. "Sumagot lang ako ng tawag, nakalimutan mo na?"





"Oo nga, bukas na lang. Baka maalala ko." Saka ako tinalikuran pero tinawag ko siya ulit kaya napahinto sandali.




"Pa, nasaan nga po pala si mama?" Tanong ko sa kaniya. "Hindi ko siya nakikita ah? Tulog na ba?"




Parang hindi siya nakagalaw sa kinakatayuan niya kaya inulit ko 'yong tanong sa kaniya. "Pa, nasaan si mama?"




"A-ah, a-anak t-tulog na siya. Kanina pa, alam mo naman ang mama mo hindi sanay sa puyatan." Nangangapa niyang sagot sa akin. "M-magpahinga ka na sa kwarto mo." Tumango na lang ako sa kaniya bago umakyat ng kwarto. Nagtataka sa mga ikinikilos ni papa.

x-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------x

The Bright City Lights (Fortune Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon