Chapter 2

35 1 0
                                    

Tanghali na ng magising ako, at dahil pa 'yon sa nag-iingay kong cellphone. Pinilit kong bumangon kahit sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hangover. Sabi na hindi chill mangyayari sa amin kagabi eh!


"Fuckin' hangover! Hello?!" Iritadong sagot ko sa kabilang linya habang nakapikit pa.


"Tangina Amara Ellie Monterona! Anong oras na tulog ka pa din?! Anong oras ka mag-eenroll? Nandito na kami ni Farrah sa school!" Sunud-sunod na tanong sa akin ni Zeira. Ngayon ba 'yon? Tiningnan ko muna 'yong date dahil tinatamad akong kumilos at gusto ko lang matulog maghapon dahil sa iniinda kong sakit ng ulo.


"Shit! Oo nga pala." Napabalikwas ako ng bangon. Nakalimutan kong enrollment nga pala ngayon. "Oo, papunta na ako. Nandiyan na ba kayong lahat? Sige na. Bye bye na, papunta na ako." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at binaba ko na 'yong tawag dahil baka kung ano-ano na namang sermon abutin ko doon kay Zeira.


Agad akong naligo at nagbihis, naglagay lang din ako ng light make-up para di naman ako magmukhang maputla at mahalatang kulang pa sa tulog. Sa school nalang ako kakain.


"Ma, alis na po ako. Enrollment po namin ngayon." Agad kong sabi kay mama ng makababa ako sa hagdan.


"Kumain ka muna." Alok sa akin ni mama, naabutan ko silang kumakain ng tanghalian. Nandoon ang dalawa kong kapatid at si papa lang ang wala, siguro dahil nasa trabaho na.


"Hindi na Ma, sa school na lang po ako kakain." Tanggi ko dahil baka kung anong oras na ako makarating sa school kapag kumain pa ako kahit nakaramdam ako ng gutom nang makita ko ang nakahain sa lamesa.


"Sige mag-iingat ka. Huwag kang magpapagabi, kagabi anong oras ka na umuwi." Pagpapaala sa akin ni mama. "Ito nga pala 'yong pang-enroll mo, isang taon nalang gagraduate ka na Ellie. Makakatulong ka na din sa mga gastusin dito sa bahay, matutulungan mo na kami ng papa mo sa pagpapaaral sa mga kapatid mo." Nakangiting sabi sakin ni mama pagkaabot ng pera.


"Opo Ma, aalis na po ako." Kinuha ko na 'yong pera at humalik sa pisngi niya. Palagi nalang sinasabi sa akin ni mama 'yong mga bagay na yon pero anong magagawa ko? Ako ang panganay at obligasyon kong ibalik lahat ng pinang-tuition ko sa pamamagitan ng pagpapaaral din sa mga kapatid ko.


Pagkalabas ko ng bahay, sumakay agad ako ng tricycle papunta sa kanto namin para doon mag-abang ng jeep papuntang school. Mabuti na lang hindi masyadong ma-traffic at mabilis akong nakarating. Pagkababa ko ng jeep, nakita ko agad sila Farrah at Zeira sa tapat ng school. Sakto ring nakita kong tumatakbo sina Malia at Morris papunta sa kanila.


"Oh, anong atin?" Bungad ko agad sa kanila pagkalapit ko. "Sorry, nakalimutan ko eh."


"Grabe kayong tatlo! Anong oras usapan natin? Iba na pala 'yong alas nuebe sa inyo!" Reklamo ni Farrah sa aming tatlo. Silang dalawa lang yata kasi ni Zeira ang hindi masyadong nalasing kagabi.


"Ang haba na ng pila sa Registrar! Anong oras tayo matatapos nito? Kanina pa kami dito sa initan." Pagmamaktol din ni Zeira na may hawak pang pamaypay.


"Eto kasing si Malia, naghanap pa ng mag-a-" Sagot ni Morris.


"Naghanap pa kasi ako ng mahihiraman ng pera, sorry na." Putol ni Malia sa sasabihin ni Morris.


"Tara na nga! Ang init-init na oh? Sa dulo na ang pila natin nito." Nakasimangot na pag-aya sa amin ni Zeira. Natatawa na lang ako sa inaakto niya dahil maya-maya lang magiging okay din siya. Makakalimutan niyang naghintay siya ng matagal.


Sabay-sabay kaming pumasok sa school, and as usual, sa dulo na nga ang pila namin sa sobrang daming estudyante. Ganito naman palagi kapag enrollment kaya minsan 'yong ibang estudyante pinipili na lang magpa-late enrollees kaysa pumila nang matagal.


"Nagugutom ako." Sabi ko kay Farrah na siyang kasunod ko sa pila.


"Tara, canteen? Hindi rin ako masyadong nakakain sa bahay eh." Aya sakin ni Farrah.


"Bakit? May nangyari na naman ba?" Tanong ko pa rin sa kaniya kahit alam kong iniiwasan niya lahat ng mga tanong ko tungkol sa pamilya niya.


"Wala naman." Sagot niya sa akin sabay ngiti. "May magpapasabay ba sa inyo? Bibili kami sa canteen ni Mara." Tanong niya sa tatlo. Wala namang bago, iiwasan niya na naman 'yong mga tanong na 'yon kaya hinayaan ko na lang... at mukhang pare-pareho kaming hindi kumain dahil nagpabili din 'yong tatlo.


Habang nakapila kami sa canteen, biglang nagtanong sa akin si Farrah. "Kamusta pala kayo ni lover boy mo kagabi?"


Gulat akong napatingin sa kaniya. "Sinong lover boy? Pinagsasabi mo diyan?"


"Don't tell me, you don't remember anything?" Nakangising tanong niya sa akin. "Si kuyang nanghiram ng lighter."


"Ah, wala yon. Nanghiram nga lang ng lighter 'diba?" Sagot ko sa kaniya. "Ano pa bang inaasahan mo?" Tanong ko sa kaniya habang abala sa pagpili ng pagkain.


"Hindi mo natatandaan lahat? 'Yong mga pinag-gagagawa mo?" Nanlalaking tanong niya sa akin.


"Farrah kung may ginawa man ako kagabi, hayaan na natin. Hindi naman ako maaalala noon, malamang sa malamang lasing din 'yon." Walang pakialam 'kong sagot sa kaniya. Wala naman kasi talaga akong pakialam, hindi na bago sa akin 'yong may makaka-fling ka sa bar. Hindi naman nawawala 'yon.


"Even you kissed him?" Nakangising tanong na naman niya sa akin.


"Yes! Even I kissed him, I don't care. Hindi na ako matatandaan noon. And please, stop asking me about him kasi lalo lang sumasakit ulo ko." Ganoon naman kasi talaga sa bar, kapag may nahalikan ka ay parang wala na lang din kasi hindi niyo naman kilala 'yong isa't isa. Binalik ko na ulit 'yong paningin ko sa harap dahil turn ko na sa pag-order, sinabay ko na lahat ng order nila para mabilis.


Habang naglalakad kami ni Farrah sa hallway pabalik sa Registrar, parang may nahagip 'yong mga mata ko na familiar. Tinitigan kong mabuti 'yong lalaki na may kausap dahil baka namamalikmata lang ako pero... Tangina! Bakit nandito siya?


"Hindi ko alam eh, pero baka ganoon na lang din gawin ko, tapos- uyy!" Siko sa akin ni Farrah. "Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?"



"H-huh?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ko na narinig 'yong sinasabi niya dahil natuon 'yong atensyon ko doon sa lalaki na may kausap.



"Anong 'huh'? May pinag-uusapan tayo 'di ba?" Naguguluhan niyang sabi sa akin. "Ano bang tinitingnan mo diyan?" Tumingin na rin siya sa direksyon na tinitingnan ko. Kita ko ang biglaang paglaki ng mga mata ni Farrah sabay tingin sa akin na may mapang-asar na ngiti.



"P-paano... b-bakit... a-anong ginagawa niyan dito?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

x-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------x

The Bright City Lights (Fortune Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon