CHAPTER ONE (REVISED)

25 4 0
                                    

NAYUMI RHEALYN OROPESA

"EYANG!" Sigaw nang kung sino mang tumatawag sa'kin.

Napalingon tuloy ang maganda ni'yong si Eyang sa nilalang na 'yon.

"Oh! Jepoy, bakit ka ba sumisigaw?" Tanong ko rito. Si Jeffrey Sebastian nga pala, 'Jepoy' for short 'Poy' for shorter, kababata ko.

Patakbo siyang lumapit at agad niyang sinabi ang masamang balita.

"Si Lola Ann, sinugod sa ospital." Hinihingal niyang sabi.

"T*NGINA, ANO!?" Dahil sa gulat ko ay nabitawan ko tuloy ang hawak kong plastic na may lamang softdrink.

Putspa sayang 'yung laman!

"Hoy t*nga, tara na," yaya ni Jepoy sa'kin at patakbo na kaming pumunta sa ospital.

Habang tumatakbo kami ay napapaisip ako kung ano nanamang dahilan ng pagkaka-ospital ni Lola, hindi naman kasi siya palasabi ng mga nararamdaman niya sa katawan niya. Kahit matanda na ay may katigasan pa rin ang ulo niya. Sa kan'ya siguro ako nagmana.

Pagkarating namin sa ospital, agad kong pinuntahan ang nurse na nasa lobby at tinanong ang room number na kinalalagyan ni Lola.

Nang sabihin na sa'kin ay agad akong umalis para puntahan si Lola. Hindi ko na pinansin kung nakasunod pa ba si Jepoy sa'kin o hindi na.


Nang marating ko na ang kwarto ay agad kong binuksan ang pinto at tumakbo ako papunta sa unang higaang nakita ko.

"Lolaaaaa!" Iyak ko.

"Anong nangyari sayo, bakit ka nandito sa ospital? Huhuhu," pagdadrama ko pa.

"Sabi ko naman sa inyo na magpatingin na kayo para 'di kayo pabalik-balik dito sa loob. Ang tigas din ng ulo niyo eh, isusumbong ko na talaga kayo kay Kuya," dugtong ko pa.

Dahil busy ako sa pag-iyak, hindi ko inasahan ang sumunod na mangyayari. Bigla kong naramdaman ang pagbatok ng isang kamay sa ulo ko.

"Aray, p*ta!" Bigla akong napakalas sa pagyakap kay Lola.

Napatingin tuloy ako nang masama kay Jepoy na prenteng nakatayo sa likuran ko.

Ang g*gong 'to nakuha pa 'kong batukan!

"Hoy, t*nga ka ba? Bakit ka namamatok?!" Gigil na sigaw ko rito.

"T*nga ka rin, ang OA mo teh," maarteng sabi nito sabay irap sa'kin.

Aba matindi nakuha pa 'kong irapan ng hinayupak!

"OA ka r'yan, hindi mo ba nakikita 'yung sitwasyon ni Lola." Naiinis kong sabi.

"Boba, hindi mo lola 'yan," sabi nito na para bang napakatanga kong tao.

Napalingon tuloy ako sa matandang nakahiga sa kama at napapikit nang mariin dahil hindi nga si Lola ang nakahiga sa kama.

Sheeet nakakahiya!

Napatingin naman ako sa kabilang kama at doon ko nakita si Lola na nagpipigil nang tawa.

Nakanguso akong pumunta sa kan'ya.

"Bakit hindi mo ako tinawag agad, La," tanong ko sabay simangot.

"Nakakatuwa ka kasing panoorin, apo," tatawa tawa niyang sagot.

"Nakakahiya."

Napakamot na lang ako sa pisngi ko dahil sa katangahang nagawa ko. Buti na lang at tulog 'yung unang matandang nakita ko dahil kung hindi, baka pinagtatawanan na rin ako no'n.

ITO ANG REYALIDAD!Where stories live. Discover now