Kinabukasan, hingal na hingal akong pumasok sa school dahil bukod sa na-traffic ako, minadali kong akyatin hanggang fourth floor papuntang room... buong fourth floor ang department namin. Tapos wala naman palang professor, ni hindi man lang ako sinabihan ng mga mabubuti kong kaibigan kaya iritado akong umupo sa upuan ko.
"Grabe! Sana sinabi niyo na wala palang prof para hindi ko tinakbo simula ground floor hanggang dito 'di ba?" Nakasimangot akong nagrereklamo sa kanila. Hindi man lang sila nagchat sa akin o tumawag para aware naman akong walang prof sa first subject.
"Malay ba namin na magco-commute ka, eh umuwi kang naka-kotse kagabi." Nakangising sagot sa akin ni Farrah.
"Malamang magco-commute ako dahil wala namang maghahatid sa akin." Pagmamaktol ko pa rin sa kanila pero parang wala silang pakialam. Tsaka ano daw? Naka-kotse? Malay ko bang susunduin ako noong Liam na 'yon kagabi.
"Okay na 'yan, atleast maaga ka for the next subject." Pang-aasar din sa akin ni Zeira at sabay-sabay silang nagtawanan.
"Kamusta naman kayo ni Liam kagabi?" Curious na tanong ni Malia. "Ang bilis mo ah."
"Ewan ko sa inyo, ang lalakas niyong mang-asar." Sagot ko sa kanila atsaka inirapan sila. "Pero... ayos naman siya.. okay siya kasama." Kasi dinala niya ako sa lugar na gustong gusto ko palagi, hindi ko 'yon masabi sa kanila. Hindi ko alam kung bakit pa nila tinatanong, halata namang wala lang 'yon.
"Bakit ka sinundo 'non?" Tanong ni Zeira. "At talagang alam niya na dito school mo ah... siguro nagkakachat kayo no?!" Nanlalaki ang mga matang tanong niya sa akin. Napaka- exaggerated talaga ng mga conclusions nito eh.
"Ang malisosya niyo! Sinundo lang nagkakatext na agad?" Pero kung tutuusin hindi ko rin alam kung bakit ako sinundo 'non. "Hindi ba pwedeng nakikipag-friends lang? Friends lang gano'n."
"Diyan naman nag-uumpisa lahat eh. Friends muna. Naku! Amara, huwag kami." Natatawang sabi ni Farrah.
Magsasalita pa sana sila pero nag-ring na ang bell at pumasok ang next na professor namin. Konting discussion lang at nagtawag na siya ng mga names through our class cards for the recitation. Ito 'yong part na ayaw namin kasi 'yong professor na 'to ang daming tanong... nasagot na nga 'yong tanong niya tapos may follow-up question pa.
"Anong oras na ba? Bakit ang tagal mag-bell?" Bulong sa akin ni Farrah.
"30 minutes pa lang nauubos niya sa oras niya kaya for sure, 'yong 30 minutes is for recitation... hindi ka pa nasanay." Sagot ko rin sa kaniya ng pabulong.
Lumipas ang ilang minuto at natapos din ang subject niya hanggang sa sunod-sunod nang pumasok mga professor namin for the other subjects. Mabilis lang natapos ang klase namin at uwian na naman... balak pa sana naming kumain sa fast food ng mapansin ko na naman 'yong pulang sedan.
"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ah?" Bulong sa akin ni Farrah. Akala ko ako lang nakapansin, siya rin pala at lumapit pa sa akin para lang bumulong.
"Ewan ko. Hindi ko nga alam kung bakit nandito 'yan e." Sagot ko sa kaniya. Hindi ko na sana papansin ng marinig kong tinawag ako ni Liam.
"Amara!"
Alanganin akong lumingon sa kaniya at nginitian siya. "Hi, anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kaniya... ramdam ko agad 'yong mga tingin sa amin ng mga kaibigan ko, lalo na si Zeira na narinig ko pa ang pagkasinghap sa gulat.
"Sinusundo kita... gabi na rin eh." Nakangiting sabi niya.
Tumango na lang ako sa kaniya at bumalik kela Farrah para magpaalam. Hindi naman nila ako pinigilan at nagsabi pa ng goodluck na may halong pang-aasar. Bumalik agad ako kay Liam at pumasok sa loob ng kotse.. nang maisuot ko na ang seatbelt napatanong ako sa kaniya bigla.
"Bakit?.. bakit mo ako palaging sinusundo? Malayo ang bahay mo dito, hindi ba?" Naguguluhan na talaga ako sa kaniya kung bakit niya ginagawa ito.
"Gabi ka na kasi umuwi kaya ganoon... baka mapaano ka rin sa labas." Sagot niya habang nakatutok ang tingin sa kalsada habang nagmamaneho na. "Have you eat?"
"Nope, kakain dapat kami nila Farrah kaso... nandiyan... ka na eh." Nahihiyang sagot ko. Parang may binulong pa siya pero hindi ko na narinig.
"Sabay na lang tayo kumain, saan mo gusto?" Tanong niya sa akin.
"Kahit saan naman ako. Kahit ano... ikaw bahala." Sagot ko sa kaniya, kahit saan naman ako pakainin basta pagkain eh. Tumango na lang siya at hindi na umimik, naka-focus lang siya sa pagmamaneho. Nag-iisip ako ng pag-uusapan ng bigla siyang nagsalita.
"How's your day?" Tanong niya sa akin.
"Ayos lang, hindi pa naman ganoon ka-busy." Sagot ko. "Saan ka nga pala nag-law school?" Tanong ko sa kaniya dahil hindi ko alam kung saan siya nag-aaral. Alam ko lang na taga QC siya.
"NEU, why?"
"Wala naman, atleast alam ko. Ikaw nga alam mo school ko eh." Sagot ko sa kaniya. Narinig ko pang tumawa siya pero hindi ko na pinansin.
Masyadong tahimik sa pagitan namin kaya tumingin na lang ako sa labas, naiilang pa rin ako makipag-usap sa kaniya. Hindi ko alam kung ano pa pwede namin pag-usapan para lang hindi masyadong awkward o tahimik pero... wala na akong maisip.
"We're here. Let's go." Sabi niya ng mapatay na ang makina. Hindi ko namalayang nasa parking area na pala kami sa lalim ng iniisip ko.
Dinala niya ako sa Makati, hindi ko alam kung saan banda ito pero 'yon ang sabi niya. Gumagala naman kami nila Zeira dito sa Makati pero ngayon ko lang 'to napuntahan. May mga food stall siya na puro pagkain, maraming puno at maraming tao... as in ang ganda ng ambiance.
Bumili lang siya ng chicken inasal with rice and soda in can. Naghanap kami ng place na malapit sa puno na hindi masyadong pinupuntahan ng tao para doon kumain. Hindi siya boring kasama sa totoo lang... kung ano-ano mga kinukuwento niya kaya wala akong ginawa kundi tumawa ng tumawa kapag kasama ko siya. Pagkatapos namin kumain, sumakay kami ng elevator papuntang smoking area dahil nasa itaas pa 'yon.
Pagkarating namin sa itaas, naglabas agad siya ng kaha at inabutan ako ng isang stick. Siya muna unang nagsindi ng sigarilyo bago niya inabot sa akin ang lighter.
"Mabuti may dala ka na?" Nakangiting tanong ko sa kaniya ng kuhanin ko sa palad niya 'yong lighter.
"Palagi naman akong may dala." Sagot niya.
Napakunot ang noo ko sa sagot niya. "Bakit noong una tayong nagkita, lumapit ka pa sa akin para lang manghiram?" Tanong ko sa kaniya habang nakatanaw na sa mga ilaw ng siyudad habang humihithit.
"Nothing... I just want to talk to you." Seryosong sagot niya sa akin. "And to know your name as well."
Halos malunok ko yung usok na binubuga ko dahil sa gulat.
"Wh-what did you say?" Nagtatakang tanong ko.
Humarap siya sakin at kita ko sa malamlam niyang mga mata na seryoso siya sa kaniyang sasabihin. "Amara... I like you."
x-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------x
BINABASA MO ANG
The Bright City Lights (Fortune Series #1)
RomanceFortune Series #1 Malcolm Liam, a legal management fresh graduate continuing his study on law school to pursue his dream as a lawyer falls inlove at first sight to a simple but vicious woman named Amara.