"Mukang ginagabi ka na palagi ng uwi, anak." Bungad sa akin ni papa nang maabutan ko siya sa kusina habang nagkakape.
"Hindi naman po palagi, Pa... hinahatid naman po ako ni Liam." Kinakabahan kong sagot sa kaniya, kilala na kasi nila si Liam dahil bago pala niya ako sunduin sa school nagpapaalam muna siya sa parents ko. In short, palagi siyang dumadaan dito sa bahay bago ako puntahan sa school ko.
"Alam ko naman 'yon, mabuting bata 'yang si Liam dahil nagpapaalam muna sa amin ng mama mo. Pero ipapaalala ko lang sayo, bata ka pa... marami ka pang makilala." Binaba na niya 'yong binabasa niyang diyaryo at tumingin sa akin, "Huwag masyadong magmadali, Ellie. Alam mo naman na ang tama at mali... Tulungan mo muna kami ng mama mo."
"Opo, Pa... alam ko naman po 'yon." Kumuha na lang ako ng baso para uminom ng tubig. Bumalik din ako sa kwarto ko dahil nawalan na ako ng gana kumain dahil sa mga sinabi ni papa. Alam ko namang para sa ikakabuti ko iyon pero hindi ko maiwasang magtampo dahil palagi silang ganiyan sa akin.
Humiga ulit ako sa higaan ko at napatitig na lang sa kisame habang iniisip 'yong mga sinabi ni Liam kagabi.
"Amara, I like you... simula pa 'nong gabing 'yon." Gulat akong napatingin sa kaniya.
"Huh? Paanong... bakit? Bakit ako?" Tanong ko sa kaniya. "Nagjo-joke ka ba? Nanti-trip ka ata eh." Hindi ko alam kung pinagtitripan niya ba ako o ano. Panay hithit ako sa yosi ko hanggang sa maubos 'yon dahil sa halo halong emosyong nararamdaman ko.
"Trip? Hindi ikaw 'yong tipong pinagti-tripan, Amara... at seryoso ako sa sinasabi ko." Humithit muna siya sa yosi niya bago ako tinitigan, "Kung kailangan kong magpaalam sa mga magulang mo gagawin ko pero kahit hindi mo naman sabihin, gagawin ko pa din."
Nagulat ako ng biglang may kumatok sa kwarto ko kaya napabangon agad ako para buksan ang pinto.
"Ate may bisita ka, pinapatawag ka nila mama." Nakangiting sabi sa akin ni Ria. "Hindi sila ate Farrah ah." Pahabol niya pa bago naglakad paalis.
Tangina! Parang alam ko na kung sino, seryoso talaga siya. Agad agad akong naligo at nagbihis ng uniform pang-school para diretso pasok na lang. Masyado pa akong maaga sa klase ko pero ayaw ko siyang magtagal dito, baka masermunan na naman ako nila papa o baka kung ano isipin nila. Shit ka Liam!
"Hi, tara na." Agad kong sabi sa kaniya pagkababa ko ng hagdan. Nilapitan ko na siya para makaalis na kami pero nagsalita pa si mama.
"Hindi na kayo kakain, Ellie?" Tanong sa akin ni mama. Kapag kumain pa kami ng sabay-sabay baka himatayin ako bigla sa kaba. Mukhang seryosong magpapaalam talaga 'tong kumag na 'to.
"Hindi na po, Ma... sa school na lang po ako kakain, g-gagawa rin po kasi ako ng assignments sa library." Nang dahil sa lalaking 'to, nagagawa kong magsinungaling eh. "Tara na!" Hila ko sa braso niya. "Alis na po kami, Ma, Pa." Paalam ko bago tuluyang lumabas ng bahay.
Habang nasa byahe kami panay ang reklamo ko sa kaniya dahil kung hindi siya pumunta sa bahay, tulog pa sana ako dahil mamayang 4pm pa ang klase ko... alas onse pa lang ng umaga. Sinadya niya daw talagang pumunta ng maaga sa amin dahil may pupuntahan dapat kami pero sa kadahilang inaantok pa ako, next time na lang. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon.
Ilang oras ang lumipas ng maramdaman kong may yumuyugyog sa balikat ko... Pagdilat ko ng mga mata biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin kaya agad akong napaayos ng upo.
"Nasaan na tayo?" Tanong ko habang nililibot ang paligid. Nagtatakang tumingin ako sa kaniya ng mapagtantong nasa harap kami ng isang malaki at magarang bahay. "N-nasaan...tayo?" Pag-uulit ko ng tanong sa kaniya, kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung nasaan kami at nasa harap pa ng malaking bahay.
"Nandito ka sa bahay namin... huwag ka sana magagalit." Kumakamot siya sa batok niya. "Gusto sana kitang gisingin kanina kaso... tulog na tulog ka." Hindi na siya makatingin ng diretso sa akin.
"Uhmm, ganoon ba? Okay lang. Anong oras na ba?" Tanong ko sa oras dahil may klase pa ako mamayang hapon, napasarap ata 'yong tulog ko dahil hindi ko namalayang nandito na kami sa bahay nila Liam.
"It's 1pm. Let's go inside para makakain ka na... hindi ka naglunch sa inyo." Sabi niya bago inalis ang seatbelt at lumabas na. Lumabas na rin ako at sumunod sa kaniya papasok ng bahay nila.
"Mom! I'm home!" Sigaw niya pagkapasok ng living room. Kinakabahan ako...bakit ba kasi ako dinala ng lalaking 'to sa bahay nila.
I looked up when I saw a very beautiful and intimidating woman, walking down the stairs... and I think she's only in her 30's. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o iaakto ko nang nasa harapan ko na siya.
"Uhm, good afternoon po ma'am." Bati ko sa kaniya, halatang halata na kinakabahan ako dahil sa hina ng boses ko.
"Good afternoon." Balik-bati niya sa akin at tumingin kay Liam. "Is she?"
Tumango lang si Liam, hindi ko alam kung ano 'yong tinutukoy nila kaya hinayaan ko na lang. "Mom, don't make her uncomfortable."
"I am not doing anything." Nakasimangot na sagot ng mommy niya sa kaniya. "Feel at home, hija." Nakangiting sabi niya sa akin. "Ngayon na lang ulit nagd-"
"Mom! Let's eat, I'm hungry." Putol ni Liam sa sasabihin ng mommy niya.
Napatalon pa ako sa gulat ng hawakan ako sa braso ng mommy ni Liam para sabay kami maglakad papunta sa dining. Tumingin ako kay Liam at tinanguan niya lang ako. Hinatak ni Liam ang upuan para makaupo ako ng maayos samantalang tumabi naman sa akin ang mommy niya. Sinalinan ako ng kanin at ulam na chicken afritada ni Liam samantalang 'yong mommy niya panay lagay din ng iba pa nilang ulam... ang ending parang lahat na ata ng ulam nasa plato ko na.
"Hmm... okay na po 'yan ma'am, Liam." Pigil ko sa kanila dahil pati si Liam panay lagay din ng iba pang putahe. Hindi ko alam kung mauubos ko pa ba ito sa sobrang dami nilang nilagay.
"Oh my God! I'm so sorry hija." Paghingi niya ng tawad sa akin. "Hindi ko napansin, gusto ko lang matikman mo lahat... niluto ko kasi 'yan lahat nang sabihin ni Liam na dadalhin ka niya dito."
"Ayos lang po, ma-."
"Don't call me 'ma'am', i don't like it." Putol niya sa sasabihin ko. "I would love if you call me mom" Nakangiting sambit sabay kindat. Mabait naman pala siya, nakaka-intimidate lang talaga yung awra niya.
"Yes po, mo-mom" Sagot ko sa kaniya na may hiya. Hindi ko alam kung bakit yun ang gusto niyang itawag ko sa kanya kahit hindi naman kami magkarelasyon ni Liam.
"Uubusin ko po lahat 'yan." Sambit ko pa, pangpalubag-loob ko na lang din sa kaniya kahit hindi ko alam kung mauubos ko ba 'yon dahil hindi naman ako ganoon karami kumain.
"Thank you, hija." Nakangiting sabi niya sa akin. "I really like her, Liam." Nakatingin na siya kay Liam ng sabihin niya 'yon.
x-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------x
BINABASA MO ANG
The Bright City Lights (Fortune Series #1)
RomanceFortune Series #1 Malcolm Liam, a legal management fresh graduate continuing his study on law school to pursue his dream as a lawyer falls inlove at first sight to a simple but vicious woman named Amara.